Chapter 4 : Tease

1717 Words
Ilang segundo ring natahimik si Cassandra habang nakaupo sa kanyang tabi at inaalala ang pangalan ng bago nilang professor. Sa kabila no'n, ramdam na ramdam pa rin ni Vera ang antok habang buhay na buhay naman ang diwa ng matalik na kaibigan dahil sa topic nilang dalawa. "Never mind, Cas." Mas pinili niyang tapusin na ang usapan. Wala naman siyang dapat ipag-alala, hindi ba? Impossible kasing mapadpad ang tulad ni Damon sa unibersidad na pinapasukan nito. At kung susumahin, hindi lang naman ito ang nag-iisang tao sa mundong tunog demony0 ang pangalan. Nakakahiya naman kasi kina lucifer at hudas na tunog pa lang ay halatang may sungay na. "Wait lang naman, bes! Nagmamadali? May lakad?" nakasimangot na sambit ni Cassandra na may kasama pang hand gestures. Mabilis nitong dinuro ang sariling bibig sa harapan niya. "Nasa dulo na ng dila ko ang pangalan niya. Kita mo?" Agad niya namang inabot ang kanang kamay ng best friend saka ibinaba sa desk. "Huwag mo nang sabihin sa akin dahil wala naman akong interest sa mga professor natin. I'm not into taboo, okay?" "But you lost your cherry in a one night sta—" natataranta niyang tinakpan ng kamay ang bibig ni Cassandra huwag lamang nitong mabanggit ang mga nangyari nang gabing 'yon. As much as possible, she wanted to forget about it. Dahil alam nitong mas lalo lamang gugulo ang buhay niya sa mansyon kung daragdag pa sa problema nito ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Damon. Wala na itong balak pang alalahanin kung paano siya hinalikan at paulit-ulit na inangkin ng binata sa bawat sulok ng motel. Yes, he's a damn good kisser and a fvcking monster in bed. Pero hanggang doon na lang 'yon dahil may mga bagay talagang kailangan nating tuldukan at kalimutan para magkaroon tayo ng peace of mind. "That was my biggest mistake and I'm regretting it big time, Cas. Baka nakakalimutan mong it's merely your fault dahil nilasing mo ako sa kaliwa't kanang bar hopping." Sunod-sunod naman itong umiling habang nakatingin sa kanya. "Nakalimutan mo naman saglit ang mga problema mo, hindi ba? At isa pa, usapan nating dalawa na walang sisihan kapag may nangyaring kababalaghan pagkatapos." "Whatever, Cas!" aniya saka napabuntong-hininga na lamang. "Kung alam mo lang..." Pinakatitigan nito ang matalik na kaibigan. Napakarami niya sanang gustong ikwento dito pero nananamlay pa rin siya dahil sa antok na nararamdaman, kaya naman mas pinili nitong manahimik na muna at isantabi ang mga ito sa susunod na mga araw. "OH MY GOSH! HE'S HERE!" Ilang minuto pa lamang na naipikit ni Vera ang mga mata pagkatapos ng usapan nilang dalawa ni Cassandra nang marinig nito ang walang katapusang tili ng mga kaklase. "Ang gwapo niya!" 'Kalalandi, parang kinukurot ang mga singit!' mahina niyang saad saka napabuga ng marahas na hininga dahil sa namumuong inis. "Kulang ang gwapo, noh! He's a living example of a greek-god. Literal na drop dead gorgeous!" Napailing na lamang siya sa kinauupuan, nasa kolehiyo na silang lahat kung ituring pero parang nasa high school pa rin ang mga ito kung umasta. Daig pa nga yata ng mga ito ang may inaabangang crush sa hallway at swinerteng nakakuha ng lover sa larong FLAMES. Bilang class representative, trabaho niya sana ang patahimikin ang mga ito ngunit wala naman siyang sapat na enerhiya para gawin 'yon sa ngayon. "Anakan mo 'ko, sir. Please!" Halos takpan na nito ang magkabilang tainga huwag lamang marinig ang palala nang palalang kalandian ng mga kaklase. "Bes!" Sinubukan niyang dedmahin ang tawag ni Cassandra pero malakas naman siya nitong niyugyog sa balikat. "Please, Cas. Huwag ka na munang dumagdag sa ingay nila, baka mabingi ako ng tuluyan kapag nangyari 'yon." Napansin niya kung paano ito sunod-sunod na umiling. "You need to see this!" hindi mapakali nitong sambit. "I'm not interested, makikita ko rin naman ang professor na 'yan mamaya," aniya para mapakalma ang best friend. Akala ni Vera ay matatahimik na ito pero natigilan siya sa sunod na ginawa ni Cassandra. Kulang na lang nga mapahiyaw siya sa lakas ng hampas na ginawa nito sa kanyang balikat. "Pinasok ka na niya, bes este pumasok na siya sa classroom natin!" "What?" kunot ang noo niyang tanong. "Nakikita mo ba ang nakikita ko, bes?" Paulit-ulit na iminulat at ipinikit ni Vera ang mga mata para makita ang tinutukoy nito. Pakiramdam niya kasi ay may namumuong buhangin sa mga ito dahil sa kakulangan niya sa tulog. "Isn't he..." Hindi pa man nito natatapos ang linya pero parang may namuo ng bara sa kanyang lalamunan. "Cassandra," saway niya rito. "Please, huwag mo nang ituloy ang balak mong sabihin." "But..." Matiim siya nitong pinakatitigan. "You and that man..." Atomatiko siyang napailing bilang sagot sa tanong nito. "It's a mistake," pag-uulit niya sabay baling ng tingin sa lalaking nasa harapan. Gustuhin niya mang titigan ito nang matagal ngunit hindi maari. Lalo na't wala pang kaalam-alam ang matalik na kaibigan sa nangyayari ngayon sa pagitan nilang dalawa ni Damon— lingid sa kaalaman nitong nakatira na sila sa iisang bubong ng binata at kailangan niya na ngayong ituring na kapatid ang lalaking naka-one night stand sa bar. "Thanks for the warm welcome, everyone and because of that I'll allow you to ask me three questions before we start our formal discussion." Gano'n na lamang kabilis na lumalim ang gatla niya sa noo. Anong ginagawa mo sa lugar na 'to, Damon? Inutusan ka ba talaga ng bruha para sirain ang buhay ko? Una sa mansyon at ngayon naman sa university. Napakasama niyong mag-ina! Mga wala kayong puso! "Yes!" Halos mapatayo ito sa kinauupuan dahil sa kabila ng tuwang nararamdaman ng mga kaklase, unti-unti naman siyang nilalamon ng inis. "May girlfriend na ba kayo, sir?" Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang kaharutang ipinapakita ng mga kaklase. "Hey! Ako dapat ang magtatanong!" Bumuntong-hininga siya, talaga namang pinag-aagawan pa ng mga ito ang lalaking kinakainisan niya. "Just think of another question. Gano'n din naman ang itatanong mo, 'di ba?" Walang gana siyang nakinig sa mga ito saka napabuga ng marahas na hininga, hindi na rin nakapagtataka kung may mangyari na namang sabunutan mamaya dahil sa ginagawa ng mga ito. "So what's the answer, sir?" tanong uli ng kaklase saka umikot ang tingin sa buong classroom. "Nakakahiya mang sabihin pero marami kaming naghihintay ng sagot niyo." Bahagya mang nakadumog si Vera pero nasilayan niya kung paano unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito. "I'm single..." "Really, Sir?" hindi makapaniwalang tanong ng kaklase. Akala nito tuluyan na siyang mabibingi sa kinauupuan nang marinig ang walang katapusang tilian. Wala tuloy siyang ibang naisip na solusyon kung hindi ang tumayo sa kinauupuan at ubusin ang oras sa rest room. Baka sakaling makatulog pa siya dahil mas tahimik at relaxing doon. "But I'm into someone right now..." Parang tuod siyang napako sa kinauupuan dahil sa narinig. Gustuhin man nitong ituloy ang pinaplano pero mas lalo siyang natigilan nang maramdaman ang pares ng mga matang nakatingin sa kanya. Ilang pulgada rin ang layo ng kinauupuan niya kay Damon pero ramdam na ramdam niya ang pananayo ng mga balahibo sa katawan dahil sa mga salitang binitiwan nito. "Bes, nakita mo 'yon?" "Ano na naman, Cas?" naiirita niyang tanong habang nakakalumbaba. "He's into someone daw pero sa'yo nakatingin." Aaminin niyang nakakahawa ang kinang sa mga mata ng matalik na kaibigan pero pinaalala nito sa sariling hindi siya pwedeng kiligin sa mga nangyayari. "Namamalikmata ka lang," aniya para paniwalain ang sariling guni-guni lamang ang lahat. "Bilog ang mundo, girls. What's important is that he's single, hindi pa huli ang lahat." Pinagtuunan niya ng pansin ang usapan ng mga kaklase pero mabilis itong nakaramdam ng panlalambot nang marinig ang mahinang tawa ni Damon. Hindi niya maintindihan, but there's something charming with his laugh. Muli tuloy nitong naalala kung paano paulit-ulit na tumawa ang binata sa harapan niya habang nag-uusap silang dalawa sa bar. "You guys are funny," anito na nasundan pa ng mahinang tawa. Saglit na binalot ng katahimikan ang buong classroom na para bang nabigla rin ang mga ito sa tuwang ipinakita ng bagong professor. "Why don't we proceed to the next question?" Hindi naman sinayang ng isang kaklase ni Vera ang pagkakataon. "How young are you, Sir?" "Bakit hindi niyo hulaan?" anito saka ngumiti nang malagkit sa direksyon niya. Laking tuwa naman nito nang makisama ang katawan kaya mabilis niyang naiwasan ang ginagawa nitong panunukso. "Twenty four?" Umiling si Damon. "Higher." "Twenty six?" may excitement na tanong ng kaklase ni Vera. "Lower." Mabilis na napatayo sa kinauupuan ang isang dalaga. "Twenty five?" Tumango ang binata saka matamis na ngumiti. "Yeah. Old enough, right?" "Gawd! Hindi nalalayo ang age gap! Jojowain nga talaga!" Sabay-sabay na nagtawanan ang lahat maliban kay Vera. Pilitin man kasi nito ang sarili pero hindi niya kayang magpanggap na masaya ngayong kinakabahan ito sa maaring maging epekto ng presensya ni Damon sa buhay niya. Stepbrother sa mansyon at professor naman sa university? Saan na ako lulugar ngayon? Bakit ba parang paborito akong paglaruan ng tadhana? Gosh! "Third question na, guys. Gandahan niyo naman, nakakahiya kay sir!" Sumang-ayon ang lahat lalo na ang mga kababaihan. Nasa kalagitnaan naman ng pag-iisip ang mga ito nang muling magsalita si Damon. "Why don't you give your class representative a chance?" Saglit na natahimik ang buong classroom. "Oo nga naman," pagsang-ayon ng isang kaklase na mabilis namang nasundan. "Vera, bakit hindi na lang ikaw ang magtanong kay sir?" Lihim siyang napalunok. "A-Ako?" nauutal nitong tanong. Walang pagdadalawang-isip namang sabay-sabay na tumango ang mga kaklase. "Yes, ikaw nga." "Uhmm," hindi mapakaling impit niya at bahagya pa silang nagkapalitan ng tingin ng matalik na kaibigan. Gusto niya sanang ipasa ang hot seat kay Cassandra pero alam nitong hindi pwede. Baka mamaya kung ano pa ang itanong nito na mas ikapahamak niya. "W-What's your name again, Sir?" Nagulantang ang buong klase sa narinig habang unti-unti naman nitong nasilayan kung paano mas tumaas ang sulok ng labi ng lalaking nasa harapan. Akala ni Vera ay sasagutin nito nang mabilis ang tanong niya ngunit laking gulat niya na lamang nang humakbang ito papalapit sa kinauupuan. "I'm Damon Claude Saavedra, your new professor. And you are?" Lihim siyang napabuntong-hininga dahil ramdam nitong pinaglalaruan siya ni Damon. Impossible naman kasing nakalimutan nito ang pangalan niya. "Vera Airen Villegas, Sir." Tumango lamang ito saka nakakaloko siyang nginitian. "Nice to meet you, Miss Vera Airen Villegas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD