LEO Lumipas na ang dalawang linggo na hindi ko pa rin natagpuan ang babae na hinahanap ko. Kung saan-saan na ako pumunta para maghanap sa kaniya pero bigo ako. Lahat na ng posible na lugar na pwede ko siyang matagpuan ay pinuntahan ko na kasama na doon ang lugar kung saan ko siya unang nakita. Tila ba madamot ang pagkakataon dahil kung kailan hinahanap ko siya ay hindi ko makita. Parang kay ilap sa akin ng pagkakataon dahil kahit anong pilit ko na mahanap ang babaeng nakasama ko ng isang gabi ay tila ipinagkakait naman ito ng tadhana. Nahanap ko ang taxi driver na sinakyan nito ng araw na umalis siya ng hotel habang natutulog pa ako pero hindi umano nito maalala ang babaeng tinutukoy ko. Marami umano siyang naging pasahero at ilang araw na rin kasi ang lumipas bago ko siya nahanap kay