Matapos iabot sa kaniya ni Aryanna ang kaniyang drink at burger ay lumabas na ito roon. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumalik sa upuan niya. Hindi niya maiwasang makangisi sa ginawa nito. Mantakin ba niyang tinakbo nito mula building nila hanggang sa kanto kung saan naroroon ang pinakamalapit na fastfood na iyon sa kanila. Marami pang dapat matutunan nito sa klase ng trabaho nito. Hindi maaaring bawat utos rito ay kailangan pa niyang isa-isahin para lubos nitong maunawaan. "Mr. Montecalvo, masuwerte ka at matagal na kami sa inyong kompaniya at kilala ko ang iyong ama. Kami ang kasama niya noong papausbong pa lang ang MFE kaya hindi kami mabilis na bumitaw pero sana nga ay tuparin mo ang pangako mo. Isang buwan lang ang kong ibigay," turan ni Mr. Tamayo. "Makakaasa ka Mr. Tamayo a