KABANATA 8 GUILTY Hindi ko na nagawa pang i-enjoy ang buong gabi dahil sa nalaman. Parang mas masakit pa nga ito sa nalaman ko kesa sa panloloko sa'kin ni Luke. Tinungga ko ang baso ng alak sa nilapag 'yon nang malakas sa lamesa. Unti-unti na akong nakakaramdam ng hilo. Hindi na rin ako makasabay sa kwentuhan nila na sa tingin ko'y wala naman pupuntahan pa. Sinubukan ko nang tumayo ngunit tila hindi ko na kaya pa, kaya bumagsak akong muli sa couch at doon hinilig ko ang ulo at doon ay nilamon na ng antok. Nagising ako sa maiinit na halik sa aking leeg at may humahaplos sa aking binti at braso. Dahil lango pa ako sa alak ay hindi ako makagalaw lalo na nang lumapat ang mga halik niya sa aking mga labi. I remember this kiss. His soft lips, sweet and fire kiss and his serpent tongue.