KABANATA 22 HORSEBACK RIDING Pinaghandaan ko ang muli namin pagkikita ni Pablo. Siniguro ko na well fitted ang suot kong damit at jeans para hubog na hubog ang katawan ko. Isa pa dahil hapon naman na ay napili ko ang kulay pastel creame na sleevless na medyo may uka sa dibdib. Hindi ko na 'yon pinatungan pa ng kung ano at hinayaan na labas ang aking tinatago skin. Pasado alas kwatro medya nang bumaba ako na pusturang-pustura na. Napansin ko agad si Don Anselmo na siyang nagkakape sa may veranda kasama si Katarina. "Magandang hapon ho, nakarating na ho pala kayo!" Bati ko dito na siyang binigyan ko nang matamis na ngiti. "Kadarating ko lang, hija. Medyo napagod sa byahe kaya't nanghingi ako ng kape kay Sitas." Sinulyapan ko naman si Katarina na tahimik lang sa kaniyang tabi. Hawak di