Silang lahat ay kapwa natigilan at hindi malaman kung sino ang mauunang magsalita. Kapwa nagpapakiramdaman hanggang magsalita na si Manang Belin. "Hijo, kumusta naman ang Mama at Papa mo? Matagal-tagal din akong hindi nakakapunta sa inyo?" turan nito upang basagin ang katahimikan sa paligid. Nahalata yata nito ang tensyong namamayani sa kanilang lahat. "Ah, okay naman po,” tugon sa tanong ng matandang kaharap. Nakitang ngumiti ito. “Mabuti naman kung ganoon," anito na tila mapuputol na naman ang usapan kaya muli siyang nagsalita upang mawala ang awkwardness sa paligid. "Pwede niyo pong isama si Miles kung gusto niya," agap na wika. Sabay bundol sa siko ang kaibigang si Craig na tahimik sa tabi habang sarap na sarap sa kinakaing saging. "Aray!" ‘Di napigilang palahaw nito sa pagtama ng