Nanatili siyang tahimik habang iniisip ang hiniling na kondisyon ni Damon. 'Possible ba? May kakayahan ba itong gawin ang bagay na 'yon?' iyan ang mga tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya habang nakatingin dito. Kung pagbibigyan niya ba ang lalaking kaharap ay totoong tutulungan siya nitong buhayin ang kaso patungkol sa pagkamatay ng mommy niya? "Do you really have the power to do that?" seryoso ang tono niyang tanong. Kung akala nito basta-basta na lamang siya bibigay, puwes hindi! Matagal na siyang may trust issues dahil sa hindi mabilang na CCTV cameras ng mansyon at kaliwa't kanang mga alagad ng madrasta. "Swear it to my last name, Baby," puno ng kumpyansa nitong tugon. Saavedra perks again, huh? Nahugot nito ang hininga dahil pakiramdam niya ay biglang lumakas ang