Chapter- 6

2249 Words
“WHAT is this, Cleo? Magpaliwanag ka! Is that true? At sino ang lalaking malakas ang loob na gawin sa ’yo ang bagay na ’yon?! At bakit hindi mo sinasabi sa akin!” Parang kulog ang boses ng ama ni Cleo dahil sa sobrang lakas. Gustuhin man niyang mangatwiran pero lalo lang itong magagalit. Hinayaan niya na matapos ito sa kasesermon. Saka na lang niya ipapaliwanag ang mga nangyari. “Sino ang lalaking iyon?” “Hindi ko kilala, Papa.” “Bakit hinayaan mong mangyari ang bagay na ’yon? You’re a fighter pero hindi mo nagawa na ipagtanggol ang sarili mo! Now get out of my sight! Estupida!” Gusto niyang magprotesta sa ama pero alam niyang hindi rin ito makikinig sa kanya. Tinalikuran na lang niya ito at umakyat sa sariling room. Kahit kailan talaga hindi siya mananalo sa ama. Ang inaalala niya ngayon ay ang maaaring gawing hakbang ng kanyang papa. Sigurado siya na kung hindi mapapatay ang lalaking iyon ay bugbog-sarado naman ito. Hindi ang klase ng kanyang ama ang mananahimik lang. Kung hindi siya kikilos nang maaga ay sigurado siyang may kalalagyan ang lalaking iyon. “Ma’am!” Malakas ang boses ng nasa labas ng pinto. Agad niyang binuksan iyon nang mabosesan kung sino ang nasa labas. “Ano’ng nangyari?” “Ang mga tauhan ng papa ninyo ay patungo sa isla. Alam na nila kung nasaan ang lalaki.” “Linawin mo at hindi ko maintindihan!” iritado niyang angil sa kanilang tauhan. “’Yong lalaki sa bayan ang sinasabi ko, ma’am. Narinig ko na ipinaliligpit na ng papa mo.” “Sh*t! Come with me at kailangang makaalis agad tayo.” “Yes, ma’am.” *** SA isla ay walang-kaalam-alam si JB na nasa panganib na ang kanyang buhay. Ang ipinadala sa kanya ng tatlong pinsan ay ang pinakamagaling na SEAL, nakapuwesto ang mga ito sa tamang lugar. Lima lang iyon pero ang katumbas naman nila ay isandaang kalalakihan. “Who are you? At ano’ng ginagawa mo dito sa lugar na ito? Isang maling hakbang at sasabog ang ulo mo!” sambit kay Cleo ng isa sa mga ipinadalang tauhan kay JB nang makita siya nito sa isla. “I need to talk to the man na may kulay gray na mga mata. This is an emergency at wala nang oras magpaliwanag!” sambit ni Cleo. “Stop talking nonsense! Pakawala ka ba ng mayor para mag-spy?” “Jerk!” Nawalan na siya ng pasensiya sa lalaki kaya binigyan niya ito ng magkakasunod na sipa. Hindi nito inasahan ang pag-atake niya kaya tinamaan ito sa panga. Hindi pa man siya nakalalayo nang magkakasunod na sipa naman ang inabot niya sa lalaki. Masyado itong malakas kaya medyo nahirapan siyang huminga. “Enough! Wala akong masamang balak! Narito ako para sa kaligtasan ng lalaking sinasabi ko!” “Patawa ka! Lumang istilo na ’yan!” Binunot ng lalaki ang posas na nasa kaliwang baywang at inihagis sa kanya. “Isuot mo ’yan or else, sasabog ang bungo mo!” “Tarantado ka pala, eh!” Kinabahan si Cleo nang mamataan sa laot ang parating na mga speedboat. Imbes na isuot ang posas ay inihagis niya iyon pabalik sa nabubuwisit na lalaki. “Doon mo isuot ang posas mo!” Sabay turo niya sa karagatan. Gano’n na lang ang gulat ng lalaki nang malapit na sa dalampasigan ang mga armadong kalalakihan. Dinukot ng lalaki sa bulsa ang radyo. Matapos magbigay ng signal sa mga kasamahan ay mabilis ang kilos na nawala ito. Halos liparin ni Cleo ang daan patungo sa malaking bahay. Agad siyang tumalilis at inakyat ang mataas na punong nag-uugnay sa kabilang bakod ng bahay. Kung tama ang kanyang hinala, ang kuwartong naroon ang pakay ng mga tauhan ng kanyang ama. Pumasok si Cleo sa kuwarto, nakita niya sa ’di-kalayuan na malapit na ang kanyang ama kasama ang mga tauhan nito. Sa banyo ay pakanta-kanta pa si JB habang naliligo, hindi alam na napasok na ang kuwarto niya ng ibang tao. Pinasok ni Cleo ang loob ng banyo, hindi inaasahang hindi naka-lock ang pinto nito. “What the hell!” Mabilis na inalis ni Cleo ang kanyang bonnet at halos hindi makatingin sa hubad na lalaki. “Ikaw?” Magsasalita pa sana siya nang makarinig sila ng mga putok ng baril. Nilundag niya ang binata at sabay silang bumagsak sa tiles. “Hurry!” Sabay hila sa nabiglang lalaki. Dalawang magkasunod na putok pa ang umalingawngaw kaya napapikit si JB. “Halika na! Bilis!” Hindi malaman ni JB kung susunod ba siya sa utos ng babae. Sinong matinong lalaki ang lalabas nang hubo’t hubad? “Saan mo ba ako dadalhin? At sino ang mga iyon? Ikaw, papaano ka nakapasok dito?” Isang boxer shorts at towel ang namataan ni Cleo at hinila iyon. “Use these!” Sabay bato niya sa mukha ni JB. “Your life is in danger kaya dapat na makalabas tayo dito! Mga tauhan ni Mayor ang mga ’yon!” “So, bakit mo ako ililigtas? Hindi ba ama mo ’yon?” “Y-Yeah. Pero please makinig ka, we need to go now or else, pareho tayong paglalamayan.” Hindi na nagtanong pa si JB, ang mahalaga ay makaligtas sila sa mga demonyong tauhan ng mayor. Ang nakalilito lang ay bakit siya tinutulungan ng babaeng ito. “Stop!” malakas na sigaw ni Cleo na ikinatigil niya sa paghakbang. Halos mapasubsob siya sa likuran nito. “Umalis ka riyan, Cleo!” sigaw ng mayor. “No, Papa! Huwag mong gawin ’yan, pakiusap.” “Kunin ang senyorita ninyo at ilayo sa lalaking ’yan!” Mabilis na nakalapit sa kanila ang apat na lalaki at agad nilang nahawakan si Cleo, pilit inilalayo sa naguguluhan pa ring si Jb. Sa isang iglap ay natutukan siya ng baril sa ulo ng mga armadong lalaki. “Ano ba’ng kailangan ninyo sa akin?!” tanong ni JB. “Aba, matapang ka, bata. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo mamaya.” “Pera ba? Magkano ang kailangan mo! Name your price, Mayor!” Sa halip na sagutin siya ay malakas na palo ng baril nito ang tumama sa kanyang ulo. “Dalhin ’yang gag*ng ’yan!” “Pagsisisihan ninyo ang lahat ng ito!” “May sinasabi ka?” Nagtaka si JB kung bakit ni isang tauhan niya ay wala. Pakaladkad siyang nadala ng mga tao ni Mayor sa dalampasigan. Kung hindi siya makakawala sa mga ito, baka nga hindi na siya makabalik nang buhay. Ngayon niya naaalala ang kanyang mga panaginip at hindi niya maiwasang kilabutan. “Ano ba! Let me go!” Boses ng babae ang nakapagpalingon kay JB. Nagkatitigan sila nito at parang may gusto itong sabihin sa kanya. Pagdating nila sa tatlong speedboat ay mabilis siyang nag-isip. Minsan pa niyang sinulyapan ang babae sa kabilang speedboat habang paakyat ito doon. Kahit nakatali ang magkabilang kamay ay sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis siyang tumalon at sumisid sa kailaliman kahit hirap siya sa paggalaw. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang katawan pero binalewala niya iyon. Ang mahalaga ay makalayo siya sa mga ito. Ilang minuto pa siyang nagpatuloy sa paglangoy hanggang sa makaramdam siya ng panghihina. Naramdaman niyang may humila sa kanya. *** “DAVE!” Halos umalingawngaw ang boses ni Lander sa mansiyon. “Uncle, napasugod ka. Ano po ang problema?” “Pinagkatiwala ko sa ’yo ang pinsan mo pero ano’ng ginawa mo?! Nagpadala ka ng mga traydor!” “A-Ano’ng sinasabi mo, Uncle?” “Tumawag ang isang tao na ipinadala mong protector ni JB pero bumaliktad ang tatlo! Ang huling balita ay nakagapos na tumalon ng speedboat ang anak ko at pinaulanan ng bala!” Halos manginig si Dave sa sobrang galit. Tinawagan agad niya ang kaibigan niya. “I will kill all of you and your whole family ’pag may masamang nangyari sa pinsan ko!” “Kumikilos na ang mga tauhan ko, give me a little time.” “Siguraduhin mo!” *** MATAPOS masagip ni Cleo si JB, sa ilalim ng tubig ay sinikap na madala sa pangpang. “Hold on, malapit na tayo. Huwag kang pipikit, pakiusap.” Hirap na hirap si Cleo habang nakaalalay sa nanghihinang si JB. Sobrang bigat nito dahil sa napakalaking tao nito ngunit hindi niya iyon alintana. Kailangang marating nila ang lugar na maaari nilang pagtaguan. “I-Iwan mo na a-ako.” “No! Hindi kita iiwan kaya lakasan mo ang loob mo at piliting makalakad.” Pinipilit lang ni Cleo na lakasan ang loob kahit halos manlumo na siya sa takot at pangamba. Ang katawan ng kasama niya ay halos maligo na sa sariling dugo. May tatlong tama ito ng bala sa katawan na patuloy sa pagdurugo. Isang kuweba ang namataan niya sa loob ng gubat at agad silang pumasok doon. Inihiga niya ang lalaki sa isang malapad na bato. Halos ’di na ito gumagalaw, puro daing na lang ang maririnig dito. Mabilis ang naging galaw niya. Kailangan makahanap siya ng paraan para mapatigil ang pagdurugo ng mga sugat nito. Nakakita siya ng punong bayabas sa labas ng kuweba at kumuha ng napakaraming dahon nito. Bumalik siya sa loob ng kuweba, kumuha ng bato at saka pinunit ang sariling damit. Binalot niya ng telang mula sa kanyang damit ang ilang pirasong dahon saka pinukpok iyon ng bato. Hinugot niya ang naitago niyang Swiss knife at pinunit ang T-shirt ng lalaki. Walang alinlangan niyang hiniwa ang mga sugat nito. Umungol si JB sa sakit. Hindi naman masyadong malalim ang mga bala kaya agad niyang naalis ang mga ’yon. Ngayon lang niya napagtuunan ng pansin na tanging boxer shorts lang ang suot nito. Hinubad niya ang kanyang suot na hoody jacket at ipinatong sa hubad na katawan ng binata. Palaisipan kay Cleo ang lalaking nakahiga sa malapad na bato. Last week nang una niya itong maka-encounter at noon lang niya nakita ang mukha nito sa bayan. Dahil sa pagiging arogante ay ito ang napala niya. Kahit kailan talaga walang-awa ang kanyang ama. Ngayon na sumuway siya sa mayor, sigurado siyang nadagdagan pa lalo ang galit nito. Sa pagkakatitig sa lalaki ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang kabuuan ng kahubaran nito. Mabilis ang naging pagdaloy ng kuryente sa kanyang kaibuturan. Unang beses niyang makaramdam ng ganito. Siguro dahil sa nahalikan na siya nito at nayapos nito ang kanyang katawan? Pero nakailang boyfriend na siya at hindi siya affected sa mga iyon. Ilang beses na rin siyang nahalikan at halos madala na siya sa kama ng mga naunang boyfriend pero kusa siyang bumibitiw. Ang isang ito ay parang may magnet sa katawan na gusto siyang higupin papalapit. Ang kakaibang halik nito noong nakaraang linggo ay hindi niya makalimutan. Kaya nga nanatiling lihim iyon sa ama, dangan lang at talagang malakas ang tsismis sa kanilang bayan. Sa sobrang pagod ay nakatulog si Cleo sa pagkakasandal sa bato. Si JB nama’y nagising bandang madaling-araw, nanginginig ang katawan dahil sa kirot at lamig. Sinikap niyang dumilat pero wala siyang makita sa sobrang dilim. Kinapa niya ang kanyang gilid at doon lang niya naalala ang buong pangyayari. Pinilit niyang bumangon at mangapa nang hindi sinasadyang may mahawakan siyang mainit at malambot na bagay. “M-Miss, ikaw ba ’yan?” Pero hindi ito umimik. Dahil sobrang lamig ng pakiramdam niya ay hindi na siya nag-isip pa. Yumakap siya sa katawan nito at sumiksik pa hanggang makaramdam ng ginahawa. Maliwanang na nang magdilat ng mga mata si Cleo at halos maitulak niya ang lalaki dahil sa kakaibang init na dumadaloy sa kanyang katawan. “M-Miss?” “Ahm, k-kumusta ang pakiramdam mo?” Halos panginigan siya ng boses at nag-iinit ang kanyang mukha. “Masakit pa ang mga sugat ko. Salamat pala sa pagligtas mo sa ’kin.” “Sagutin mo lang ang mga itatanong ko sa iyo at kwits na tayo.” “A-Ano ba ’yon?” “Sino ka? I mean, ngayon lang kita nakita sa bayan,” “Taga-Maynila ako at nagbabakasyon lang dito.” “Your identity?” “Call me JB.” “May pamilya ka ba? I mean, asawa, parents?” “I’m single and my parents are also in Manila.” “Ahm, ’pag kaya mo nang maglakad ay aalis na tayo dito. I’m sure pinaghahanap na tayo ng mga tauhan ni P-Papa.” “Bakit mo pala ako tinulungan?” “Hindi ko din alam. Sabihin mo sa akin kung may masakit pa ba sa ’yo.” “Kaya ko naman na ang sakit, pero nagugutom ako.” “Sorry, wala akong maibibigay na pagkain sa ’yo. Mamaya ’pag tumigil ang ulan ay aalis na tayo. Kailangan mong madala sa ospital dahil baka maimpeksiyon ang mga sugat mo.” “I need a phone.” “Nabasa ang phone ko at hindi ko pa nasubukan buksan kung gumagana pa.” Dinampot ni Cleo ang body bag niya at inilabas ang kanyang waterproof na cell phone. Sana lang hindi niya nakalimutang isara ang cover ng battery. Ini-on niya iyon at nakahinga nang maluwag nang bumukas iyon. “Here.” Agad tinawagan ni JB ang numero sa mansiyon. “D-Dad.” “JB, anak, nasaan ka? Are you okay? Ibigay mo ang address mo at darating agad kami diyan.” “Sorry, Dad, pero hindi ko alam ang lugar na ’to. But maybe you can trace this phone using GPS.” Tahimik lang na nakikinig ang babae na nakasandal sa bato. “Here’s your phone. Maaari bang i-open ang GPS mo?” “Y-Yeah, sure.” “Thanks.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD