PROLOGUE

260 Words
Naghihintay ako dito sa labas ng University namin. Pano kasi si Manong Kano nagtext na hindi daw niya ako masusundo kasi naflatan ang kotse at pinapaayos ba daw 'to sa talyer. Sinulyapan ko ang wristwatch ko "6:30 na." bulong ko sa sarili ko. Late na. 6 kasi natapos ang last subject namin kanina. Kaya pa! sabi ko sa isip ko. Parang ako na lang kasi ang tao dito sa labas eh. Yung iba may mga sumundo sa kanila. Sana na lang pala sumabay na ako kay Allyson. Bad timing talaga! [ 1 HOUR LATER ] Ngawit na ngawit na ako sa pagtayo ko dito sa gilid ng kalsada. Wala pang masyadong dumadaan na taxi-kung meron man may pasahero naman. Maya-maya ay may tumigil na puting van sa harap ko. Medyo umatras pa ako sa sobrang gulat ko. Maya-maya ay may bumabang dalawang lalaki. Natatakot ako! Nakabonet sila! Yinakap ko ang sarili ko. Pero huli na para makatakbo dahil nahuli na nila ako. Bigla nilang tinakpan ng panyo ang ilong ko. "Hmp! Tulon....g" Then everything went black. ---- Meanwhile... “Hello? Nakuha niyo ba ang babae?” sabi ng tao sa kabilang linya. “Opo Boss, basta ang usapan nating bayad ha!” sagot naman ng taong kumuha kay Liberty. “Sige basta maayos at malinis ang gawa ninyo at nakakasigurado kayong di kayo namukhaan ng babae” paninigurado ng kausap ng dumukot sa babae. “Areglado Boss, tulog na tulog ang babae.” sagot nito. “Sige dalhin niyo na siya dito at ako na ang bahala sa kanya.” huling sabi ng tao bago ibaba ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD