Chapter 2: Unexpected Encounter

1657 Words
Halos isang linggo na si Miles sa probensiyang iyon. Bagot na bagot na siya at ilang araw na rin niyang sinusubaybayan si Sebastia Artajo o mas kilala sa pangalang Sebby. Sa totoo lang, sa ilang araw na pagsunod-sunod rito ay wala naman itong kakaibang kilos. Maging ang magulang nito. Naawa pa nga siya sa ama nito dahil sa kalagayan nito lalo na sa mga kuwento ng kaniyang yaya Belinda tungkol sa pamilya Artajo. Maging ang buong hacienda ng mga ito ay nagawa na rin niyang tignan at wala namang palatandaang may plantation ng halamang pinaghihinalaan nila. Ang hindi na lamang niya napapasok ay ang malawak na mansiyon ng mga Artajo. May possibilidad daw na sa malawak na mansiyon nila ang kulibasyon ng bawal na halaman lalo at walang nakakapasok doon maliban sa kanilang katiwala. "Ya, sa tingin mo gaano kalawak ang mansiyon ng mga Artajo?" wala sa sariling natanong sa kaniyang dating yaya. "Naku anak, hindi ko alam basta alam ko malawak siya,” natatawang sagot nito na tila hindi sineryoso ang tanong niya. Ngunit maya-maya ay tumigil itong tumawa. "Mga tatlong beses siguro sa laki ng bahay ninyo noon,” anito. "Ahhhhh!” aniya saka tumango-tango. Malaki nga ang posibilidad na maaaring sa loob ng mansiyon ng mga ito ang kultibasyon ng hinainalang bawal na gamot. Malaki ang bahay nila noong buhay pa ang mga magulang at kung tatlong laki noon ang mansiyon ng mga Artajo. Tiyak na malaya nilang nagagawa ang nais nila lalo na at moderno na ang panahon ngayon. "Oo, mga tatlo o apat na beses na rin akong nakapasok sa mansiyon nila dahil minsan ay pinapatawag ako ni Misis Carmelita kapag may piging sa kanilang bahay,” ani pa ng kaniyang dating yaya. Ngumiti na lamang siya rito. Ayaw niyang makahalata itong interesado siya sa mga Artajo. Maya-maya ay napahawak ito ng baba na tila ba may naalala. "Pero alam mo anak, sa ilang beses kong pag punta-punta sa bahay ng mga ito. Hindi ko pa nalilibot ang buong mansiyon. Mahigpit kasi nilang pinagbabawal ang pumasok sa dalawang silid sa mansiyon ng mga ito,” saad nito na mas lalong nagbigay tibay sa hinalang nasa isip. 'Maaaring sa mga kuwartong iyon ang cultivating area ng mga ito,' aniya sa isip. "Hoy anak!" Ang bundol sa kaniya ng yaya Belinda niya. "Ya!" turan sa kabiglaan. "Aba! Lumilipad naman ang isip mo. Sabi ko, halina at kakain na tayo. Maaaga tayo matutulog para makapunta tayo sa bukid bukas. Makikigapas tayo sa bukirin ng mga Artajo,” anito sa kaniya. “Pwede ring hindi ka sumama at dumito na lamang. Alam kong hindi ka sanay sa bukid,” giit nito. “Ya, sabi ko naman sa’yo hindi ba? Kaya ko iyan,” aniya rito sabay akbay. Umiling ito. “Oo kaya, malaki na ako. Baril nga kaya ko nang hawakan,” aniya rito. Nakitang napatigil sa sinabi niya. “Ah eh, okay. Kain na tayo ‘ya,” utal-utal na wika saka tumalima. Habang kumakain ay tuon ang isipan sa sinabi ng kaniyang yaya na dalawang silid na mahigpit na pinagbabawal ng mga Artajo na puntahan ng sinuman. Noong nakaraang gabi rin ay nagmanman na siya sa mansiyon ng mga Artajo kaya nakita na niya ang ilang detalye sa mansiyon. Mahirap ang makapasok doon gawa ng malayo sa pinaka-entrance ang mansiyon at idagdag pang may bantay. Nasa ganoong pag-iisip siya nang muling marinig ang sinabi ng kaniyang yaya Belinda. "Anak! Aba, kanina pa ako nagsasalita rito. Tulala ka na naman. Sabi ko, gusto mo pa ba ng kanin?" tanong nito kaya agad siyang napatingin sa kaniyang pinggan at nakitang wala na nga pala siyang kanin. May pagtataka tuloy sa mukha nito. Kanina pa kasi siya nawawala sa sarili. Masyado yata siyang nadadala sa kaniyang misyon. "Opo ‘ya,” aniya na nangingiti rito bago pa ito tuluyang mag-usisa. Baka kasi hindi magawang magsinungaling rito kapag nagkataon. Mabilis nitong nilagyan ang pinggan niya at nang mailapag nito ang lalagyan ng kanin ay muling tumingin ito. Marubdob at tila inaarok ang kaniyang kalooban. "Magsabi ka nga sa akin anak,” anito dahilan para matigilan siya sa pagsubo. Heto na ang kinakatakot niya. “Kaya ka ba pumunta rito dahil may tinataguan kang boyfriend sa Maynila?" tanong nito. Sa narinig ay parang gustong matawa. “Wala ah,” aniya rito. Muling tumitig ito na tila hindi naniniwala. “May nautangan kaya ka napadpad rito?” saad pa nito. Tuluyan siyang tumawa sabay mabilis na umiling rito. Nakitang nanlaki ang mata nito sa susunod nitong sasabihin. “Buntis ka kaya ka naririto?” anito. Napalunok siya sa tanong nito at mabilis sanang tatanggi ngunit hindi pa man niya naibubuka ang bibig ang muli itong nagsalita. "Naku, anak ang mga ganyang bagay hindi iyan tinatakbuhan,” panimula nito. “‘Ya, hindi ako buntis. Wala rin akong pinagkakautangan—” putol nang sumabad ito. “So, tama ang una kung sinabi?” anito na pormal. Naisip niyang huwag nang itama ang maling sapantaha nito para at least iyon na lang ang iisipin nito. Isang pilit na ngiti ang sinukli nito. "Harapin mo anak. Alam kong matapang ka dahil napatunayan ko iyon noong panahong nawawala ang magulang mo. Kaya, pag balik mo sa Maynila dapat ay harapin mo iyan,” anito saka sila nagpatuloy sa pagkain. Pasado alas otso ay nakahiga na sila ng kaniyang yaya Belinda sa papag. Wala itong pamilya dahil hindi na ito nag-asawa at sa munting kubo na iyon ang tanging tahanan nito. Nang marinig niya ang mumunting hilik nito ay maingat siyang bumangon at hinakot ang damit na isusuot para sa misyong ngayong gabi. Sa may kusina na siya nagbihis para hindi ito magambala. Maingat siyang binuksan ang tarangkahan saka tuluyang tinugpa ang daan patungo sa pakay na bahay. Halos bente minutos na lakaran iyon, hingal na hingal siya ng makarating siya sa paroroonan. Mabuti na lamang at may kabilugan ang buwan at maliwanag sa kaniyang daanan. Sa maliit na bayang iyon ay maagang nagsisipagtulugan ang mga tao dahil maaga rin ang trabaho sa bukid. Kaya malaya siyang nakakagalaw ng wala masyadong nakakahalata sa kaniya. Nagpahinga muna siya bago tuluyang pasukin ang mansiyon. May isang guwardiya roon at tatlong kawaksi. Mabilis ang mga paang tinungo ang gilid kung saan may mababang bakod na pwede niyang akyatin na hindi siya masisita ng guwardiya. Nang makaakyat siya sa bakod ay hindi inaasahang mataas pala sa kabila at bigla siyang natakot na tumalon kaya wala siyang nagawa kundi ang humawak sa isang puno at doon padausdos na bumaba. "Ouchhh!” impit na daing daing sa bahagyang pagkakagasgas ng hita. Mabuti at nakapantalon siya at hindi siya nagasgasan. Tahimik na ang kabahayan at nang pihitin ang seradura ng isang maliit na pintuhan sa gilid ay swerteng bumukas iyon dahilan para mapangiti siya. Napadali kasi noon ang pakay. Pagpasok ay naririnig pa niya ang ilang boses na nag-uusap. Mukhang nasa gawi siya ng maids quarter. "Hay naku! Buti na lang talaga at naghiwalay sina Sir at ng Felicity na iyon. Maldita pero kung nakaharap si Sir akala mo kung sinong santa. Sarap ipalapa sa balyena,” tinig ng isang babae. "May tama ka!” maarteng turan pa ng isang tinig. “Saan sa utak o sa puso?” hagikgik na turan ng isa. “Sa utak! Isa kang hangal. Kailan man ay hindi ka magugustuhan ni Sir,” hagalpak pa ng isa. "Shh! Ano ba nanonood ako mamaya na kayo magchismisan,” turan pa ng isang tinig. Napangisi siya. Ngunit kinailangan na umalis roon bago pa siya mahuli ng mga ito. "Hoy! Nasarado ka na ba ng mga pintuhan?" tinig pa ng isa na inutusan ang isang kasamahan. Nabigla siya kaya mabilis at maingat ang hakbang na nagkubli dahil narinig niya ang paghakbang papalapit ng isang kawaksi. “Sinasahi ko na nga ba Aida. Hindi mo pa ito sinasara,” inis na turan ng tinig. “Bakit ako?” sabad ng isa. “Ikaw lang naman ang nagtapon ng basura! Alam mo namang mahigpit na pinag-uutos ni Senyora na siguraduhing nakasara lahat ang pintuhan pagsapit ng alas siyete!” turan pa ng babae. Halos hindi makahinga si Miles sa pinagkukublihan. Para kasing nananadya pa ang babaeng nagsara sa pintuhan dahil hindi pa naalis sa kinatatayuan nito. Mas lalong natulos nang makita ang pagkawak nito sa pinagkukublihang kabinet. Pigil hininga siya dahil tiyak sa lakas ng bunganga nito ay magagambala ang lahat. Baka sa presinto ang bagsak niya kapag nagkataon. Malala pa ay malalaman ng kaniyang yaya Belinda ang pakay doon at tiyak na magdadamdam ito. Nang maramdaman niyang pabalik na ang babae sa silid ng mga ito ay siyang pagtunog ng kung anuman. Bahagyang tumigil ang babae sa pagpasok. “Sh*t!” hindi mapiglang mura sa sarili dahil nabitawan niya kasi ang hawak na jungle knife sa kaba. Tila nagmamasid ang babae. Mabuti na lamanga t hindi nagbukas ito ng ilaw at purong itim ang suot niya. Maya-maya ay may huni ng pusa. Doon ay bahagyang nawala sa focus ang kawaksi at inakalang ang pusa ang may likha sa ingay. “Pesteng pusa ito! Ano na namang ginawa mo,” anito nang tila makita ang pusa. Napangisi na lamang si Miles. “Sorry mamang pusa,” nangingiting bulong at nang tuluyang nakapasok ang kawaksi sa silid at sinara iyon ay mabibilis ang hakbang na pumanaog sa isang silid matapos akyatin ang hagdan na nasa paanan ng maids quarter. Nakita pa roon ang pusa at nang makita siya ay humuni ulit ito. Mas lalong binilisan dahil baka labasin ang mga ito ang pusa kapag naingayan sila hindi nga siya nagkamali dahil narinig niya ang pag-ingit ng pintuhan dahilan para pasukin ang unang pintuhang nakita. Ngunit pagpasok sa silid na iyon ay mas magugulat pala siya sa madadatnan. Nanlalaki ang mata niya ng makita ang isang lalaking palabas sa banyo at nakatapis lang ng tuwalya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kung tatakpan ba niya ang mata o tititigan na lamang ito. Nakitang gulat din ang lalaki pero agad din itong nakabawi at ngumisi sa kaniya. ‘Oh noh! Ang laki,’ aniya sa isipan na sumilip sa siwang ng daliring itinakip sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD