KABANATA 6

1309 Words
“DAD, WE HAVE decided na mag-vacation kami ng mga former classmates ko,” paalam ni Tamarah sa ama, nanginginig. Napatigil sa pagbabasa ng magasin si Urgoz nang marinig ang paalam ng anak. Napalingon siya sa anak at seryoso niyang tinitigan ito. Iniwas ni Tamarah ang tingin nito sa kanya kaya napatikhim siya. Lumingon ito muli sa kanya at bakas sa mukha nito ang takot. Naintindihan niya ito sapagkat bago lang niya ito napagsabihan. Nainis lang siya nang umuwi itong wala sa sarili. Nakita niya rin ang mga video nito na kumalat sa social media na kinakaldagan ang sahig. Bilang ama, nahiya siya sa ginawa nito. “Mapagkatiwalaan ba kita riyan?” tanong niya sa anak. Napatango si Tamarah. “Kasama ko si Lorna.” “Hindi iyan ang tanong ko. Wala akong pakialam kung kasama mo ang inaanak ko,” sagot niya. “D-Dad, of course.” Nagsimula ng mataranta ito. “Tapos sasayaw ka ulit? May kukuha ng video sa iyo? Sisikat ka sa maling pamaraan?” seryosong sabi niya sa anak. Napabuntonghininga si Tamarah. “Dad, sorry na nga. I was drunk that time. Wala ako sa katinuan.” “Nalasing na rin naman kami, Tami. Pero hindi kami sumayaw nang ganoon kalaswa,” sagot niya sa anak. Umupo si Tamarah sa kanyang tabi at niyakap siya sa tiyan. Mahigpit nitong ginawa iyon habang isinandal ang ulo sa kanyang balikat. “Dad, I am so sorry. Hindi na po iyon mauulit. Alam mo kasi, si Lorna dapat iyong sasayaw. Pinilit siya, pero nagmamatigas siya. Tapos tinuro niya ako. Nagkaroon ng idea mga classmates namin. Kaya roon, napasubo ako,” pagkwento ni Tamarah. Napailing siya sa narinig. “Dinamay mo pa ang kaibigan mo. Tami anak, may sarili kang pag-iisip. Gamitin mo iyan sa mabuti.” Mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya. “I will, Dad. Sorry. I will not do it again.” “Sa tanong ko kanina. Ano ang sagot mo?” Yes, dad. Mapagkakatiwalaan mo ako roon,” sagot ni Tamarah. “Then it’s a yes,” sagot niya. “Thanks, Dad!” sigaw ni Tamarah, eksaherada. Ilang minuto ang lumipas nang pag-uusap nilang mag-ama, dumating na ang kanyang asawang si Jayda. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang sa paa. “Ano?” tanong ni Jayda, nagtataka. Nagkasalubong ang mga kilay niya nang mapansin na basa ang buhok nito. Tinanggal niya ang mga kamay ng anak na nakagapos sa kanyang tiyan. “Saan ka galing?” tanong ni Urgoz. Umupo sa tabi niya ang asawa at hinalikan siya sa pisngi. “Why? You missed me?” “Madalas na kasi ang pag-uwi mo ng gabi. Nakapagtataka lang,” aniya. “Pinagduduhan mo ba akong nangangaliwa?” diretsong tanong ni Jayda. “I did not say anything,” sagot ni Urgoz. Nilingon ni Tamarah ang ina. “Dad, Mommy Jayda is the best mommy in the world. Imposibleng magagawa niya iyon.” “Again, I did not say anything,” giit niya sa kanyang mag-ina. Muli siyang hinalikan ng asawa sa pisngi. “Napagsunduan lang namin ng mga kaibigan ko na mag-ehersisyo. This is all for you, Urgoz. Pinaghahandaan lang kita araw-araw.” “Yucks, Mom!” sabi ni Tamarah, nandiri sa narinig. Napatawa si Jayda. “Ganito kami maglambingan ng Daddy mo, anak.” “Nevermind. Mauna na ako sa loob,” sabi ni Tamarah sabay tayo mula sa kinaupuan nito. Pag-alis ni Tamarah, napatingin muli si Urgoz sa asawa. Napangiti ito pero wala siyang kibo na tinitigan ito. “Ano na naman?” tanong ni Jayda. “May bago ka ba?” tanong ni Urgoz. Napailing si Jayda sabay hawak sa kanyang mukha. “Bakit mo palaging iniisip iyan? I-Ikaw? Ipagpapalit ko? Nasa asawa ko na ang lahat. Bakit pa ako maghahanap ng iba?” “Huwag mong gawin iyon sa akin. Masasaktan ako,” aniya. Napabuntonghininga si Jayda. “Naging ganyan ka na lately. Why? Urgoz, you are damn hot. Mahal mo ako. Mahal mo ang mga anak natin. Baliw lang ang babaeng gagawa ng kasalanan.” “Baka nagsawa ka na sa akin.” “May tatlong anak na tayo. Walang rason para magsawa ako sa iyo.” “Hindi ka na umuungol sa akin,” aniya. Napatawa si Jayda. “Tumatanda na tayo. That’s it. Honey, don’t think too much, Honey. I love you, okay?” Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. “Halika sa kwarto.” Nang marinig niya ang bulong ng asawa, agad naglaho iyong lungkot na kanyang nararamdaman. Mahal lang niya ang kanyang asawa kaya natatakot siya na baka iwan siya nito. Nagsimula iyong pagdududa niya na may bago ito nang hindi na ito umuungol sa kanya. Para bang lahat ng kanyang galing ay ibinigay na rito pero pakiramdam niya ay nakulangan pa rin ito. Nasa isipan niya ay baka nakatikim na ito ng iba na may mas malaking p*********i kumpara sa kanya. Hindi maliit iyong sa kanya pero hindi rin ganoon kalaki. Nakita niya ang p*********i sa kapatid niyang si Arguz at nakita niya ang malaking pagkaiba nito sa kanya. Mula sa sukat ng haba at taba. Kaya kapag naramdaman niyang hindi nasisiyahan ang asawa niya sa kanya, unang pumapasok sa kanyang isipan ay dahil sa sukat ng kanyang p*********i. Pagdating nila sa loob ng kanilang kwarto, agad isinara ni Jayda ang pintuan ng kwarto nila. Napatingin siya rito at natutuwa siyang nasasabik ito sa kanya. Kapag ganoon ito, hindi na siya nag-iisip ng kung anu-ano. Nawawala lahat ng kanyang mga pagdududa rito. Hinalikan siya nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na makipagsagutan sa halik nito. Habang naghahalikan sila, salitan silang dalawa sa paghubad ng mga suot nila. Ilang minuto ang lumipas, nang nahubad na nila ang lahat ng saplot sa mga katawan nila, kinarga na ni Urgoz ang asawa. Dinala niya ito sa kama. “I love you, Honey,” sabi ni Urgoz sabay hagis sa asawa sa kama. Napahalakhak si Jayda sabay buka ng pagitan ng kanyang mga hita. Natutuwa lang ito sa kanyang ginawa. Pero imbes na pansinin niya ang tawa nito, mas nanaig sa kanyq ang matinding libog na nararamdaman. Diretso ang mga mata niya sa malaman nitong p********e. Hindi pa rin nagbago ang epekto nito sa tuwing nakikita niya ito. Napangiti siya. Hindi niya maitatanggi na sa pagsasama nila, ang p********e nito ang pinakamasarap na kanyang natikman. Masasabi niya na mas higit pa sa paborito niyang ulam. Tumalon na siya kama at pinatungan ang asawa. “Handa ka na ba, Honey?” Hindi na sumagot si Jayda at hinalikan siya. Sa pagkataong iyon, agad na niyang pinasok ang kanyang matigas na p*********i at nagsimula ng bumayo. Ipinagdasal niya na sana umungol man lang ito sa kanya. Natatakot siya kung hindi man lang niya marinig ito hanggang sa matapos nila. Ilang minuto ang lumipas, nakipagpalit na si Jayda ng puwesto sa kanya. Ninanais nito na upuan siya. Nang ginawa niya ang gusto nito, napangiti siya nang makita ang ganda ng asawa sa kanyang ibabaw. Inabot niya ang mga dibdib nito at marahan na hinimas. Pero nang sinimulan na nitong bumayo sa ibabaw niya, hindi niya inaasahan na agad siyang labasan. Napatingin siya sa asawa at kita niya ang pagkadismaya nito. “Sorry,” aniya. “Mag-exercise ka na rin, Honey. Napadalas na iyan,” sabi ni Jayda sabay tayo. Habang nagbibihis ito, hindi niya mapigilan na mapabuntonghininga sa kanyang hinigaan. Nakuha na niya kung bakit hindi ito masaya sa kanya sa tuwing nagtatalik sila. Hindi pala iyong p*********i niya ang isyu nito, kung hindi iyong kaya niyang oras sa tuwing nagtatalik silang dalawa. “Sorry,” muli niyang sabi. Niilingon siya ng asawa. “Basta gawin mo iyong gusto ko. Nag-i-exercise ka, Urgoz.” Muli siyang napabuntonghininga. Nasaktan lang siya nang tinawag lang siya nito sa kanyang pangalan. Hindi man lang siya nito tinawag sa endearment nila bilang mag-asawa. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD