CHAPTER SEVEN-Be a Sunflower in a Field that Full of Roses “Hurry up! Ang bagal mong maglakad.” Nakabusangot na sabi ni Irvin sa kanya. Paano ba naman kasi, alas syete na pero paalis pa lang sila ng bahay. Nawalan kasi sila ng tubig at kailangan pa nilang magpa-igib sa mga tambay na kapit bahay nila. Mukhang nahawaan niya yata ito ng sakit niyang palaging late sa klase. “Halos mapudpod na nga ang suot kong sandal sa bilis kong maglakad. Sisihin mo ang tubig at hindi ako.” Inis din na sikmat niya na mas lalo pang binilisan ang paglakad para mahabol ito. Sumasakit na ang kamay niya dahil sa may bitbit pa siyang painting na project niya. Ni hindi man lang siya nito tinulungang magbitbit. “Bakit kasi hindi pinagawa ang kotse.” Pasaring pa niya. Nasira raw ang makina ng pinakamamahal