Angelie's POV Simula noong sabado ng gabi, hindi na ko makatulog ng maayos dahil masyadong ginugulo ng isang Jade Ayen Martin ang isip ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos at makapag concentrate sa mga ginagawa ko. "I feel like I'm becoming possessive when it comes to you, Angelie. I don't want to make my feelings grow worse because you may not like what I can do with the men who approach you." Ang mga salitang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Mga salitang hindi nagpatulog sa akin ng maayos. Ang gusto ko lang naman ay maging mapalapit sa lalaking katulad niya pero wala akong intensyon na ganito ang mangyayari sa aming dalawa. Kung hindi ako mali nang iniisip ibig sabihin ang isang Jade Ayen Martin ay may gusto na siya sa akin... "Ahhhh! Ang sakit lang ng ulo ko sa kakaisip sa'yo!"