KABANATA 9 PAIN Nasa may veranda ako ng aking silid habang hawak sa kamay ang mainit na tsokolate na tinimpla sa'kin ng mayordomang si Aling Trudis. Dito ko na napadesisyonan magpalipas ng gabi. Bukas ng umaga na lang ako babalik ng Manila para sa mga prior meetings ko. Ngunit napansin ko ang pumaradang kotse sa may tapat ng bahay kaya napadungaw ako sa sakay na bumaba doon. My Uncle Florence and his daughter Leslie. Halos liparin nila ang daan papasok sa loob ng Villa na siyang nagpa-ikot ng mata ko. Hindi ko pa man nauubos ang iniinom na tsokolate ay hinila ko na ito palabas ng aking silid para salubongin ang mga dumating. "Anong meron at napadalaw kayo?" Iyon agad ang bungad ko sa kaniya habang pababa ng marangyang hagdanan. I looked at uncle Florence reaction. Nakakunot ang noo