Episode 48

1252 Words

Simula ng malaman namin na kambal ang nasa tiyan ko ay walang tigil na akong sinesermunan ni Tine na huwag na akong masyadong magkikilos sa bahay at siya na ang bahala sa lahat. Kahit malapit lang naman ang karinderya kung saan siya naghuhugas ng plato ay nakakapagod din naman ang tumatakbo siya palagi para lang silipin kung ano ang kalagayan ko at ni Doña Dorina. Ako ang napapagod sa ginagawa niya sa araw-araw. Pinilit ko ulit siya na tumigil na sa kanyang trabaho at may ginagastos naman kami sa araw-araw ay hindi ko pa rin siya napapayag. Ang pera ko raw ay ilaan ko sa aking panganganak at sa mga kailangan ng kambal kapag nailuwal ko na sila. Hanggat kaya niya raw na magtrabaho ay hindi siya titigil. Sayang daw ang kita niya sa pagiging dishwasher. "Sinasabi ko sayo, Ana Joy. Huwag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD