C3

1005 Words
BETTINA Nagising ako ng may mahawakan akong isang bagay at nang imulat ko ang aking mga mata nagitla ako at bumilog ang aking mga mata niya nang makitang may katabi na akong matandang lalaki. At sa tantya ko naman ay nasa edad 40 plus na ito. Kinapa ko at pinakiramdaman ang aking sarili kong may nagbago ba, pero hindi naman masakit ang p********e ko kaya paniguradong hindi ako nakagawa ng kagagahan ulit sa buhay ko. Gusto ko na sanang umalis kaso nakita kong naka locked ang bawat pintuan ng kotse nito, kaya wala akong nagawa kundi hintayin na magising ang matandang lalaki para maka labas na ako. Ilang oras akong matiyagang nag hintay na gumising ito hanggang sa nagmulat nga ito ng mga mata. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ko ang magandang hugis ng mukha nito at ang kaniyang maamong mga mata na mukhang pamilyar na rin sa akin at hindi ko lang alam kong saan ko nga ba nakita ito. Hindi rin halatang matanda na siya, dahil makisig ito at maganda ang pangangatawan na alaga sa pag g-gym. Natigil ang pagche-check ko dito mula ulo at hanggang paa ng magsalita ito na; "Are you done checking me? Baka gusto mo rin i-check ang sarili mo." ani niya. Bigla tuloy akong nahiya sa sinabi nito. "Teka nga, Mr. Tanders, este--" "Call me Trev, hindi tanders ang pangalan ko. Yes. I admit, I'm older than you, pero malakas pa ang resistensya ko pag dating sa s*x!" wika ng baritonong boses nito na umabot sa aking pandinig tila namagneto ako sa taong kaharap ko. Kaya napatulala ako bigla at napatigil. Lalo na nang hawakan niya ang labi ko. Kaso nabweset lang ako ng sabihin nito na; "Laway, tumutulo na. Paki punasan at baka madumihan ang sasakyan ko." mayabang na wika nito. Kaya bigla na lang akong napikon at nasigawan ko ito. "Hoyyy! Tanders, ang kapal mo." bulyaw ko dito. "I said call me, Tre--" hindi ko na siya pinatapos sa mga sasabihin pa niya at hinarang ko ang daliri ko rito kaso lang umiwas ito kaya nasundot ko lang naman ang ilong niya kaya kumunot ang noo nito sabay sabi na; "What the hell are you doing?" malakas na sigaw nito. At halos mabingi yata ako sa lakas ng boses niya. "S..Sorry, Tanders ay este Sir. Trev. Pwede bang buksan muna lang ang pintuan ng kotse mo nang maka uwi na rin ako." utos ko dito at kanina pa ako nanlalagkit sa suot ko at gusto ko na rin talagang umuwi. At isa pa pagod na rin ako sa pakikipag bangayan sa tanders na 'to. Mukhang hindi naman ito magpapatalo sa akin. Biglang tumaas ang kilay ko ng sumagot ito na; "Bubuksan ko lang 'tong kotse ko kong papayagan mo kong ihatid kita sa bahay mo. Para makasigurado akong hindi ka na aalis sa bahay mo bata ng dis oras ng gabi para hindi ka na rin nakaka perwisyo sa kagaya ko." masungit na lintanya nito at daig pa yata ang lola ko sa haba ng panenermon nito. (Sumalangit nawa ang kaluluwa mo lola.)" bulong niya. "Oh! Anong binubulong bulong mo r'yan?" biglang singit na tanong nito. "Wala ka na doon. Paki ulit nga ang sinabi mo?" "Hindi ko na uulitin pa. Ano ihahatid ba kita o hindi?" "W...What?? No!! Bakit mo ba ko ihahatid may paa naman ako." masungit na sagot ko dito. At kanina pa kasi ako nagtitimpi dito akala ba niya nakakatuwa siya. Hindi unlimited ang pasensya ko lalo sa kagaya niyang hambog. "Palalabasin mo ko o sisigaw ako." banta ko rito at mukhang wala siyang balak kasing palabasin ako. "Go ahead! Scream! Hindi ko pala nasabi sayo na soundproof ang car ko kaya sige sigaw hanggang sa mangawit yang dila mo." "Argggh! Fine! Ihatid muna ako." utos ko dito at mukhang hindi naman niya ako titigilan pa kaya pumayag na ako kahit bweset pa ako dito. "Good. Magpapahatid ka rin naman pala. Bakit ang dami mo pang arte." angal nito. Pagkasabi ko pa lang agad nitong pinaharurot ang sasakyan palayo sa bar. "Paki alam mo ba, unang una hindi kita kilala. Pangalawa, ang tanda mo na sa akin. Pangatlo--" "Ang harsh mo naman. Sabing Trev nga name ko bakit ba ang kulit mong bata ka." "Hoy! Sinong bata???" tanong ko rito at malapit ko na talagang masapak siya. Kanina pa niya sinasagad ang pasensya ko. "Ikaw, tinatawag mo kong tanders so I call you bata. Para quits na tayo." "Arrgh! Stop the car. Baba na ako ayoko ng magpahatid sayo. Tulooooong! Tuloooong!" sigaw ko sabay kalampag ng pintuan. Baka sakaling may maka kita sa akin at tulungan ako. Kaso halos mangawit na ang dila ko kakasigaw wala namang lumingon na kahit isa sa akin kaya lalo akong nabweset kay tanders. Ilang oras pa narating na namin ang subdivision kong saan ako nakatira. "Dito na lang ako sa may gate." utos ko kaso makulit ito at gustong sa bahay niya ako mismong ihatid para raw makasigurado itong safe ako. Ang dami niyang inarte at napipikon na talaga ako kaso no choice ako at siya ang nagmamaneho ng kotse kaya wala na akong imik at para matapos na isinama ko na lang siya hanggang sa bahay ko. Tinuro ko ang way kong saan siya liliko o kakanan. Akala pa nga nito ay pinagloloko ko siya, dahil nga magulo raw ang way na itinuturo ko. E, sa ayon naman talaga ang way papuntang bahay ko. Pag dating namin sa bahay ko. Nag sali na ako na; "Stop! Dito na ang bahay ko." utos ko. Agad naman niyang itinigil ito kaya mabilis na lumabas ako ng kotse. Lalabas pa sana ito ng awatin ko. "Hep! Hep! Saan ka naman pupunta, aber!" tanong ko dito. "I just wanna make sure na bahay mo nga 'tong pinuntahan natin." "Arrrgh! Ang sakit mo sa ulo, diyan ka na nga." wika ko sabay walk-out at pasok sa loob. Sinara kong mabuti at baka sumunod pa ang bweset na 'yon. At madagdagan pa ang pagkasira nang araw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD