'Everything will remain a secret between us, baby.'
Nagmistulang sirang plakang nagpabalik-balik sa isipan ni Vera ang huling mga katagang binitawan ni Damon.
Gustuhin niya mang kalimutan ang mga sinabi nito pero kusa namang lumalapat ang daliri sa mga labi niyang walang sawang hinalikan ng binata sa pantry. Literal na mukbang kung mukbang naman kasi ang ginawa nito kaninang madaling araw.
'Bakit mo hinayaang gawin kang breakfast ng demony0ng 'yon, Vera? Nahihibang ka na ba talaga?'
Kulang na lang ay sabunutan nito ang mahabang buhok habang kinakausap ang sarili sa harapan ng salamin.
Hindi rin tuloy nito mapigilan ang huwag mapabuntong-hininga habang sinesermunan ang sarili dahil imbes na mapalayo ay mukhang mas lalo lamang siyang nahuhulog sa kamay ng lalaking pilit nitong iniiwasan.
At dahil sa nangyaring kababalaghan sa pantry, napilitan tuloy siyang mag-ayos ng sarili para pumasok sa unibersidad na pinili mismo ng mga magulang noon para sa kanya.
Currently, she's a graduating student taking up Bachelor of Science in Civil Engineering, kung tutuusin hindi 'yon ang dream course niya at pinili lamang nito ang kurso sa pag-aakalang magiging proud ang ama sa naging desisyon. Tunay din namang naging masaya ito sa unang tatlong taon niya sa kolehiyo kaya ginawa niya ang lahat upang huwag masira ang expectations nito ngunit nang biglaan mawala ang ina ay tuluyan na ring nawala ang interest nito sa mga achievements na natatanggap niya.
"Beautiful morning, sweetie."
Gano'n na lamang kabilis na lumalim ang gatla sa noo ni Vera nang salubungin siya ng matinis na boses ng madrasta.
"Masiglang-masigla ang bruha, puno ang bulsa?"
Hindi nito napigilan ang inis na nararamdaman dahil nakaupo lang naman ito ngayon sa tabi ng kanyang daddy habang nasa hapag ang mga pagkaing halatang pinahanda nito para sa pinakamamahal na unico hijo.
Kung hindi lang mangiyak-ngiyak ang kasambahay na tumawag sa kanya kanina tiyak mas pipiliin na naman nitong kumain sa pinakamalapit na convenient store kesa pilitin ang sariling kumain sa harapan ng mga taong kinamumuhian niya nang husto.
"Manners, Vera."
Hindi pa man siya nakakaupo sa bakanteng silya ay halatang kumukulo na ang dugo ng ama sa ugaling ipinapakita nito.
Kung noon automatic walk out na ang natatanggap nito mula sa kanya, pakiramdam niya ngayon ay parang may nag-uudyok sa kanyang manatili at mas painitin pa ang ulo ng ama hanggang sa sumabog ito sa inis.
"May narinig ka ba galing sa akin simula noon, Dad? Wala naman 'di ba? I stayed silent for years," nakangiti niyang sagot habang makahulugang nakatingin sa ama. "I, your precious daughter even allowed you to remarry without saying anything or going against your will," sakrastiko ang tono niyang dagdag sa sinabi.
Inasahan nitong muli siyang makakatanggap ng singhal pero napalunok lamang ang magulang. Para bang tinamaan ito ng husto sa mga sinabi niya.
"Just take a seat and greet your mom and your older brother..."
Napatingin siya sa direksyong tinititigan ng ama.
"Your older brother Damon," tapos nito sa sinabi.
"Older brother, huh?" may halong inis niyang tanong. "Did you really cheat on my mom for me to have one, daddy?"
Pansin nito kung papaano napayuko si Damon na para bang nagpipigil ito ng reaksyon sa sinabi niya.
"Vera!" singhal ng ama.
Mas matamis at nakakainsultong ngiti lamang ang isinukli niya sa sigaw nito bago ibinaling ang tingin sa babaeng kinamumuhian.
"Morning..."
Gusto niya sanang dugtungan ng salitang home wrecker ang greetings dito pero mas pinili niyang manahimik at insultuhin na lamang ito sa pamamagitan ng tingin.
Panigurado kasing 'get out of my sight' na naman ang matatanggap niya mula sa ama oras na marinig nito ang paborito niyang palayaw sa madrasta.
"Don't mind her, Damon. Haven't I told you that she's a spoiled brat? I can't even handle her myself."
Muntik na siyang mapapadyak sa kinauupuan nang marinig ang sinabi ng sariling ama.
Spoiled brat?
Kailan pa naging gano'n ang tingin nito sa kanya?
Sa kanya na walang ibang ginawa kung hindi maging mapagmahal at masunuring anak magmula pagkabata?
The heck!
Alam nito sa kanyang sariling 'ni minsan ay hindi niya sinuway ang mga magulang, hindi rin ito naging sakit sa ulo at kung tutuusin ay bukambibig nga siya nito noon sa lahat. Proud na proud pa nga sila ng mommy nito sa tuwing pinupuri siya ng mga naging kasosyo ng ama sa negosyo.
Anong klaseng gayuma ba talaga ang ipinalaklak ng madrasta para makalimutan nito ang lahat tungkol sa kanilang mag-ina?
Bakit gano'n na lamang kabilis na nawala ang pagmamahal nito sa orihinal na pamilya?
"Don't worry about it, Sir."
Gusto niya talagang umalma sa sinabi ng ama pero mas lalo lamang siyang natameme sa ugaling ipinakita ni Damon.
Bakit sobrang bait naman yata ng demony0 ngayong umaga?
Ilang piraso kaya ang nainom nitong gamot at ang bait bait nito kung magsalita?
"Sir?" ani ng ama sabay iling kay Damon. "Hindi ba sinabi ko sa'yo kahapon na dapat sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong dad or daddy?"
Mas lalo siyang nainis nang makita kung paano sumibol ang maaliwalas na ngiti sa mga labi ng binata.
"Yes, Dad."
Hindi nito maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang naramdaman niyang kirot sa dibdib dahil para bang naglaho siya na parang bula sa paningin ng ama at napunta ang lahat ng atensyon nito sa kausap.
"Wow naman, mabait na bata."
Kulang na lang ay mapapalakpak siya sa kinauupuan, pinaghalong inis at sakit kasi ang nararamdaman nito ngayon sa treatment na ipinaramdam ng sariling ama.
Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang na echapwera sa mundo nito dahil sa pagdating ni Damon.
"Respect, Vera!" sigaw ng ama habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
Galit na galit ito na para bang hindi man lang naiisip ang sakit na naidudulot nito sa kanya.
"Honey, ang puso mo!" Mabilis na saklolo ng madrasta na mas lalo niyang ikinainis.
Nagmukha na naman kasi itong bida sa paningin ng kanyang ama habang siya naman ang kinamumuhian nitong kontrabida. Hindi na nakapagtataka kung marinig niya naman ang paboritong linya ng ama na siya ang magiging dahilan ng maagang pagkamatay nito sa susunod na mga araw.
Kung kaya lang nitong balibagin ang mesa ay baka ginawa niya na para sirain ang araw ng mga ito.
"Why don't we change the topic and ask Damon about his plans as the heir of this family? Tutal bumalik na ng Pilipinas ang anak ko, I'm excited to hear everything from him."
Nang marinig ni Vera ang sinabi ng madrasta ay padabog na lamang nitong kinuha ang mamahaling Cha'nel bag.
Hindi na nito kayang tiisin pa ang mga naririnig at pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauupos na parang kandila habang pinagmamasdan ang mga taong labis na kinasusuklaman.
Heir?
Tagapagmana?
Hindi maari dahil siya lamang ang may karapatan sa lahat ng mayroon ang pamilyang ito. Kung tutuusin ay pera ng kanyang yumaong ina ang ginamit ng ama para sa pagpapatayo at pagpapalago ng kanilang negosyo at maliban doon, malaki rin ang nakubra ng mga ito sa insurance ng kanyang ina.
"Bes, how are you? Mukhang early bird ka yata ngayon!"
Inaantok ang mga matang nilingon ni Vera ang matalik na kaibigan habang nakakalumbaba.
Masyado kasing maaga ang dating niya para sa unang subject kaya naman halos isang oras din itong nakatambay.
Hindi siya umimik, bagkus humugot lamang ito ng malalim na hininga.
"Haven't heard anything from you this weekend. Saang lupalop ka na naman ba pinadala ng daddy mo at wala man lang update ang social media accounts mo?" tanong nito.
Sinubukan niyang titigan ang oras at napahikab na lamang nang makitang may trenta minutos pang natitira bago mag-umpisa ang klase.
"Please patulugin mo muna ako, Cas. Antok na antok pa ang katawang lupa ko."
Hindi makapaniwala siya nitong tinitigan. "Lunes na lunes puyat?"
Kulang na lang ay bumagsak ang ulo nito sa kinauupuan. Gustuhin niya mang tapatan ang siglang ipinapakita ng kaibigan pero hindi niya magawa. Talaga namang naubos ang lahat ng enerhiya niya sa mansyon kanina.
"Don't ask me about it, Cas."
Sinimangutan siya nito.
"Paano ako tatahimik eh parang may uling sa itim 'yang ilalim ng mga mata mo?" ani Cassandra habang kunot ang noong nakaduro sa kanya. "Hindi ako rich kid, bes pero alam ko naman ang pinagkaiba ng eyebags sa eyeliner. Anyare ba?"
Walang emosyon niya itong tinitigan, halata kasing wala na naman itong balak makinig sa pakiusap niya.
"Just let me have a nap, okay?"
"Grabehan..." anito saka napabuga ng marahas na hininga.
Napailing na lamang siya sa sobrang hyper ng kaharap, mukhang wala na naman siyang ibang choice kung hindi gamitin ang lumang style laban sa kakulitan nito.
"Ililibre kita ng meryenda sa cafeteria mamaya basta patahimikin mo lang ang mundo ko."
Pinakatitigan siya nito ng masama. "Sinusuhulan mo na naman ba ako, Binibining Vera Airen Villegas?"
Walang pasubali niya naman itong sinagot habang napapapikit ang mga mata. "Yes, and I know you won't decline."
"Paano kung isang malutong na 'no' ang sagot ko?"
Akmang lalapat na sana ang ulo nito sa armchair nang malakas na hinampas ni Cassandra ang kinauupuan.
"Ikaw ha, akala mo na naman sa akin patay gutom na madadala sa pamerye-meryenda style mo. Okay sana kung matangkad, mayaman at poging sugar daddy ang ipangsusuhol mo sa akin, hindi talaga ako tatanggi, bes!"
Muntik na siyang mapangiti sa sinabi ng kaibigan, kung hindi lamang nasira ang mood niya baka kanina pa siya nakipagbardagulan sa mga kalokohan nito.
"Ihahanap kita sa business partners ni daddy, tatahimik ka na?"
Imbes na matuwa, napintahan ng mapait na ekspresyon ang mukha nito. "Ang panget mo talagang kausap ngayon!"
"Sinabi ko naman sa'yong inaantok ako, 'di ba?" pagmamaldita niya rito.
"Ewan ko sa'yo, Vera."
Lihim siyang napangiti nang inis na inilapag ni Cassandra ang bag sa kanyang tabi. Mukhang nagtagumpay siyang patahimikin ang taratitat niyang best friend.
"Thank you, bes. Idlip muna ako ha," aniya pero inirapan lang siya nito.
"Makakatulog ka pa kaya kapag nakita mo ang bagong prof natin, bes?"
Bumuntong-hininga siya, kung hindi lang nito best friend si Cassandra ay baka binatukan niya na ito dahil puro na lang lalaki ang nasa isip. Hindi niya nga maintindihan kung bakit naging matalik silang magkaibigan ngayong magkaibang-magkaiba naman sila ng mindset at interest.
"Lalaki na naman?"
Napansin niyang lumingon ito sa gawi niya. "Sa pagkakarinig ko, maliban sa bagets pa, sobrang gwapo at hot daw ni sir."
"Wala akong pake..."
Hindi nito pinansin ang pagiging bitter niya bagkus parang kilig na kilig pa itong napatili sa kanyang tabi.
"Wala rin akong pake kahit tunog demony0 ang pangalan mo, Sir. Basta gwapo at macho, pasado ka sa fink fekfek ko!"
Automatikong naglaho ang antok na nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Cassandra.
"Anong sabi mo, Cas? Tunog demony0 ang pangalan niya?"
Halatang nabigla ang matalik na kaibigan sa naging reaksyon niya pero hindi nagtagal ay puno ng excitement din itong tumango.
"Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan ni Sir ay..."