CHAPTER 1

523 Words
Papasok na ako ngayon ng University, magpapahatid ako kay Mang Kano. Sila Mommy at Daddy maagang umalis ng bahay para pumunta sa kompanya namin. Si kuya siguro nasa condo pa siya, condo na regalo ni Mom At Dad nung nakagraduate siya ng college. Habang nakasakay dito sa loob ng kotse ay tumingin ako sa labas, malapit na pala kami sa University. Oh! I forgot to introduce myself, -BTW, I'm Francheska Liberty Buenaville. 20 years old and currently taking up Bachelor of Arts in Fashion Design and Marketing at ******** University. Medyo gloomy ang pakiramdam ko today, feeling ko parang may masamang mangyayari. Kinakabahan ako sa totoo lang, kumakabog ang dibdib ko na para bang hinahabol ako ng kabayo. Hayst. Baka dala lang 'to ng stress ko o pagkanerbyos ko kasi ngayon ang pasahan ng mga designs sa head instructor namin. Tsaka kulang ako ng tulog. Kaya siguro ako kinakabahan. Baka nga. Maya-maya ay tumigil na ang kotse, nasa harap na pala kami ng University. Binuksan ko na ang pintuan at lumabas. "Good bye manong." paalam ko kay Manong Kano at kumakaway sa papalayong kotse. Nang mawala na sa paningin ko ang koyse ay pumasok na ako ng University, dumaan muna ako sa may gate kung saan nagchecheck ang guard ng ID. Nginitian ko na lang ang guard at pumasok ng tuluyan matapos icheck ang ID ko. "Bessy!!!" sigaw ng kong sino-well, boses pa lang alam ko na siya lang naman ang kaibigan kong mala naka-microphone ang lakas ng boses. "Bessy!" tawag niya muli. At kumapit sa balikat ko habang bumabawi ng hangin kasi hinihingal na siya. "Bakit ka ba tumakbo ha?" tanong ko sa kanya ay kinuha ang pamaypay sa bag ko at pinaypayan ko siya, kinuha ko na rin ang tubig ko na baon ko at binigay sa kanya, tinanggap niya naman ito at dali-daling ininom. "Salamat." sabi niya. "Dun sa tanong mo ay para maabutan kita. Bilis mo naman kasing maglakad palibhasa mahaba ang legs mo. Hmp!" sabi niya, aba kasalanan ko pa ngayon. Tsh. Btw, She's Allyson Dee. 20 years old din and ang course niya ay Business Ad. Halos magkaparehas lang kami ng schedule kaya lagi kaming sabay. "Kasalanan ko bang matangkad si Mommy at Daddy." sagot ko naman sa kanya habang kami ay naglalakad. "Nye nye. Whatever." sagot niya na lang at umirap sa hangin. "Bye, See you later." sabi ko na lang at humiwalay ng dadaanan. Binilisan ko namang maglakad para makarating agad ng room. Anong oras pa lang naman bago ang subject, kaso ayoko kasing nalelate kaya lagi kong inaagahan. Maya-maya ay nakarating na rin ako ng room, halos kalahati pa lang kaming andito, umupo agad ako ng upuan ko at nilabas ang libro ko para magbasa. Maya-maya ay dumating na rina ng iba kaya umayos na ako at sumunod namang dumating ang instructor namin. "Good morning. We have a surprise quiz today." pambungad ng instructor namin. May narinig akong mga napamura na lang sa inis dahil hindi sila nakapagreview. Good thing nagbasa ako kanina kaya kahit papaano ay may maisasagot naman ako sa surprise quiz na 'to. |TO BE CONTINUE...|

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD