“TITO, ANG LASWA mo. Doon ka na nga sa sala,” sabi ni Lorna. Nagpipigil na si Lorna sa kanyang nararamdaman. Kunwari ay ayaw niya ang presensiya ng ginoo, pero ang totoo, segundo na lang ang natira para sumabog na ang kanyang puso. Kinikilig siya sa simpleng pag-uusap nilang dalawa. Ganoon siya kababaw na babae pagdating sa lalaking kanyang iniibig. “Masyado kang nagpapakita ng karupukan, baby. Namumula na ang iyong mga pisngi. Gwapo ba si Tito?” sabi ni Arguz. Ibinaling nito ang tingin sa umuusok na kawali. “Akala ko ay kaartehan lang ang nalalaman mo. Marunong ka pa lang magluto?” Napailing si Lorna, napangiti. “Trying hard lang po.” “Baka sa sobrang sarap ng luto ng baby ko, baka masabi ko na nakita ko na ang mapapangasawa ko.” Napatakip si Lorna sa kanyang bibig at agad na tumal