bc

Traitor Hearts (Tagalog/Filipino)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
8.7K
READ
like
intro-logo
Blurb

Sweetness & Possession Series #7 :

May mabigat na dahilan kung bakit pinili ni Jaycelle na magtrabaho sa mga Hochengco.

Iyon ay para makamit niya ang katarungan sa pagkamatay ng kaniyang lolo na nagpalaki sa kaniya simulang sanggol palang siya.

Pero papaano kung hindi katarungan ang nahanap niya? Papaano kung pag-ibig ang magiging hadlang sa kaniyang misyon?

chap-preview
Free preview
prologue
Masaya akong naglalaro ng barbie doll sa malapad na balkonahe ng aming bahay. Sa totoo lang ay pagmamay-ari ito ng lolo ko. Ang ama ng aking ina. Sobrang bait ni lolo Igor. Madalas na tawag sa kaniya, Don Igor. Ang pamilya namin ay mga Tornatras (Spanish-Filipino-Chinese ancestry). Si lolo ay Spanish-Filipino at ang lola ko naman ay Tsinay. Kahit na mahirap ang tatay ko, okay lang sa kaniya, basta ang gusto lang daw niya makita lang masaya ang nanay ko. Unfortunately, I lost both of them. Sa litrato ko lang sila nakita dahil bago man daw ako ipinanganak ay namatay ang tatay ko sa dahil daw sa ligaw na bala, habang ang nanay ko naman ay namatay sa pagkatapos niya akong ipinanganak. Kahit na ganoon ay maswerte pa rin ako. Dahil si lolo Igor ang nagsisilbing magulang ko. Kung anuman daw ang gugustuhin ko ay maibibigay niya para lang daw mapasaya niya ako. Ang sabi pa niya, kamukhang kamukha ko daw si mama, daig pa daw na photocopy niya daw ako. Kung ano man ang namana ko sa tatay ko. Iyon ay pagiging sincere ko daw. Ewan ko, 'yon lang naman ang naririnig ko madalas sa kaniya, eh. Tumigil ako sa paglalaro nang napansin ko na may paparating na sasakyan ng mga pulis. Tumuwid ako ng tayo at nakita ko na may lumabas doon an dalawang pulis sa sasakyan. Sinundan ko 'yon ng tingin. Sinalubong sila ng isa sa mga kasambahay dito sa mansyon. Nag-usap saglit at pinapasok ng kasambahay ang mga bisita. Dahil sa kuryusidad ay umalis ako sa balkonahe saka pumasok sa loob para makababa. Maingat akong bumaba, ngunit maririnig ko pa rin ang mga boses nila. Yumuko pa ako para makita ko sila pero hindi nila ako mahahalata. Kita ko na sinalubong sila ni tita Vera, ang panganay na kapatid ng nanay ko. Dalawa lang sila magkapatid. They can describe tita Vera as an elegant woman. May isa din siyang anak ngunit nasa Maynila ito nag-aaral, kasama ang asawa ni tita dahil naroon ang kanilang negosyo. Kasing edad ko lang din. "Oh, inspector... Hindi ko inaasahan ang pagdating ninyo. Ano po bang maipaglilingkod ko?" malapad na ngiti ni tita Vera nang batiin niya ang mga bagong dating. Tumikhim si Inspector. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan na tingin ko ay hindi maganda ang hatid niyang balita. May dinukot siya mula sa kaniyang leather jacket. Nakasupot iyon. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang bagay na paniguradong pagmamay-ari ng lol Igor ko—ang kaniyang relo na yari sa ginto! Ngunit, papaano napunta sa kaniya iyon? Tahimik niyang inabot ang relo kay tita Vera. Maski si tita ay nagtataka. "A-anong ibig sabihin nito?" halos mabasag na ang kaniyang boses nang sambitin niya ang mga salita na 'yon. Bago man sumagot si Inspector ay kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Ngkaroon ng ambush, malapit sa boarder papuntang Sta. Elena. Lima ang namatay Isa doon si Don Igor sa mga namatay—" "A-ano?!" bulalas ni tita Vera, habang ako naman ay natigilan. Kasabay na nanginginig ang pang-ibabang labi ko. Parang naninikip ang dibdib ko na kulang nalang ay hindi na makahinga sa isang nakakabiglang balita. Wala na si lolo Igor? Ang tinuturing kong magulang mula noong isinilang ako hanggang sa namulat ako sa mundong ibabaw... Biglang hinawakan ni tita Vera ang damit ni Inspector. Bumuhos ang kaniyang luha. "Hindi totoo 'yan! Sino ang pumatay kay papa?! Sabihin mo..." nanghihina niyang sabi may halong galit at poot 'yon. Seryoso itong tumingin sa kaniya. "Hindi namin masabi kung sino talaga ang utak sa pagkapaslang kay Don Igor. Pero alam mo naman kung ano ang ugnayan ninyo sa pamilyang Hochengco, hindi ba?" Doon ay natigilan si tita Vera. Kung kanina ay galit na galit siya, kusa iyon nawala sa parang bula nang banggitin ang salitang Hochengco. Bumaling siya sa isa sa mga kasambahay. "Nasaan si Jaycelle? Papuntahin mo dito." matigas siyang utos dito. "N-nasa balkonahe po, ma'm Vera... Naglalaro po." Bago man siya ulit kausapin ni tita ay may sinabi siya sa mga pulis. Sinasabi niya na susunod siya sa purenarya kung nasaan ang katawna ni lolo. Nagpaalam din siya sa mga bisita. Bago man ako tawagin ng katulong ay nagpakita ako, hawak-hawak ko pa rin ang aking laruan. "Tita, g-gusto ko pong makita si... Lolo..." hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaluha sa harap nila. Matigas na ekspresyon sa mukha ang iginawad sa akin si tita. Mabibigat na hakbang ang pinakawalan niya hanggang sa naabutan niya ako. Marahas niyang hinigit ang isa kong braso, napadaing ako dahil sa sakit... na tila bumabaon ang mga kuko niya sa balat ko. "At sinong may sabi sa iyong sumama ka sa akin para makita ang papa, ha?!" bigla niyang bulyaw sa akin. Sige pa rin ang pagtangis ko. Hindi pa siya kuntento, buhok ko naman ang kaniyang hinawakan. "T-tama na po, t-tita..." Tila bingi siya, ayaw niya pakinggan ang pakiusap ko. Hinila niya ako hanggang sa napadpad kami sa garahe ng mansyon. Walang sabi na tumilapon ako sa cementadong sahig. "D'yos ko po, Jaycelle!" bulalas ni Aling Purita, ang nanay-nanayan ko dito sa mansyon. Hinarap siya ni tita sabay dinuro niya iyon. "Subukan mong lapitan at tulungan ang batang ito, sinasabi ko sa iyo, isang pitik ko lang, mawawalan na kayo ng trabaho dito at papalayasin ko kayo dito sa hacienda!" singhal niya. Inilapat niya sa akin ang kaniyang tingin. Nilapitan niya ako't hinila niya ulit ang buhok ko kaya umangat ang tingin ko. Pero nasa kaniya ang tingin ko kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. "Kasalan ng walang kwenta mong mga magulang ito! Kung pumayag noon si Anica na pakasalan ang isa sa mga Hochengco noon, eh di sana wala na kaming poproblemahin! At ikaw... Anak ka ng hampas lupa mong ama! Ang dapat sa iyo, mawala! Salot ka sa pamilyang ito! Salooot!" pagkatapos ay kinakaladkad niya ako habang nakahiga dito sa daan. Walang humpay ang pag-iyak ko. Humihingi na ako ng tulong kay Aling Purita pero tulad ko ay iyak din ang tangi niyang magagawa. "Huwag na huwag ninyong hahayaan na bumalik ang batang iyan dito sa Hacienda! Sa oras na malaman ko na kinupkop ninyo 'yan, sinasabi ko sa inyo, hinding hindi na rin kayo makakatapak pa sa Hacienda de Capeda! Maliwanag!?" utos niya sa mga guard at iilang tauhan. Gabi na. Halos wala na akong makita dahil sa dilim. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Medyo malayo na ako sa Hacienda. Nagiging malamig na ang hangin sa paligid. Pinaghalong kaba at takot sa aking dibdib. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Kung sino ang pupuntahan ko. Hindi naman pwede sa mga tauhan ni Lolo dahil pati sa kanila, magagalit si tita Vera, dahil baka sa akin ay mawawalan na sila ng tirahan. Tumigil ako sa paglalakad nang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Bumaling ako para tingnan kung sino ang nasa loob n'on. Kusang bumababa ang salamin ng bintana. Tumambad sa akin ang may-edad na babae. Sa hitsura palang niya, ay mayaman ito dahil sa kaniyang kasuotan. Parang sa tindig palang niya ay makapangyarihan siyang babae na tipong isang sabi niya lang ay masusunod na. May lumapit na isang lalaki sa pinto at pinagbuksan niya ang babae. Lumabas ito at humakbang palapit sa akin. Mahinhin siyang yumuko para maging magkalebel kami. "Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras, iha?" malumanay niyang tanong sa akin. Yumuko ako. "Hindi ko po alam kung saan po ako pupunta ngayon... Ayaw na po sa akin ng tita ko... S-salot daw po ako..." hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang magsumbong sa kaniya sa gayon ay hindi ko naman siya kilala. Ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok na magulo na ang pagkatirintas. "Pero hindi naman ganoon ang tingin ko sa iyo. Gusto mo bang sumama sa akin?" Hindi ako agad makasagot. "Huwag kang mag-alala. Kung ayaw na sa iyo ng tiyahin mo. Narito ako para ampunin ka. Ayos lang ba sa iyo?" Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili kong maiyak. Pero bigo ako. Bigla kong niyakap ang babae at humikbi. Ramdam ko ang kaniyang mainit na palad sa aking likuran para aluhin ako. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bahagya akong bumangon saka kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Napagtanot ko na nasa sasakyan pa rin kami at nakatulog ako sa kandungan ng babae na gustong kumupkop sa akin! "Nakatulog ka dahil sa pagod, iha." nakangiting usal niya. "Ano bang pangalan mo?" "J-Jaycelle po..." mahina kong tugon. "Ang pangalan ko ay Eufemia... Eufemia Hochengco. Hayaan mo, magiging kabilang ka din sa pamilya ko..." Hindi ko na nasundan ang mga susunod niyang sinasabi dahil sa natigilan ako. S-siya ay isang Hochengco?! Ang tinutukoy ni tita Vera...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
386.7K
bc

The Professor's Wife

read
454.7K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
279.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
832.3K
bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
508.9K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook