KABANATA 2

1593 Words
NANG UMAYOS NG upo si Arguz, hindi mapigilan na mapabuntonghininga ni Lorna. Nadismaya lang siya nang walang makitang bak*t sa gitnang bahagi ng katawan ng ginoo. Nagsimula na sana siyang mag-init. Inabutan siya ni Arguz ng alak. “Uminom ka pa, Hijah.” “T-Tito, pwede po ba na Lorna na lang? Napaka-formal po ng Hijah. Hindi ako kumportable lalo pa at galing sa iyo. Parang Tito Kuya na kasi ang turing ko sa iyo.” “Ang arte mo, Lorn. Hijah or Lorna man ang tawag sa iyo ni Tito Arguz ay hindi mababago ang katotohanan na isa kang g*ga,” sabi ni Tamarah. “Pwede bang takpan mo iyang bibig mo at ’wag ka ng huminga?” sagot niya sa kaibigan, inirapan. Nilingon ni Tamarah ang tiyuhin, nadismaya. “See? Lorna doesn’t love me, Tito. Tito, hindi niya ako love.” Napabuntonghininga na lang si Lorna. Nakalimutan niyang kailangan niya pa lang mag-adjust sa kaibigan. Hindi niya pala dapat ito pinatulan sapagkat kadikit na sa katauhan nito ang dalawang letra na o at a. O.A. “I love you, Tamarah. My main,” aniya, pilit na ngumiti. Napatayo si Tamarah sa kinauupuan nito at nilapitan siya. Pagdating nito sa tapat niya, niyakap siya nito nang mahigpit. Pinaulanan pa siya nito ng halik kaya nagsitayuan na ang kanyang mga balahibo. Gusto niyang itulak ito palayo sa kanya pero hindi na niya ginawa. Katulad nang sinabi niya kanina, kailangan niyang mag-adjust dito. “I love you, Lorn! Tito, wala kang friend na katulad ni Lorn, ’no? Single ka na nga, friendless pa! Siguro may problema sa iyo,” sabi ni Tamarah. Tinapik nito ang tiyuhin saka bumalik sa upuan nito. “Kawawa ka naman, Tito. Mukha lang talaga maipagmamalaki mo.” Nilingon ni Arguz si Lorna. “Gusto mo paiyakin ko itong pamangkin ko?” Napangiti siya at agad na umiling. “Tito, please? ’Wag na. Aware ka naman siguro kung gaano iyan ka-oa.” “Dahil malakas ka sa akin, Hij—” “Lorna po. Lorna, Tito. Just call me Lorna. Pwede rin Lorn,” aniya. “Lorn,” sambit ni Arguz, nakangiti. Sa saya niya sa narinig mula sa lalaking gusto, hinawakan niya ang hita nito. Pinisil pa niya ito na labis niyang ikinagulat. Nang mapansin niyang nakatingin si Arguz sa kamay niya, binitawan niya na ito at agad kinuha ang baso na may lamang alak sa mesa. Napabuntonghininga na lang siya sa kanyang giniwa. Hindi man lang niya inisip ang ginawa. Hindi dapat siya padalos-dalos sa kanyang nararamdaman dito. “Sh*t,” sabi ni Arguz. Napalingon siya sa ginoo at napansin niyang may tinitingnan ito. Nang makita niyang napakagat ito sa ibabang parte ng labi, sinundan niya ang tingin nito. Napataas na lang ang kilay niya nang malaman na isang maganda at seksing babae ang tinitingnan nito. Napatayo ang ginoo at nagmamadaling pinuntahan ang babae. Pagdating nito sa tabi ng babae ay inakbayan nito ito. Napalingon ang babae rito at napangiti kaya dahan-dahan ng ibinaba ng ginoo ang kamay nito sa likuran ng babae patungo sa matambok na pwet nito. Nang makita ng mga mata ni Lorna na pinisil ng lalaking mahal ang pwet ng babae, napanganga siya. Hindi niya inaasahan na may ugali itong ganoon. Ilang segundo ang lumipas, napangiti na siya. Napagtanto lang niya na mas maganda kung ganoon ang ugali nito para mas madali niya itong makuha. Nang humarap ang babae kay Arguz, inilagay nito ang mga kamay sa braso ng ginoo. Napatawa ang babae subalit agad din tumahimik nang pinasok ni Arguz ang kamay nito sa loob ng saya nito. Napahawak si Lorna sa kanyang p********e. Nakaramdam lang siya ng matinding libog. Ipinagdasal niya na sana siya na lang ang binastos ng ginoo. Kung gagawin nito sa kanya ang bagay na iyon, walang reklamo na mangyayari at ipagpapasalamat niya pa iyon. Para matigil ang ginagawa nina Arguz at ng babae, nag-isip siya ng dapat gawin. Nilingon niya ang kaibigan na abala sa pagkain ng pulutan sa mesa nila. Nang tiningnan siya nito, agad niyang inalayan ito ng ngiti. “W-What?” tanong ni Tamarah, nagtataka. “Suwayin mo kaya iyong Tito Arguz mo. Ang daming tao, may kalandian,” aniya. Napataas ang kilay ni Tamarah. “W-Where.” Tinuro niya kung saan ang ginoo. “There.” Nang napalingon si Tamarah, pinigilan na niya ang pagtawa nang tumayo ito. Magsasalita pa sana siya pero hindi niya na nagawa nang mabilis itong umalis sa kinatatayuan nito. Sigurado siyang sugurin nito ang tiyuhin. Nang makita niyang sinuway ng matalik na kaibigan ang lalaking gusto, napabuntonghininga na lang siya. Hindi niya maitatanggi na gumaan ang kanyang pakiramdam. Wala siyang pakialam kung may makalalandian man ang ginoo. Ang hindi lang niya gusto, ang makita ito mismo ng kanyang mga mata. Pero kung sa oras na makuha na niya ang ginoo, sisiguraduhin niya na wala siyang magiging kahati rito. Umayos na siya ng upo nang makita sa peripheral vision niya sina Tamarah at Arguz na papabalik sa mesa nila. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang kutob na may magagawa ang matalik na kaibigan para mapatigil ang kalandian ng tiyuhin nito. Pagkaupo ni Tamarah sa upuan nito. “Kung hindi lang sinabi sa akin ni Lorna ang nakita niya, clueless ako sa pinaggagawa mo. Tito Arguz, may tamang lugar para roon.” Nanlaki ang mga mata ni Lorna nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Binanggit pa talaga nito ang kanyang pangalan. Napaisip tuloy siya bigla kung ano ang gagawing dahilan kung sakali na magtanong ang ginoo bakit niya sinumbong ito. “Sinayang mo ang pagkakataon ko. Anak iyon ng investor na nililigawan namin ng Daddy mo,” bulong ni Arguz. Napalingon siya rito at napailing-iling na ito sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Bagaman hindi niya nakikita ang galit sa mga mata nito, nakaramdam pa rin siya ng pagkadismaya sa kanyang sarili. Pero dapat bang maramdaman niya iyon? Hindi. Napabuntonghininga siya. “Kahit na, Tito. Hindi mo dapat ginawa iyon.” Nilingon niya si Tamarah at halatang naghanap ng kakampi. “At tama si Tamarah, may tamang lugar para roon.” Nilingon niya muli ang ginoo. “Pwede mo naman siya dalhin sa hotel? Motel? Park? O hindi kaya sa loob ng car?” Napangiti si Arguz. “Mukhang sanay na sanay, ha? Maisumbong nga kay Aldus.” Nanlaki ang mga mata ni Lorna habang hindi makapagsalita. Nahihiya lang siya sa sinabi ni Arguz. Napaisip tuloy ito sa kanya ng masama. Kahit madalas niyang pinagpantasiyahan ito sa kanyang isipan, hindi niya maitatanggi ang katotohanan na siya ay isang birhen. Napatango-tango si Arguz habang walang tigil sa kangingiti. Hindi naman niya mapigilan ang pamumula ng kanyang pisngi. Lalo lang siya nakaramdaman ng hiya sapagkat ang lapit lang ng mukha nilang dalawa. “Tito, hindi, ha! Hindi ako ganoon,” aniya. Nilingon niya si Tamarah. “Hindi ba, Tamarah?” “W-What?” Napataas ang kaliwang kilay nito. “That I am still pure,” giit niya. “W-Wait. Virgin ka pa?” tanong nito, nagulat. Napatawa si Arguz kaya napataas na lang ang kanyang kilay. Inirapan niya ang kaibigan. Naiinis lang siya rito kung bakit tinanong pa siya nito. Pero bakit ba siya nagagalit? Pareho naman silang dalawa na hindi sigurado kung birhen pa ang isa’t isa. Inakbayan siya ni Arguz. “Huwag masyadong marupok, Lorn. Paunahin mo muna ako.” Napanguso siya nang marinig ang sinabi nito. Naiintindihan niya ang gusto nitong sabihin. Pero bilang may gusto sa ginoo, gusto niyang ibahin ang ibig nitong sabihin. Katulad na lamang na dapat ay hindi siya magiging marupok sa lalaki dahil ang gusto nito, ito ang mauna sa kanya. Tinitigan niya ito. “Hindi naman talaga dahil sisiguraduhin ko na ako ang una mo at ako magbibigay ng anak sa iyo,” sabi niya sa isipan. Kinurot nito ang pisngi niya. “Mas mabuti pang sumayaw na lang tayo. Hindi pa naman kita naisayaw sa 18th roses mo dahil nahuli ako.” “Tito, wala namang romantic songs dito.” Napatayo si Arguz at inabot ang kanang kamay nito sa kanya. “What about a dance like this?” Napatawa siya nang makitang sumayaw ang lalaking gusto. Matigas ang katawan nito pero hindi niya maipagkakaila ang lakas ng karisma nito. Mas gumuwapo ito sa kanyang paningin. “Halika ka na, Lorn,” sabi ni Arguz. Tinanggap niya ang kamay nito at agad na tumayo. “Oo na. Galingan mo sa pag-indak, Tito.” “W-What about me? Grabe! No one loves me talaga,” sabi ni Tamarah, naiiyak. Nilingon ni Arguz ang pamangkin. “Matulog ka na lang diyan.” “At ’wag ng huminga,” aniya. Napahagulgol na lang si Tamarah habang tumatawa sina Arguz at Lorna. Patatahanin na sana ni Lorna ang kaibigan pero hindi na niya nagawa nang hinila siya ni Arguz papunta sa dance floor. Napahinto na si Arguz at agad ng sumayaw. Pinaikot pa siya nito na agad niyang ginawa. Nang nakatalikod na siya rito, hinila siya nito dahilan para dumikit ang likuran niya sa katawan nito. Para malaman niya kung malaki ang pagkalal*ki nito, sumayaw siya para maramdaman ito. Naramdam naman niyang lumalayo ito sa kanya. Pero dahil may binabalak siya rito, dinidikit niya muli ang katawan niya nang hindi nito mapapansin. Hinihingal na siya sa pagsasayaw pero wala pa rin siyang naramdam na bakat sa likuran niya. Napatigil na siya at nilingon ito nang hindi maitago ang inis. “You are such a disappoinment!” “W-What?” nagtataka na tanong ni Arguz. “W-Wala,” sagot niya sabay irap. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD