Napatingala sa akin si Archie pagkatapos kong ipatong ang folder sa kaniyang desk. As usual, magkasalubong na naman ang mga kilay niya sa aking ginawa. Ugali ko na kasing hindi ako kumakatok sa pinto ng kaniyang opisina. Maliban nalang kung importanteng tao ang kausap o bisita niya. For an ordinary days like this, doon gumagana ang ugali kong iyon.
"What's this?" he seriously asked while he grab the folder.
"Ano pa ba? Eh di 'yung impormasyon na pinapaasikaso mo sa akin noong last week pa. Kaya ayan... Tatlong babae ba naman pinapaimbestiga mo sa akin." sagot ko saka prenteng umupo sa malapad at lalambot na couch dito sa opisina niya.
Pinapanood ko siya habang binabasa niyang mabuti ang mga dokyumento. As expected, Archilles Ho, tahimik at seryoso niyang pinag-aaralan ang mga nakasulat sa mga papel. Pinag-aaralan niya kasi 'yung mga babae na nirereto sa kaniya ni Madame Eufemia, ang grande matriarch ng pamilya ng Hochengco. Ang babaeng umampon sa akin noong pitong gulang palang ako. Natagpuan niya akong naglalakad sa madilim sa gilid ng kalsada sa probinsya ng Iloilo.
Nang mga panahon din iyon ay pakiramdam ko ay hulog siya ng langit para sa akin. Wala talaga ako mapuntahan ng mga panahon na iyon. Kinupkop niya ako. Binihisan, pinatira sa malaking bahay, pinag-aral, halos lahat ng pangangailangan ko ay binigay niya sa akin. Kahit trabaho ay binigyan ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa mga Hochengco. Dahil hindi nila ako itinuring na iba, pakiramdam ko buhat na tumapak ako sa teritoryo nila, ay taos-puso nila ako tinanggap. Bilang kabayaran sa kabaitan na ipinapakita at ipinaramdam sa akin ay nagtrabaho ako sa kanila. Para malaman ko din ang totoo... Kung talagang may kinalaman ang nga Hochengco sa pagkamatay ni lolo Igor.
"Ano? Natipuhan mo na ang isa sa kanila?" tanong ko. "Maya-maya din ay aalis na ako..."
Bigla siyang tumayo at sinuot na niya ang kaniyang coat. Seryoso siyang tumingin sa akin. "Nope, may pupuntahan pa tayo."
Napaawang ang bibig ko. Namimilog pa ang mga mata ko. "A-ano? Saan naman tayo pupunta--" hindi ko na magawang dugtungan pa ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at talagang kinaladkad pa niya ako hanggang sa makalabas kami sa kaniyang opisina. "Hoy, Archie! Saan ba kasi tayo pupunta, ha?" matigas kong tanong.
"Kakain sa labas." simple at walang emosyon niyang sagot.
"Ano? Kakain ka lang pala sa labas eh bakit kailangan ay kasama pa ako?"
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tumigil kami sa naglalakad at bumaling siya sa akin nang malamig. Tinaasan ko siya ng kilay, nagtataka.
Bumuntong-hininga siya. "Mamaya mo na ako paulanan ng tanong kapag naroon na tayo." muli niyang hinawakan ang kamay ko ay kusa na naman nagpatangay ang katawan ko sa kaniyang nanainisin.
Hindi madrawing ang mukha ko habang nakikinig ako sa usapan nilang dalawa. Nasa isang Restaurant kami sa bandang Makati. Wengya, makikipagdate lang pala siya sa isa sa mga nireto sa kaniya ni Madame eh bakit naririto? Sa mukha ko bang ito ay mukha ba akong chaperon, ha?!
Nasa likuran ko lang sila. Hinahayaan ko lang na mag-usap sila pero nanatili nakatutok ang mga tainga ko sa kanilang usapan.
"Hindi ko inexpected na gusto mo akong makita, Archie..." may halong lambing na sabi sa kaniya ni Josie, isa sa mga candidate para maging fiancé ng isang Archie Ho. "Pero... Bakit may kasama ka pa yata?"
"Don't mind her." malamig na tugon niya sa babae. "Hindi siya ang concern dito kaya gusto kitang kitain."
"Eh ano pala?"
"Hindi kita gusto para maging asawa ko, Josie."
Tumigil ako sa pagsipsip ng juice nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. Ano? Aba, talagang walang kagatol-gatol ang lalaking ito kapag magsabi na ayaw niya sa babae. Wala talagang kagentle-gentle sa katawan!
Mahina tumawa ang Josie. "Ang corny mo talaga magbiro, Archie."
"I'm not. It's true."
"A-Archie..."
Kahit gustuhin ko man sila lingunin ay Hindi ko magawa. Parang inuutos ng katawan ko na manatili ako sa ganitong posisyon. Na huwag ko daw tingnan. Lihim ko kumagat ang aking labi. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa baso dahil sa mga sunod kong narinig.
"Kahit anong tago mo sa totoo mong pagkatao, malalaman at malalaman ko din, Josie. Nalaman ko na palugi na ang negosyo ninyo. Kaya pumayag ka na ipagkasundo ka sa akin dahil alam mong maisasalba pa ang kumpanya ninyo sa oras magiging asawa mo ako. Hindi lang 'yon, hindi ka mabubuhay nang walang mga branded bag, damit, o mga sapatos sa iyong katawan para ipagmayabang mo sa mga kaibigan mo." matalim na sambit ni Archie. "Nalaman ko din na hindi ka na malinis. Nawala ang virginity mo noong teenager ka, first boyfriend mo ang nakauna sa iyo. Dahil din sa paglubog ng negosyo ninyo ay halos ibenta mo na din ang katawan mo sa iba--"
Doon na ako napalingon. Napasinghap ako nang makita kong basa na si Archie! Sinabuyan siya ng tubig ng babae! Shit...
"How dare you, Archie!" singhal nito sa kaniya. Kitang kita ang pamumula sa kaniyang mukha dahil sa galit. "Okay sana kung sabihin mo na ayaw mo talaga sa akin. Pero bakit kailangan mo pang sabihin ang mga bagay na 'yon, ha?!"
Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Napangiwi ako nang nakakuha na sila ng atensyon ng iba. Napalunok ako. Tumayo ako para awatin na si Archie pero muli ito nagsalita.
"Dahil hindi ako tumatanggap ng tira-tira. Hindi ako 'yung tipo na lalawayan ko ang buto na nilawayan na ng iba."
Doon ay bumuhos ang mga luha ni Josie. Hiyang-hiya siyang lumabas ng resto. Hinatid lang namin siya ng tingin. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin namin ay malakas kong sinuntok ang braso ng lalaking ito.
"Aw, bakit mo ako sinuntok?" iritado niyang tanong sa akin.
I gritted my teeth. "Bakit kailangan mo pang sabihin 'yon? In public pa? Archie naman! Babae ang kausap mo, Hindi lalaki!" Panenermon ko pa.
Instead, he just shrugged. Marahas niyang hinubad ang kaniyang coat at isinabit niya iyon sa kaniyang braso. Naglabas din siya ng bill at ipinatong niya iyon sa mesa. Muli niya akong hinawakan sa kamay at mabilis kaming lumabas sa resto.
"Galit ka ba?" Bigla niyang tanong sa akin nang tumigil kami sa gusali kung nasaan ang kaniyang condo. Sa One Oasis.
Sa buong byahe kasi ay hindi ko siya magawang kibuin. Siguro dahil sa naaawa ako kay Josie. Syempre, private na bagay na 'yon tapos halos ipagsigawan pa niya na hindi na siya birhen. Abnormal talaga!
"Hey, Jaycelle..." mahina niyang tawag sa akin.
"Bakit nga ba sinabi mo ang mga bagay na 'yon?" Tanong ko.
"Dahil kasama sa impormasyon na binigay mo. Nakasulat doon."
Ngumiwi ako. "Pero hindi mo naman kasi pwedeng sabihin iyon."
"Kung hindi ko ginawa 'yon, eh di matutuloy pa rin na isa siya sa magiging potential fiancé ko kahit ayaw ko. At isa pa, 'yon din ang alam kong paraan para tumigil na ang nabaliwan na ito."
Bumuntong-hininga ako at sumampang sa upuan. Para akong napagod dahil sa araw na ito. Pakiramdam ko ay marami nang nangyari eh kasama ko lang naman si Archie.
"Bakit kasi ayaw mong mag-asawa, Archie? Nasa takdang edad ka din naman. Look, happily married na ang mga pinsan mo. Bakit ikaw, ayaw mo pa?" Bigla lang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na 'yon.
"Bakit? May ibang pinsan din naman ako na wala pang asawa."
"I mean, ikaw ba? Wala ka bang plano? Ayaw mo bang malagay sa tahimik?"
Mapait siyang ngumiti. "Bakit ikaw ba? Bakit wala ka pang boyfriend o asawa?"
"Dahil marami pa akong gustong gawin at may importante akong gagawin. Wala pa sa isip ko iyan--teka nga, bakit napunta sa akin ang usapan na ito?"
He chuckled. "Eh di quits lang tayo."
Inirapan ko siya at muli nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Try mo kaya manligaw, ano? Maraming nagkakandarapa sa iyo."
"Kung manliligaw ba ako, hindi na siya busy?"
"Huh?"
"Kung pwede lang sabihin na pansinin naman niya ako, kaso mukhang malabo kasi busy siya..."