“SAYAW LORNA! SAYAW Lorna! Sayaw! Sayaw!”
Nasa loob ng bar sila Lorna para magsaya. Nag-iinuman sila ng kanyang mga kaklase at mga kaibigan. Napagkasunduan lang ng lahat sa kanilang group chat na magtipon-tipon. Maghihiwalay na sila sa susunod na pasukan kaya sinusulit na nila ang pagkakataon.
Magkokolehiyo na ang batch nila kaya sigurado sila na mayroon ng magbabago. Ang iba sa kanila ay mag-aaral sa ibang bansa, ang iba ay magsiseryoso sa buhay, at ang iba ay magkakaroon na ng bagong mga kaibigan. Marami na silang naiisip na mangyayari kaya ginagawa na nila ang lahat.
Nagplano na rin sila na magbakasiyon sa Siargao sa susunod na linggo sa pamumuno ng presidente nila. Muse lang siya ng silid-aralan nila kaya hindi na siya nangingialam sa gusto ng mga nasa itaas na posisyon. Basta ang sigurado siya, kahit saan sila pupunta, sasama siya.
Simula nang tumungtong na siya sa legal age, naramdaman na niya ang kalayaan na kanyang inaasam. Hindi na nagtatanong ang mga magulang niya sa kung saan siya pupunta sa tuwing aalis siya. Basta ang bilin ng mga ito sa kanya, panatilihin na malaki ang marka at dapat na nandoon siya sa bahay nila kung mayroong mga okasisyon.
Sa totoo lang, hindi siya nahirapang tanggapin ang kondisyon ng mga ito sapagkat alam niyang magagawa niya ito. Hindi man siya iyong pinakamatalino sa klase nila, kaya niya pa rin pumasa nang walang kahirap-hirap. At kung sa okasisyon naman ang pag-uusapan, lalong magagawa niya iyon. Hindi man halata pero lumaki siyang pamilya ang inuuna.
Tinulak ni Tamarah si Lorna. “Go, Lorn!”
Nilingon niya ang kaibigan at hinampas. Wala sa isipan niya ang hindi gumanti. “’Wag mo akong itulak.”
“Aray ko! May lihim ka ba na galit sa akin?” tanong ni Tamarah.
Napataas ang kanyang kilay. “At talagang naisip mo pa ’yan? No. Hindi ako sasayaw.”
“You didn’t answer me. You hated me, right!?” Napahawak si Tamarah sa dibdib nito habang hindi mapigilan ang sarili na mapahagulgol. “Why, Lorn? I love you. Why you do this to me?”
Napakamot na lang sa ulo si Lorna. Hindi niya maitatanggi na lasing na ang kanyang kaibigan. Sa tuwing lasing ito, umiiyak ito at pagbibintangan ang mga kaibigan na may lihim na galit dito. Sanay na si Lorna rito kaya hindi na ito bago sa kanya. Kung tutuusin, ito ay ang pamantayan niya na lasing na ito.
“Mas mabuti pang ikaw na lang ang sumayaw doon,” aniya. Hinawakan niya ang mga braso nito at marahan na tinulak papunta sa dancefloor. “Go, Tamarah. Igiling mo! Isipin mo na ikaw ang magandang b***h sa balat ng lupa!”
Nilingon ni Tamarah ang kaibigan. “But why are you hating me?”
Napangiti siya at agad na umiling. “No. I love you, Tamarah. You are my best friend.”
Napatawa na lang siya nang biglang sumigaw sa saya si Tamarah at agad na gumiling. Hindi pa ito nakuntento sa ginawa at dumapa ito sa sahig habang kumaldag.
“Jesus,” sabi ni Lorna sa isipan.
Napatakip na siya sa kanyang bibig nang hindi pa rin tumigil ang kaibigan sa pagkaldag sa sahig. Hindi niya inaasahan na sasayaw ito nang ganoon ka-sensual. Halatang sanay na sanay na ito sa kama. Sanay na nga ba? Hindi pala siya sigurado sapagkat wala pa itong naikuwento sa kanya.
Napabuntonghininga na siya at umatras muna. Hindi na niya kaya panoorin ang kaibigan. Ninanais man niyang pigilan ito para makapagpahinga ay hindi niya na iyon ginawa. Sigurado siya na hindi niya na ito mapigilan. Alam niyang overwhelmed ito sa sigawan ng mga kaklase nila.
Nang tumalikod siya, nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanyang harapan si Arguz. Hindi siya makapagsalita. Natatakot lang siya na baka makita nito ang pamangkin na kumakaldag sa sahig.
“Hey,” sambit ni Arguz sabay lapit sa kanya. Sumilip ito sa kung saan pinalibutan si Tamarah ng mga tao. “Magaling ba ang sumayaw roon?”
“A-Ano. . .” Napakamot siya sa batok sa labis na kaba. “P-Panget. M-Matanda. H-Hindi mo type, Tito.”
Lumapit siya kay Arguz at agad na hinawakan ang braso nito. Hinila niya ito pero nagmamatigas ito.
“S-Sandali, Hijah. Baka single mom iyon. Bet ko ang ganun,” sabi ni Arguz, nasasabik.
“You don’t deserve a woman na iniwan lang. Doon ka sa babaeng sexy, maganda, at...” Napabuntonghininga siya bago nagpatuloy magsalita, “B-Bata.”
“B-Bata?” Napakunot na ang noo nito.
“Yes po. Bata! Pwedeng kaedad ni Tamarah na two years older than me o hindi kaya kaedad ko,” sagot ni Lorna.
Napatawa si Arguz sabay kurot sa kanyang pisngi. “Lasing ka ba? Parang hindi ka na nag-iisip nang maayos, ha? Mabuti pang umupo ka muna roon.” Tinuro nito sa kanya ang bakanteng mesa. “Doon ka muna. Babalikan lang kita.”
“Hindi ako lasing, Tito,” pagtanggi niya.
Inilapit ni Arguz ang mukha nito sa kanya kaya nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon sa kanya. Tinitigan siya nito kaya naramdaman na niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi niya rin maitanggi na nagsimula ng magsilabasan ang pawis sa kanyang katawan.
Ngumiti ito bigla kaya bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maitatanggi na kinikilig siya rito. Para hindi nito mahalata na gusto niya ito, iniwas niya ang tingin dito. Labis lang ang kagwapuhan nito at aminado siya nahihirapan siyang makipagtitigan dito.
“Paamoy nga ng bibig ng paboritong baby ko,” nakangiting sabi ni Arguz.
Napatawa siya sabay tulak dito, kinikilig. “Baby ka riyan, Tito.”
Napaayos ng tayo si Arguz at nagkibit-balikat. “Bakit? Hindi ba? Noon pa lang ay baby na kita. Naalala ko nga noon, isang beses, ako pa ang nagpalit ng diaper mo. Ano ang ginawa mo? Bumukaka ka para ihian lang ako. Grabe.”
“Ew,” natatawa na sabi niya habang pinipigilan ang kilig.
Napatawa si Arguz. “Totoo itong sinabi ko, ha?”
Napalingon na siya rito. “I hate you, Tito.”
Napangiwi ang mukha ng ginoo na labis na ipinagtaka niya. May kinuha ito sa bulsa nito at agad na inabot sa kanya. Pagtingin niya, nagsitayuan ang mga balahibo niya nang makitang mint candy ito.
“Amoy alak ka na. Sayang ang ganda mong bata ka kung amoy tambay ka na,” sabi ni Arguz.
“T-Tito!” singhal ni Lorna, nahihiya.
“Ta. Ma. Rah! Ta. Ma. Rah! Ta. Ma. Rah!” sigaw ng mga kaklase niya.
“T-Tami? She’s with you?” tanong ni Arguz.
Hindi na hinintay ni Arguz ang sagot niya at agad itong sumingit sa kanyang mga kaklase. Sinundan niya ito at doon niya nakita kung ano ang ginagawa ng kaibigan. Sinasayawan na nito ang pole sa gitna ng dancefloor.
Nagsitayuan na ang kanyang mga balahibo. Siya na lang ang nahihiya sa ginawa nito. Nahuli ito ng tiyuhin nito.
Nang makita niyang kinurot sa tenga si Tamarah ni Arguz ay walang tigil na siya sa katatawa. Natutuwa lang siya sa reaksiyon ng kaibigan. Nakita niya ang gulat sa mukha nito. Naramdam niya rin na nahihiya ito.
Habang tinitingnan niya nang mabuti ang ginawa ni Argus sa sariling pamangkin nito, hindi niya mapigilan na mapangiti. Napaisip lang siya kung paano na lang kaya kung maging ama ito ng kanyang magiging anak sa hinaharap. Siguro lalaking masunurin ang magiging anak nila sa kanila.
Pagdating nina Arguz at Tamarah sa tapat niya, tinitigan siya ng ginoo at tinuro ang bakanteng table at upuan gamit ang nguso nito. Napalingon siya sa kanyang kaibigan at lalo lang siyang natawa nang makitang naiirita ito.
“Susunod lang ako, Tito. Magpapaalam lang muna ako sa kanila,” sabi ni Lorna. Nag-aalala lang siya sa mga kaklase at kaibigan nilang dalawa ni Tamarah.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng ginoo at nilapitan niya muna ang kanyang mga sadya. Nagpaalam na rin siya sa mga ito na kay Arguz na sila sasama para walang gulo. Naiintindihan sila ng mga ito kaya labis na ipinagpasalamat niya iyon.
“Thank you talaga, guys. Hindi rin naman kasi namin inaasahan na makikita namin dito si Tito Arguz. Babawi na lang kami roon sa Siargao, okay?” sabi niya.
“Oo na. Sige na at doon ka na. Panay tingin na rito ang Tito Arguz mo. Ang gwapo niya talaga, ’no?” sabi ng kaklase niya, kinikilig.
“Gwapo nga. Iresponsableng ama naman. Hindi marunong magsustento sa pitong nabuntisan. Lahat pa mga matatanda,” sabi niya.
Napangiwi ang mukha ng kanyang kaklase. “Walking red flag?”
“A living red flag,” pagtama niya. Tinapik niya ito. “Sige na at mauna na ako.”
Pagtalikod niya, napahalakhak na siya sa kanyang isipan. Natutuwa lang siya na siniraan si Arguz dito. Ayaw niya lang na may ibang magkakagusto rito. Ninanais niya na siya lang ang magkagugusto rito. Ganoon siya kung magmahal. Sisiguraduhin niya na siya ang makatuluyan nito.
“You are mine, Tito,” gigil na sabi niya sa isipan.
Pagdating niya sa mesa kung saan nakaupo sina Tamarah at Arguz, tumabi siya kay Arguz imbes na kay Tamarah. May binabalak lang siyang gawin dito. Ninanais niyang sukatin kung gaano kalaki ang puso nito.
“Parang kailan lang ay mga bubwit pa kayo. Pero ngayon, kasama ko na kayo sa inuman,” sabi ni Arguz.
Nilingon niya ang tiyuhin. “Tumatanda ka na, Tito. Wala ka bang balak mag-asawa? Ayaw mo magka-anak? Sayang ang genes.”
Hinampas ni Tamarah ang mesa. “Kaya nga. Pero Tito? Hindi ninyo ako love, right? Hindi ninyo ako love. Feel na feel ko po iyon.”
“Ano raw, Hijah?” bulong sa akin ni Tito.
“Lasing na iyan. Kapag ganyan na ang lumalabas sa bibig niya, may tama na iyan,” sagot niya.
“Tarantado pala itong pamangkin ko,” natatawang sagot ni Arguz. Nilingon nito ito. “Mahal kita, Tami.”
“Kung mahal ninyo ako. Kiss ninyo ako sa forehead,” sabi ni Tamarah. Napahawak ito sa dibdib nito habang humahagulgol. “Hindi ninyo ako love, right!? Sabi ko na nga ba. No one loves me. Whyyy!? Anong nagawa ko sa mundo?”
Napatawa na lang siya habang tinitigan ang kanyang kaibigan. Natutuwa lang siya sa kabaliwan nito. Pero nang may humawak sa ulo niya at dumampi sa pisngi niya, nanlaki ang kanyang mga mata. Hinalikan siya nito.
“Si Lorna na lang dahil siya naman dito sa tabi ko,” sabi ni Arguz.
“Sabi ko na nga ba na walang nagmamahal sa akin. Kainis namang buhay ito! Ang sabi ko, ako. Pero sa iba mo ginawa. Tito, ang sakit ng puso ko,” sabi ni Tamarah.
“Napakatarantadong pamangkin. Oo na at ilapit mo rito ang ulo mo,” sabi ni Arguz.
Tumayo si Arguz sa kinaupuan nito at agad na hinalikan sa noo ang pamangkin. Napasigaw sa saya ang kanyang kaibigan kaya napakamot na lang sa ulo ang ginoo.
Tinapik siya ni Arguz nang makaupo ito kaya bumalik na siya sa wisyo. Hindi niya maipagkakaila na malaki ang tama ng paghalik nito sa kanyang pisngi. Nagkaroon tuloy siya ng pag-asa na baka isang araw, magustuhan siya nito.
“Inom pa. Huwag ka ng mag-aalala sa pag-uwi mo, ihahatid na kita,” sabi ni Arguz.
Nilingon niya ito. “Promise?”
“Yup. Parang anak na kita, Hijah. Hanggang sa wala pa akong asawa at anak,” anito. Ibinaling nito ang tingin kay Tamarah. “Kayo muna ang babies ko.”
“Dapat ako lang ang baby mo, Tito Arguz,” nakataas ang kilay na sabi niya sa kanyang isipan.
Napabuntonghininga na siya. Maramot na kung maramot pero gusto niya ay siya lang ang magiging baby ng ginoo kahit pamangkin nito ang kanyang kaibigan. Para mawala ang inis niya, nagnakaw siya ng tingin sa gitnang bahagi ng katawan nito. Naghanap lang siya ng bakat. Para sa kanya, iyon ang magpapagaan ng kanyang pakiramdam.
Napakagat siya sa ibabang parte ng kanyang labi. “Ilan na kayang babaeng ang naikama ni Tito? Sana sa oras na matikman na niya ako, ako na ang panghuli,” sabi niya sa isipan.
~~~