CHAPTER FIFTEEN
Yakap ko parin ang likod nya. He was breathing heavily.
"K-kenneth please. Tama n-na... Tama na..."
Ang sama nung tingin niya sa Amerikano. Dinuro niya uli ito. "I'm giving you five long seconds to get your ass out of here!! Or I will break that f*****g neck of yours!"
The american stood up from the ground. "One...Two.."
Kenneth counted. "Three.."
The american quickly ran away. I was still sobbing. grabbed my hand and pulled me outside.
Huminto kami sa tapat ng isang itim na kotse. "GET. IN."
Nakakatakot yung boses nya. Tapos yung itsura nya mukhang sasabog sa galit.
"P-pero-"
"I SAID GET IN!!!!"
"K-kenneth-" Ang sama ng tingin nya sakin.
"WHY CAN'T YOU JUST GET INSIDE THE DAMN CAR?! ANONG PUMASOK SA UTAK MO AT PUMUNTA KA SA GANITONG LUGAR HA?! YOU ALMOST GOT RAPED CYRELLE!! Hindi ka ba nag-iisip?! Akala ko ba matalino ka?! BAKIT SUMAMA KA SA LALAKING YUN?! BULLSHIT!"
He kicked his car and it started creating loud honking sounds. Nagulat ako at natakot kaya mas lalong bumilis ang paglandas ng luha mula sa mata ko.
"BULLSHIT! BULLSHIT! BULLSHIT!" Ngayon ko lang siya nakitang ganito. I kept on crying.
Hindi siya nagsalita. Ang naririnig ko lang ngayon ay ang sarili kong paghikbi.
Then all of a sudden, he sighed and pulled me towards him.
Yung mukha ko nakasandal sa dibdib nya. He was still breathing heavily.
Nabasa ko ng mga luha yung polo nya. Yakap nya lang ako.
He whispered. "Sorry I shouted at you."
Hindi talaga ako matigil sa pag iyak. "Shhh, it's okay. Dito lang ako. No one will hurt you." Hinaplos niya yung buhok ko.
"K-kaya lang naman a-ako pumunta dito para sunduin si J-jianne eh... K-kenneth please l-look for her."
His expression hardened. "No. Di kita iiwan dito. Nakaya niyang pumunta dito mag isa, makakaya niyang umuwi. Kasalanan niya to."
"B-baka kung anong mangyari sa k-kanya. Please..." He sighed.
"Fine. Pumasok ka sa loob ng kotse. Wait for me. Wag kang lalabas. STAY THERE. Do you understand?" Seryoso niyang sabi.
"O-oo. " Pumasok ako sa kotse nya. I watched him enter the bar again. Nanginginig parin ako. My heart was beating rapidly.
Ano nalang ang nangyari sakin kung hindi dumating si Kenneth para saklolohan ako?
Nahalay na siguro ako nung amerikanong yun.
Mayamaya ay dumating na si Kenneth. Buhat nya ang walang malay na si Jianne.
Inihiga niya ito sa backseat. Tapos sumakay siya sa front seat.
"W-what happened? Why is she unconscious? Is she okay?"
Inistart nya na yung kotse.
"Yes, okay lang ang kaibigan mo. She's just drunk. San ba yan nakatira ng maihatid na sa kanila?" Iritado paring tanong niya.
Itinuro ko naman sa kanya. My body won't stop shaking. Inihatid namin si Jianne sa kanila, nagthank you naman si Tita Crystal, yung mom nya.
Tahimik lang kami sa byahe. Pauwi na kami sa bahay.
"Cy, we're here. Ipakuha mo nalang yung kotse kay Lester bukas. Wag na wag ka ng babalik don."
I just nodded. I wiped another tear. Bumaba na ako ng kotse. He, too, went out of his car.
"Asan nga pala si Lester? I need to talk to him. Gagong yon, hindi ka sinamahan."
"W-wala si Kuya. Binabantayan sa o-ospital yung girlfriend niya."
"Ano?! Mag-isa ka ngayon dito?!"
"Y-yes."
"Then sasamahan kita. Don't worry, wala akong gagawing kahit ano."
Tumango nalang ako. Hanggang ngayon tumatahip parin ang dibdib ko sa nangyari.
Hindi ko makalimutan ang eksena kanina.
Pumasok kami sa bahay, he made sure na nakalock yung gate at pinto.
"Go take a bath, then matulog ka na. Dito lang ako sa guestroom if you need me. Gagamitin ko muna mga damit ni Lester."
Tumango ako at pumasok sa kwarto. I took a bath again at ngsoot ng PJs. Kanina pa ako natutulala. Kumatok si Kenneth at naabutan nya akong tulala sa kwarto.
"Cyrelle, go to sleep. Wag mo ng isipin yon, okay? Nasa kabilang kwarto lang ako. Goodnight."
Lalabas na sana siya when I called him. "K-kenneth.."
Nilingon niya ako. "Yes?".
"T-thank you.."
Nginitian niya ako, yung may halong pag-aalala. "Welcome." Tapos lumabas na siya.
Nahiga na ko at pumikit. Napanagininipan ko yung amerikano at nagising akong humahagulgol.
Kenneth barged inside my room. "Cy, what happened?!" Niyakap niya ko agad.
Umiyak na naman ako sa dibdib niya. "Na-napanaginipan ko s-siya!!" I cried.
Hinamas niya yung likod ko. "Calm down. It's only a dream. I'm here. Shhhh, hush now."
Hinaplos haplos niya uli yung buhok ko. "Tulog ka na uli, may pasok pa bukas."
Umiling ako. "I might dream of him again." he wiped my tears.
"I'll watch over you." He assured me. Somehow, I felt at ease. Humiga uli ako. He caressed my hair and smiled at me. "Good. Don't be afraid."
Pumikit na ko.
"I'll be here when you wake up."