KABANATA 23 SCRATCH Banayad lamang ang takbo ng kabayo na dala namin. Tila wala naman balak habolin ni Pablo ang dalawa na siyang pumasok na sa may kakahuyan. Hindi ko mapigilang libotin ang nagagandahang kakahuyan at ilang punong kahoy na aming nadaraanan. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw nang iwan ni Lolo ang rancho sa Zambales. Kung ano ang tatanongin mas gusto kong sa ganitong klase rin ng lugar bunuin ang mga nalalabi kong panahon. "This place is nice and peaceful. Hindi kagaya sa Maynila puro ingay at usok ng sasakyan ang palagi kong nakakikita at sumasalubong sa'kin," wika ko habang ninanamnam ang simoy ng hangin. "Great to know that you are able to give yourself a break. Halos ibulong na lang niya sa tainga ko ang kataga na 'yon kaya't hindi ko mapigilan ang makiliti.