CHAPTER TWELVE- BACK TO ZERO Pumapasok sa utak niya ang mukha ni Irvin sa tuwing sinusubukan niyang ipikit ang mga mata. Ang mga nanunukso nitong mata. Ang pag ngisi nitong nakakabwisit pero ang sarap tingnan. “Nababaliw na yata ako.” Parang wala sa sariling sabi niya. Naalala niya ang sinabi nitong sabi raw ni Aling Susan. May gusto nga ba siya rito? Sinampal niya ang sarili sa naisip. Imposible.. Hindi ganoon kadaling mahuhulog siya sa isang tao. Sabi ngauli ni Queen Elsa, You can’t fall in love with a person you just met. Ang magkagusto sa isang tao ay mahabang proseso. Pero ayaw niyang maging hipokrito, kinilig talaga siya sa nangyari sa event. Okay, noon ay sobrang inis siya rito pero iba na ngayon, nasasanay na siyang palagi itong kasama. Nagiging normal na rin para sa kanya