YARA
Maaga akong gumising dahil alam ko na mahabang araw ito para sa akin. Bukod sa medical mission na gagawin ko ngayon dito sa kampo ay may huling pagsasanay pa akong haharapin sa gabi.
Sinabi ni pinuno na magkakaroon ako ng survival test sa gubat at alam ko na dito masusubukan ang combat knowledge at experiences sa training ko.
Alam kong hindi ito basta test lang dahil siguradong maraming nakahandang patibong si pinuno na maaaring kumitil anumang oras sa buhay ko.
Ganito kahigpit ang mga pagsasanay sa amin ng hukbo. Bukod sa physical at psychological training may academic din kami. Kaya dumadaan kami sa butas ng karayom bago tuluyang bumaba ng bayan para sa misyong naka atas sa amin.
"Good morning ka Yara," bati sa akin ng kasama ko dito sa kubo.
"Good morning too," sagot ko sabay ngiti dito.
"Handa na ba ang mga kailangan natin para mamaya?" tanong ko. Siya kasi ang madalas katuwang ko sa gawaing medical since nakapagtapos ito ng nursing.
Siya na rin ang nangangalaga sa medical needs ng lahat habang wala ako.
Hindi ako nag-aalala na iwan sila dahil nariyan din ang aming apong na magaling sa herbal na mga gamot.
Maraming tao sa labas ng kubo ng lumabas ako. Ganito kami mas gusto namin ng maaga para maaga din kaming matatapos. Marami rin kaming mga gawain gaya ng pagtatanim sa bukid.
"Ka Yara pwede na po tayong magsimula," sabi nito sa akin.
"Sige Gelai susunod ako." Agad kong tinapos ang pag-inom ng kape at mabilis na bumalik sa loob para makapagsimula.
Inabot kami ng tanghalian bago matapos, alam kong hinihintay nila ang pagkakataong ito para magpatingin sa akin.
Pagod man masaya ako dahil naserbisyohan ko ang mga kasama ko.
"Yara, kailangan mo ng magtanghalian. Magsisimula ang test mo ng alas dos nang hapon. May isang oras ka para kumain at maghanda. Hihintayin kita sa tagpuan," sabi ni pinuno ng bumungad ito sa pintuan ng kubo habang nag liligpit ako.
"Opo pinuno," magalang na sagot ko.
Mabilis na lumipas ang isang oras at handa na ako. Suot ang itim na pantalong maong kaparis ng itim na combat boots at itim na long-sleeved. Itinali ko pataas ang mahabang buhok.
Handa na ako, ito na ang pinakahihintay ko. Napangiti ako sa sarili habang tinitingnan ang paligid, alam ko na saglit na lang ay iiwan ko ang lugar na ito.
"Ready ka na Yara?" Tanong ni Ka Badong ang isa sa magaling sa hukbo.
Yumuko ako bilang pag galang bago sumagot ng opo.
"Bibigyan kita ng dose oras kailangan mong makabalik dito mamayang alas dos ng madaling araw. Pasukin mo ang pinakamalaking kweba ng atuk-atuk at dalhin mo rito ang ulo ng pinaka-mailap na usa," sabi ni pinuno.
"Masusunod pinuno," puno ng determination na sagot ko. Alam kong sa hindi biro ang test na ito. Napakailap ng usa na iyon at imposibleng makita ko ito ng gano'n ka bilis.
Kita ko ang proud na mga mukha ng mga kasamahan ko sa naging sagot ko. Alam ko na malaki ang tiwala nila sa akin na magagawa ko at makakaya ko.
Baon ang sariling determination umalis ako at mabilis na pumasok ng kagubatan. Hindi ko dapat sayangin ang bawat minuto dahil baka maging mitsa ito ng pagkatalo ko.
Lakad takbo ang ginawa ko, sanay ako sa gubat na ito dahil dito ako lumaki. Hindi ako takot sa kahit anong makikita ko dito dahil mas takot ako sa makamandag na ahas na nasa lungsod.
Hindi pa ako nakakalayo ng mapansin ko ang mga sibat na nasa iba't ibang direksyon. Inikot ko ang paningin para makita ang tali na nakakonekta sa mga ito. Isa ito sa patibong dito sa gubat. Ibig sabihin nasa danger zone na ako at mas kailangan kong mag ingat.
Dahil bihasa ako sa mga ganitong uri ng patibong ay mabilis akong nakaalis sa lugar na iyon ng walang kahit anong pinsala. Iniwasan ko na maapakan o magalaw man lang ang mga hiblang tali na nakakonekta sa mga sibat..
Lakad takbo ang ginawa ko para mas mabilis kong matapos ang misyon ko. Ilang malalaking tumbang puno ang dinaanan ko bago ko narating ang malaking talon.
Alam ko na malapit na ako sa kweba. Padilim na rin ang paligid ng makarating ako sa bunganga nito. Gamit ang malinaw na mata at maliit na flashlight ay mabilis kong sinuri ang bungad ng kweba.
Kailangan kong masigurado kong tama at narito nga ba ang usa na pakay ko.
Laking pasalamat ko at umulan ng malakas kanina. Hirap man ako maglakad dahil maputik ngunit pabor ito sa akin. Dito mabilis kong makikita ang bakas ng mga paa ng usa sa lupa.
Napangiti ako sa sarili ng masigurado kong narito nga ang pakay ko.
Agad kong inilabas ang baril na hawak ko at mabilis na pumasok sa bunganga ng kweba.
Kapag ganitong malamig at maulan, lumalabas ang usa sa sandaling pag-tigil ng malakas na ulan para lumibot at maghanap ng sariwang damo. Sa ganitong pagkakataon babalik ito bago tuluyang magdilim.
Inayos ko ang net na nakalatag sa lupa. Maaaring makaligtas ito sa kamay ko ngunit hindi ito makakaligtas sa net na patibong ko. Sanay ako sa gubat at sumasama din akong mangaso kaya alam kong kaya ko ito.
Hindi nagtagal dumating nga ang pakay ko. Marahan itong naglalakad papasok kaya itinutok ko ang baril na hawak ko saka pinutukan ng dalawang magkasunod sa katawan.
"Bingo!" napasigaw ako matapos ko itong tamaan sa katawan. Tumakbo ito ng mabilis papasok ng kweba at saglit pa balot na ito ng net na patibong ko.
Agad ko itong nilapitan at sinuri. Alam kong hindi magtatagal ay mawawalan ito ng buhay.
Nasa tatlongpu kilo ang timbang nito. Kaya alam kong kakayanin kong dalhin ito pabalik sa kampo ng mag-isa. Nakakapang-hinayang kasi na iwan ang katawan nito para lang kunin ang ulo nito.
Hirap man lalo na madilim at maputik ang paligid ay naglakad ako pabalik. Buhat ang walang buhay na usa sa balikat ay mabilis pa rin akong humakbang.
Mahaba ang nilakbay ko bago narating ang kuta. Ilang patibong at makamandag na ahas ang iniwasan ko bago narating ang aming lugar.
"Congratulations Yara, hindi mo talaga kami binigo," sabi ni pinuno matapos tingnan at siguraduhing ito nga ang tamang usa na pakay ko.
"Magpahinga ka na bukas ay bababa ka na ng bundok at magsisimula na ang misyon mo," sabi ni pinuno kasabay ng pagtapik nito sa balikat ko.
"Opo pinuno," mabilis kong sagot bago tumalikod at naglakad pabalik sa kubo ko. Kailangan ko na makaligo at maglinis ng katawan bago matulog.
Pagod man at nananakit ang kalamnan ay masaya pa rin ako. Nakapasa ako sa pagsubok at nakayanan ko. Alam kong hindi madali ang misyon ko sa lungsod pero sa tatag ng determination ko alam ko na kakayanin ko.
Nakangiti akong nakatulog ng mahimbing baon ang pag-asang magtagumpay ako sa misyong nakaatang sa akin. Pagkakataon ko na itong makabawi sa kanila at makatulong sa samahan…
Samantala sa mga oras na iyon kasabay ng mahimbing na tulog ni Yara nagaganap ang isang madugong engkwentro ng tropa ng pamahalaan at rebelde sa kabundukan ng Samal sa Bataan.
"Medic! Medic!" Sigaw ng isang batang sundalo sa mga kasama.
"I cover mo!" Utos ng commanding officer ng grupo.
Nagpapatrolya ang kanilang grupo sa lugar ng hindi inaasahang makatagpo nila ang mga rebelde sa lugar.
Pinasabog ng mga ito ang nasa unahang army truck at ilan sa mga sa mga sundalong kasama ay sugatan at isa ang agad na namatay matapos mapuruhan.
"Men, move!" malakas na sigaw ng pinuno sa gitna ng putukan.
"Radyo man! Connect to the base, request for reinforcement, now!" sigaw pa nito habang panay ang pakawala ng putok sa kalaban.
"Sir yes sir!" sigaw pa balik ng tauhan na inutusan nito.
Ilang pagsabog at sunod-sunod na putok ang pinakawalan sa grupo nila. Marami na rin ang sugatan at nag-aagaw buhay.
Walang tigil ang palitan ng putok na umabot na ngayon ng isang oras at wala pa rin ang tulong na
hinihintay.
"Report!" utos niya sa radio man ng grupo.
"Sir, reinforcement on their way, sir!" malakas na sigaw nito.
Nakahinga ako ng maluwag, kahit papano may pag-asa. Marami sa mga tauhan ko ang sugatan at ilan na rin ang binawian ng buhay.
Nagkalat ang sugatang katawan sa lugar na pinagkukublihan namin. Ang ilan dito personal na mga masasama ko kahit bago pa lang ako sa department ko.
"Sir, reinforcement has been terminated," report ng radio man ko.
"They also engaged in a different fight and no one has able to reach us," report pa nito.
Napahilamos ako ng mukha, Hindi ako pwedeng ma low moral. "Walang susuko! Fight! Fight for our lives! Fight para sa bayan!" sigaw ko para I lift-up ang moral ng grupo.
"Fight!" soabay na mga sigaw ng tauhan ko ang narinig ko kasabay ng malakas at sunod-sunod na putukan.
"Magazine! Magazine!" sigaw ni Sergeant Hilario.
"Sir, malapit na po tayong maubusan ng bala!" sigaw ng lumapit na si PFC Pascual sa akin.
Tiningnan ko ang magazine na nasa katawan ko, iilan na lang din talaga ang natitira at kapag nagtagal pa ito mau-ubusan kami ng bala at risky ang posisyon namin.
"Men, hold your position well," command ko sa mga ito. "I-cover kita, babalikan natin ang armour van!" sigaw ko kay Pascual.
Agad naman itong tumalima at pagapang na sumusunod sa akin.
Sa gitna ng putukan, mga pagsabog at umuulan na mga bala ay narating namin ang pakay namin. Halos manlumo ako ng makitang sunog na katawan ng kabaro namin na nakahandusay sa lupa.
Pigil hiningang nilampasan namin ito habang buhat ang mga balang kailangan namin.
"Sir!" sigaw ni Pascual matapos makita na tinamaan ako sa balikat.
"Go on kaya ko," utos ko saka pinutukan ng AK-47 na hawak ko ang lalaking bumaril sa akin.
Nakakapanlumo na makitang halos lahat kami may tama ngunit wala kahit isa sa amin ang sumuko.
"Magazine!" sigaw ni PFC Pascual kasabay ng pag-hagis sa posisyon ng mga ka baro namin.
Pagapang kong pinuntahan ang radio man ng team na ngayon ay may tama rin sa hita.
"Sir, we request for another reinforcement. The command base center will send another batch of troops!" pa siigaw na report nito.
"How long?" tanong ko habang nakatingin sa orasan.
"Within an hour sir!" malakas na sagot nito.
"Masyadong matagal ang isang oras. Mauubos tayong lahat kapag hindi sila nakarating agad," sabi ko habang tinatalian na ngayon medic ang balikat ko.
"Connect me to the base!" utos ko rito.
Agad naman itong sumunod at mabilis na ibinigay sa akin ang radio.
"10Th division command center over," sagot sa kabilang linya.
"This is First lieutenant Montenegro, requesting for immediate back up and reinforcement, over!" pasigaw na sabi ko.
kailangan kong gawin ito lalo na at nakakabingi ang malakas na putukan habang umuulan ng bala
"Your request has been approved Lieutenant, we have sent your reinforcement," sabi ng opisyal sa kabilang linya.
"Sir, were dying here! My men is dying, we need air support. I repeat, I request air support right away!" halos pa galit na sigaw ko dahil sa napakabagal na response ng mga ito posibleng maubos kaming lahat dito bago pa makarating ang reinforcement
"You're request has no basis Lieutenant!" sigaw ng opisyal sa akin.
"f**k! mamatay kaming lahat dito dahil sa kawalan mo ng tamang aksyon!" galit na sigaw ko.
"Watch you're f*****g mouth Lieutenant!" May sasabihin pa sana ito pero binagsakan ko na nga radyo.
Mas mabuting tulungan ko ang mga kasamahan ko bago pa kami maubos kesa makipagtalo sa gunggong na iyon.
Ipanalangin niya na hindi kami magtagpo nito dahil siguradong paduduguin ko ang mukha nito sa opisina niya oras na matapos kami dito.