YOU WILL COME BACK TO ME TOO

1284 Words
Chapter Sixteen -Camille- "Why" Ulit na tanong nito sakin, pero hindi ko mahanap ang sagot para dito. Pinilit kong umiwas pero alam kong wala na akong magiging takas dito. Pero dahil sa nakaraan kaya alam kong kaya ko itong harapin. Humarap ako dito at pinakatitigan ang mata nitong alam kong puno ng katanungan. "Umalis ako para lumayo sayo, dahil alam kong hindi ako nararapat sayo. Alam mo mula ng makilala kita isa ka sa naging dahilan kung bakit gusto kong tuparin ang mga pangarap na meron ako. Para kahit papaano ay meron naman ako maipagmalaki sayo." Madiin kong paliwanag dito. "Minahal kita pero anong ginawa mo sakin binaboy mo ako ng gabing yun. Ang buong akala ko pa naman ay kaya mong maghintay hanggang sa ibigay ko sayo ang lahat pero nagkamali ako dahil sa una palang hindi mo ako minahal." Dag-dag ko pa rito at naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha na hindi ko nararamdaman dahil sa sakit na dulot nito. "I hope that before you leave, you will wait for me to explain to you. You're wrong if you think I didn't love you, I almost went crazy losing you by my side. That night, I didn't know that they put drugs in what I was drinking, so I did that thing to you. So I hope you believe me because I love you so much. Please believe me." Seryosong paliwanag nito sakin. Pero naiiling ko lang ito tinignan. "Marami na ang nagbago sa ating dalawa kaya sana ay tumigil ka na dahil kahit anong gawin mo wala na akong pagmamahal sayo. Hindi kita pipigilan kung gusto mong magpakaama sa mga Anak ko. Pero hanggang doon na lang ang ugnayan na meron tayo." Matigas kong sambit dito. Tinalikuran ito pero niyakap lang ako nito mula sa aking likuran. "Please forgive me Camille, I love you so much that I hope you will let me make it up to you, our children. Please Camille, I can't lose you again." Mahigpit ang yakap nito sakin at umiiyak na rin ito sa balikat ko ngayon. Pero pinilit kong maging matatag at huwag papadala sa kung anong sinasabi nito. Dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay nitong nakayakap sakin at humarap dito na seryoso. "Ito ang isang bagay na gusto kong mangyari, kaya sana ay respetuhin mo. Maaari mong makita ang kambal kahit anong oras mo gustuhin pero hindi ako kasama sa nais mong mangyari dahil gusto ko pang maging buo ulit ako at may mga bagay pa na gustong kong gawin na ako lang mag-isa." Paliwanag ko dito at mabilis na pumasok ng aking kuwarto. Dahil sa luhang nag-uunahang tumulo. Mahal na mahal ko siya pero natatakot akong muling sumubok ayokong pati ang mga Anak ko ay masaktan ng dahil sa katangahan ko. Tinignan ko ang mga Anak ko na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanilang crib, lalo naman akong napahikbi ng maisip ang magiging buhay ng mga ito kung sakaling hindi kami magkasundo ng kanilang Ama. Mas pipiliing ako na lang ang maghirap basta maging maayos lang ang mga Anak ko sa kanilang Amak. Alam ko rin ang hirap na lumaking walang matawag na Ama. Nang matapos kung umiiyak at nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Si Khen at nagpapaalam na itomg umalis at babalik na lang daw bukas para makasama ang kanyang mga Anak. Binuksan ko ang pintuan at tumango dito. Tahimik din itong nakatingin sakin, kaya naman may lalo akong kinabahan. "Even if your decision is painful for me, I will still accept it. For now I'll let you do what you want. But let me do what I want to do for you and our children." Seryoso pero may diin paring sambit sakin nito. Tumango lang ako dito nang hindi ito tinitignan. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa ulo ko na sobrang namiss ko. Napapikit pa ako dahil sa init ng kamay nitong nasa aking balikat. "Get some rest because I know you have a lot on your mind right now. Don't think anymore because I'm here for you and our children." Sambit nito sakin at mabilis na tumalikod. Sinasabi ng isang utak ko na pigilan ito, pero ang kabila naman ang nagdikta na huwag at hayaan ko siyang umalis. Napasandal naman ako sa pintuan at muli akong napaiyak nang dahil sa labis na pagkamis dito. Bumuntong hininga na lang ako at nilapitan ang dalawang angel ng buhay ko. "Sorry, mga Anak kung nagiging mahina si Mommy ayoko lang na masaktan kayo pagdating ng raw ay sisihin ninyo ako dahil sa hirap na dinaranas ninyo. Hinaplos ko ang parehong pisngi ng mga ito at sobrang laki ng pagkakahawig ng mga ito sa sariling Ama. Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-asikaso ng maaga dahil papasok na ako ngayon sa restaurant. Nag text na rin si Yaya Sabel na makakapasok na raw siya ngayon. Pero nagulat ako ng makita ko si Khen sa tapat ng pintuan at kasabay niyang dumating si Yaya Sabel. "Good morning iha, pasensya kana at hindi ako nakapagpaalam sayo kahapon nagkaroon kasi ng emergency ang Anak ko kaya inayos ko muna." Paliwanag nito sakin, tumango na lang ako dito at pumasok na ito para iaayos ang kambal. "Pasok ka Khen" Sambit ko dito. " Thank you" Sagot naman nito sakin. Naupo ito malapit sa kambal na nasa sala kasi ang mga ito at pinapakain ko ng lugaw. Paborito nila ang lugaw na ako na lang din mismo ang nagluluto. "Hi my twins" Narinig kong patawag nito sa kambal, masaya naman ang dalawa na makita ang kanilang Ama. "Dada" Sambit ni Kendal sa Ama. Si Kenjie naman ay nakangiti lang dito habang sinusubuan ko ng pagkain. Napatingin naman ako kay Khen ng buhatin nito si Kendal at ilagay sa mga binti para ikalong. Panay naman ang tawa ng dalawa dahil sa panghaharot ng mga ito. Nagtataka naman akong tinignan ni Kenjie pero ngumiti na lang ako dito at pinagpatuloy ang pagpapakaim dito. Nang matapos kong asikasuhin ang kambal ay naghanda naman na ako para sa sarili ko dahil nagtext sakin si Albert na isasabay niya ako papasok sa restaurant. Pababa na ko ng hagdan ng matanaw ko sila Albert at Khen na masama ang tingin sa bawat isa. "Sir Albert" Tawag ko dito at ngumiti. "Hi Camille, let's go" Masayang sambit nito sakin. Pero nang aabutin ko ang kamay nito ay hinawakan ako ni Khen at nilagay sa likod nito at nagsukatan pa sila mg tingin ni Albert. "It will be up to me to deliver the Mother of my Children to her work." Matigas na sabi ni Khen dito. Pero biglang natawa si Albert sa inasta ni Khen. "Wait magkakilala ba ang dalawamg to?" Tanong ko sa aking sarili. "But not your wife?" Nakangising sagot ni Albert dito. Mabilis ko namang pinigilan si Khen sa gagawin nitong pagsuntok kay Albert. "Pwde ba tumigil na kayong dalawa. Dito nyo pa talaga napiling mag-away sa harap ng mga Anak ko. Hindi na kayo nahiya ipapakita pa talaga ninyo ang kabastusan ng mga ugali ninyo sa mga paslit na yan." Inis kong turan sa dalawa at tinuro ang dalawang batang nakatingin sa aming ngayon. "Albert, stay away from Camille if you don't want trouble." Madiing salita nito sa binata. "Just relax dude, I have no plans to take what is not yours." Ganting sagot din naman nito kay Khen. "Tara na Albert, at ikaw Khen samahan mo si Yaya sabel na alagaan ang kambal. Kung aalis ka magsabi ka kay Yaya Sabel para naman alam niya. Tara na Albert at marami pa akong gagawin sa restaurant mo." Salita ko dito at mabilis na niyaya si Albert para na rin matigil kung ano man meron ang dalawang lalaking to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD