TREVOR
Maaga pa lang tinawagan ko na ang secretary ko na si Harold. Mabilis naman itong sumagot ng tawag ko.
"Hello, boss." bungad na bati niya sa akin.
"Hi, listen to me Harold. Kindly re-scheduled my meeting or appointment today. I just want a break." utos ko sa secretary ko.
"Noted boss." mabilis na sagot ni Harold ng makuha ang utos ko.
Nang mawala ito sa linya. Inayos ko na muna ang aking sarili . I wanted to be perfect for her. The girl I met again last night. Napumukaw kasi nito noon ang natutulog na libog sa aking katawan. Nabuhay kasi niya ang buong sistema sa aking katawan. At ayokong may makita siyang kapintasan sa akin. Pagkatapos kong makitang perfect na ang lahat. Kinuha ko na ang cellphone at key car at sinuksok sa bulsa. Hindi ko na alintana kong ano bang sasabihin nito sa akin kong saka sakaling makita niya ulit ako sa labas ng bahay niya.
Masaya akong linisan ang Mansyon. Buong byahe pa ngiti ngiti pa ako hanggang sa makarating ako ng bahay nito.
Pag dating ko doon magdo doorbell pa lang ako mukha na nito na naka simangot ang nabungaran ko.
"What are you doing here?" tanong nito na nakapamaywang pa. Nginitian ko lang siya sabay abot ng bungkos na bulaklak na pina arrange ko pa sa sikat na flower shop. "Flowers for you!" dagdag ko pa dito. Kaso nga lang bigla itong sumimangot sabay sabi na; "Anong gagawin ko dyan? Wala naman akong sakit para bigyan mo niyan at isa pa ayoko ng bulaklak mo. Pwede ba tanders tantanan mo na nga ako kong ayaw mong ireport kita sa barangay ang aga aga nang bubulahaw ka sa pamamahay ko. Tsupi!!" malakas na bulyaw nito.
"Fine! Aalis ako pero, babalik ako hanggang sa pumayag kang ligawan kita." banta ko rito.
"Hmmmp! As you wish tanders!" pahabol na sigaw nito sa akin ngunit hindi ko na siya narinig pa, dahil naka alis na ako gamit ang sasakyan ko na hindi mo basta basta makikita ang model dito at galing pa sa ibang bansa.
Habang nagmamaneho ako. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko babaeng 'yon. Pero, sa kabilang banda nacha challenge naman talaga ako dito. Natutuwa ako sa pagiging hard to get nito kaya lalo akong nauulol na mapa sa akin siya sa ayaw at gusto niya.
Pabalik na ako ng Mansyon ng biglang may tumawag sa akin. Dinukot ko ang cellphone sa loob ng suot kong slacks. "Hello! I told you to cancel my--" hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang "Dad are you okay? Why are you yelling at me?" tanong ng aking anak na si Denver.
"No, Son. Something came up lang. Oh! How's your trip? I mean your vacation?" tanong ko sa anak sa pag-aakalang nasa states pa ito.
"It's okay Dad. By the way-- nevermind! Well see you soon, Dad. I have to go. Bye!" ani ng anak kong si Denver sabay off ng call. Matapos kong maka usap ang aking anak. Itinago ko na ang aking cellphone.
Iniisip ko kong didiretso ba ako ng Mansyon hanggang sa napag desisyunan ko na lang na huwag munang umuwi. Kaya napadpad ako sa Elite Bar kong saan hinihintay na rin ako ng mga kaibigan ko. They are my High School buddies now and then. Elite's 5 nga ang tinagurian sa aming lahat, sapagkat kilala ang aming angkan.
Pag pasok ko pa lang sa loob sinalubong na ako ni Brix Santillan, ang hunk engineer ng barkada.
"Hey! Bro. Trev, buti nakarating ka akala namin mag skip ka na naman." ani ni Brix ang palikero sa aming grupo. Niyakag ako nito sa table kong saan nag hihintay pa ang mga asshole naming kaibigan.
"Hey! Trev! Bro." sabay sabay na bati ng tatlo pa na sina Dominique Hudson ang lawyer ng aming barkada, Vince Cristobal ang retired basketball player at Raphael Buena ang negosyante rin na katulad ni ko. Akalain mo 'yon hindi mo malalaman na nasa 40's na ang aming edad, lahat kasi kami ay makikisig ang pangangatawan at ang ga-gwapo pa. Asset din namin ang makuha ang babaeng gusto namin in one single snap lamang. Wala sa bokabularyo naming ang salitang mabasted.
"Cheers!" malakas na sigaw ni Brix na hawak ang shot glass.
"Cheers." sabay sabay naman naming sagot at lagok ng alak.
"Woooh! For Raphael na finally divorce na sa kan'yang war freak na asawa." malakas na sigaw ni Brix na tinawanan naman naming tatlo.
Blagg!! Tunog na pag batok ni Raphael kay Brix. At malutong na tawa naming tatlo na sabay sabay ang maririnig mo.
"Asshole! Alam mo kumpara naman sayo takusa." balik na asar ni Raphael kay Brix kaya mas lalo kaming napahalakhak na parang wala na ngang bukas pa. At ganito lang talaga kaming lahat kapag nagkakasama sama. Matagal tagal na rin kasi 'yong get together namin nila noong kinasal si Vince. Nasa mid 30's pa nga lang ako at buhay pa rin ang asawa ko noon.
Anyway lahat naman kami masaya na sa tinatahak naming buhay but not only me. Ako na byudo at heto tanging flirt or tikiman lang ang gusto. May bago akong flavor of the Month. After Belle siya naman ang gusto ko napag alaman kong Bettina ang name niya. Hindi naman ako mahilig sa B:
Natigil ang pag-iisip ko ng tapikin ako ni Brix.
"Hey! Bro, ang layo na naman ng takbo ng isip mo. Alam ko na babae na naman yan." wika nito na halatang inaasar ako.
"Asshole! Jerk! Anong babae ka dyan, hwag mo kong itulad sayo. Negosyo ang iniisip ko." mabilis na sagot ko para hindi naman niya mapatunayan na tama siya. Ewan ko ba sa isang 'to, daig pa yata fortune teller sa Quiapo at parang nababasa niya ang takbo ng isipan ko.
"Okay. Akala ko babae na naman e, you know what bro. Ang babae minamahal ha. Kaya tigilan muna yang kalokohan mo. Tumatanda na tayo." wika nito.
"Ulol! Sinong tumatanda Brix, ikaw?? Hahaha." malakas na halakhak ni Raphael.
Brix raise his midlle finger kaya nagtawanan na kaming lahat. Kapag si Brix at Raphael ang nagkasama paniguradong riot talaga.
"Enough na yan. Nandito tayo to bond hindi mag bwestan kahit bweset naman talaga tong dalawa. Parang walang pagbabago ang mga gagong 'to. College pa lang ganyan na kayo, ngayong 40's na asaran pa rin kayo ng asaran." awat ni Dominique sa dalawa. Mula noon siya ang taga awat ng gulo o asaran kaya hindi kataka taka kong bakit naging lawyer siya.
"Tama nga!" segunda ni Vince pati na rin ng iba pa.
"Let's drink and enjoy. Forget everything just tonight, alright?" ani ni Dom.
"Yes! Cheersssssss!"malakas na sigaw ni Vince na halatang lasing na lasing na at puro na rin kalokohan.
Marami pa kaming napag usapan hanggang sa isa-isa na silang nalasing at ginupo ng antok. Okay lang naman na magpa umaga sila dito, dahil ang Elite Bar ay pagmamay-ari naming lima. Si Raphael nga lang ang nagma manage nito sa ngayon, dahil may sarili akong business at sila naman ay iba ang pinagkaka abalahan.