Episode 12

2357 Words

Angelie's POV "Ang galing-galing mong kumanta kanina, Angelie! Grabe! Tumataas 'yong balahibo ko sa boses mo, puta ka!" gigil na gigil na saad ni Gab sa akin. Hindi ko alam kung papuri niya ba sa akin 'yon o baka may galit siya sa akin. Pero mukhang ganyan lang talaga siya. "Kumain ka na lang diyan," umiiling na saad ko at nilagyan ang plato niya ng bagong lutong korean barbeque. Tapos na ang klase namin at nandito kami ngayon sa samgyupsal sa may baba lang ng condominium building namin ni Ayen. Pasok kaming lahat sa mga club na sinalihan namin kaya nag celebrate kaming apat at assual wala na naman si Cyrine dahil aalis daw sila ng boyfriend kuno niya na hindi ko naman nakikita. "Ang sarap talaga dito. Sulit bayad ko," singit naman ni Andrew na kanina pa nguya nang nguya tulad ni Gab.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD