“B-Bakit? I mean, saan tayo pupunta?” Bahagyang natigilan si Matthew nang lingunin muli ang dalagang si Josephine. Hindi niya mawari kung gulat ba o pagkamangha ang nakapinta sa mukha nito. Basta’t ang alam niya lang, nakaramdam siya ng kaunting pagka-ilang. He scoffed and secretly gained his posture back. “Saan pa ba? Hindi ba magkikita kayo ngayon ni Natasha?” maagap na saad niya. Nang makita niya ang pagtango nito’y kaagad siyang umiwas ng tingin. There was a rising tension between them that he can’t explain. “Mauna muna kami, Tine. Babalik na lang ako mamaya,” paalam nito kay Celestine. “Sure, sure. Have fun, Jho-jho bear.” Hindi na binigyang pansin ng binatang abogado ang malisyosong tinig nito. Sa halip, tumalikod na lamang siya at humakbang na palabas ng opisina. Habang na