Chapter 1: Trapped By Her Mission

1646 Words
"Gosh! Bakit sa akin nakaatang ang misyong ito?" bulalas ni Miles sa kaniyang kasamahan. As of now kasi ay ayaw niya muna sanang kumuha ng misyon hangga't hindi nareresolba ang kaso ng kaniyang mga magulang. "Gaga! Ayaw mo pa, ang yummy-yummy kaya niyan!" Ang batok ng kaibigang si Alexa. Turo pa nito sa larawan ng kaniyang target. Tama naman ito, guwapo ang nasa portfolio na hawak pero wala siyang balak na karinyuhin ang suspect. Pinaghihinalaan kasi ang lalaking may m*******a plantation ito sa malawak nitong lupain sa Silangang-Kanluran ng Pilipinas. Muli siyang napatingin sa mukha ng lalaki. Prominente iyon, bakas na bakas ang jaw line nito na nagpapatingkad sa pagiging lalaki nito. Makinis ang mukha at malinis manamit dahil isa itong doktor. "Sabi ko na nga ba eh, titig na titig lang 'te?" panghuhuli pa ng kasamahan. Inirapan niya ito. Ayaw niya lang kasi ang mapunta sa probensiya. Ayaw niyang malayo doon lalo pa at naghihintay siya ng resulta sa ginagawang imbestigasyon sa pagkawala ng kaniyang magulang. "Bakit kasi sa akin napunta ito. Si Marasigan? Wala naman siyang subject 'di ba?" turan pa sa isang kasamahan. "Tanungin mo si Super," wika nito ng makitang naiinis talaga siya. "Sinong super?" maang na tanong sabay kunot ng noo. "Si Superman, I mean ang superior natin. Sa'yo binigay eh," anito tukoy sa kanilang boss. "Besides, may surveillance si Marasigan sa mga sindikato ng mga bata. Si Dionisio, may sting operation na kinakasa. Ikaw lang talaga," giit ng kausap. Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Muli siyang tumingin sa impormasyong nasa harapan at muling tumitig sa mukha ng lalaking nasa papel na hawak. Napansin din yata ni Alexa ang ginawang pagtitig sa lalaki na naroroon kaya muli siyang inasar nito. "Naku ha! Baka mainlove ka sa target mo. Mahirap iyan, alam mong suspected drug dealer siya," taas kilay pa nito saka napakagat labi sa nakitang kakisigan ng lalaki dahil hubad baro ito at nakasakay sa isang kabayo. Maya-maya ay napabulalas ito. "Goooosssh! Doktor nga pala siya, babae. Sayang talaga," anito saka napalitan ang kagat labi nito ng iling. Napangisi rin siya. Iba na talaga ang tao, basta pera ang usapan kahit ano ay ginagawa manatili lamang sa itaas. Kinuha niya ang kaniyang ballpen saka binilugan ang mukha ng lalaking nasa larawan. "Dahil sa'yo kaya mapupunta ako sa probensiya kaya humanda ka sa akin," bulong niya pero hindi nakaligtas sa matatalas na pandinig ni Alexa. Tumawa ito. "Ikaw ang humanda dahil baka mahulog ka sa karisma ni Mamang doktor," tawang pang-aasar pa rin nito. "David!" malakas na tawag mula sa pintuhan ng kanilang superior. Agad na napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Boss?!" malakas na tugon rito. Sumenyas lang ang kanilang boss at alam niyang tungkol sa bago niyang misyon ang pag-uusapan nila. Mabilis na tumalima at pumasok sa opisina nito. Paglingon kay Alexa ay nakangisi na ulit ito. "Good luck," anito na hindi alam kung nang-aasar ba ito. Pagpasok ay nakitang nakasandig ang hepe nila sa upuan nito. Alumpihit siyang umupo sa harap ng desk nito. "Nabasa mo naman na siguro ang misyon mo!" walang ngiting wika ng kanilang boss ng makaupo siya sa harap ng mesa nito. "Yes boss." "Good. You're leaving tomorrow morning. We track down na taga doon ang iyong yaya noong bata ka pa," seryosong wika nito. Napalunok siya. Doon niya lang naalala ang kaniyang yaya Belinda. Limang taon na rin silang hindi nagkikita nito. "Tinawagan na namin siya kahapon at tuwang-tuwa ito ng ibalita naming magbabakasyon ka roon," dugtong pa nito. Napatingin siya sa kanilang boss. Napansin siguro nito ang pagtitig rito. "You know me. Pulido ako gumawa at inaalam ko ang bawat target. Sa ating propesyon kailangan nating maging maparaan. I'm making things easy for you. Don't fail me David. Isa lang ang gusto ko. Ang malaman ang kinalaman ng mga Artajo sa m*******a plantation na bulong-bulungan sa kanilang lugar," matiim na wika nito sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang misyon. Nang banggitin kasi nito ang yaya Belinda niya ay bigla itong na-miss. Paraan na rin siguro upang mabisita ang naging pangalawang magulang niya. Bumuntong-hininga muna siya saka sumagot rito. "Makakaasa ka boss," aniya saka nagpaalam na rito. Hawak ang impormasyon ay lilisanin na niya ang opisina nito. Pabukas na siya ng pintuhan ng magsalita ito. "I don't want you to trapped by his charm. Mission is mission. Don't mess around David," matiim ngunit may babalang tinig nito. "Yes boss!" tugon saka tuluyang umalis. Wala siyang balak umibig sa isang hudlum. "Dude, saan ka pupunta? Nagsisimula pa lamang ng gabi," habol ng kaibigang si Craig sa kaniya ng makitang paalis na siya sa bar na kinaroroonan nila. Isang high-end bar iyon sa kanilang lugar. Mabilis na nilingon ang kaibigan na agad naman nitong kinatahimik. Craig knows when he was upset. Alam naman niyang gusto lang siyang pasayahin nito dahil sa pinagdadaanan niya gawa ng pakikipag-break ni Felicity sa kaniya. "I'm so sorry dude pero wala ako sa mode para mag-party at mas lalong wala ako sa mood makipagkilala sa mga babaeng nais mong ireto. I know that you just want to help me but no thank you dude. I'm going," anito saka nilisan na ang lugar. Hindi na rin siya sinundan ni Craig dahil kilala siya nito. Mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya pauwi sa kanilang bahay. Wala siya sa mood magsaya. Habang papasok sa loob ng hacienda nila ay nakita niya ang daan patungo sa batis na lagi niyang tinatambayan noong bata pa siya. Napangiti siya at mabilis na bumaba sa sasakyan at nagsimulang maglakad upang tunguhin iyon. Mabuti na lamang at full moon. Maliwanag ang buong paligid. Ilang hakbang na lamang niya ay mararating na niya ang batis. Dinig na niya ang lagaslas mula roon kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang tuluyang tumambad ang batis sa kaniyang paningin. Nang-iengganiyo ang malamig nitong tubig kaya walang anu-ano ay hinubad lahat ang saplot saka tila batang nag-dive sa tubig. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Hindi naman siya nasaktan sa pang-iiwan ni Felicity sa kaniya. Nasaktan lamang siya sa mga sinabi nito lalo na tungkol sa kaniyang pinakakatagong sekreto. Maging siya ay naiinis na rin sa sarili. Nang maramdaman ang panginginig ng buong katawan ay mabilis siyang tumayo at tinungo ang mga hinubad na saplot. Halos hindi niya maisuot ang mga saplot ng tumindi pa ang panginginig niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hablutin ang tinatagong sigarilyo sa bulsa at agad na nagsindi. Tila tatalsik pa ito habang hinihithit hanggang humupa ang panginginig ng buong katawan nito. Napaupo siya sa batuhan ng tuluyang humupa ang panginginig ng buong katawan niya. Sinapo ang ulo saka impit na umiyak. Ang lalaking hinahangaan ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng ilang kabaro ay may kahinaan din. Karamdamang tila parusa sa kaniya. Sa kabila ng lahat ng taglay na magagandang katangian, propesyong nagtataas sa kaniya at karangyaan pero hindi nito magawang pawiin ang karamdamang meron siya. "s**t!" bulalas sa kawalan saka napatayo at tinayo ang luha sa kaniyang mga mata. Matapos ang ilang araw na pangungulit ng kaibigan sa kaniya ay napapayag na rin siya nito. Napangiti siya ng mabasa ang huling text ng kaibigan sa kaniya. "Craig talaga!" aniya sa kawalan. Katatapos niya lang umikot sa buong hacienda nila. Sa sala ay naroroon ang kaniyang Mama at matiyagang inaalagahan ang kaniyang papa. "Anak, mabuti naman at nandito ka na," bungad ng ina na nakangiti. "Bakit 'Ma, may kailangan po ba kayo?" agad na tanong sa ina dahil halatang masaya ito. "Wala naman anak, masaya lamang ako dahil sa wakas ay lumabas ka na rin sa kuwarto mo at nagagawa ang dati mong mga ginagawa," anito na nakangiti pa rin. Ngumiti na rin siya sa ina at inakbayan ito. Tumingin sa amang nasa wheel chair at nakangiti rin ito. "Sige na anak at magbihis ka muna at mamaya ay kakain na tayo ng hapunan. Huwag ka munang maliligo at galing ka sa bukid at baka ma-pasma ka," paalala pa ng ina na kinangiti niya. "Ma, doktor kaya itong anak ninyo," paaalala rito. "I know pero minsan kasi kahit doktor ka nagkakasakit ka rin kaya huwag ka nang kokontra sa Mama ha," paglalambing nito kaya muli siyang napangiti rito. Wala siyang nagawa kundi sundin ang ina. Umakyat lang siya sa silid at nagpalit ng pambahay saka bumaba upang saluhan ang magulang sa pagkain. Hindi niya maiwasang mapatingin sa tuwing pupunasan ng ina ang labi ng kaniyang ama. Naparalisa kasi ang ama gawa ng pangatlong atake rito idagdag pa ang sakit na namana rito. Naisip tuloy niya na sana makahanap siya ng babaeng katulad ng Mama niya na tatanggap sa kaniyang lihim na karamdaman. Matapos ng gabihan nilang pamilya ay pumanhik na siya sa kaniyang silid ng muling makatanggap ng mensahe mula sa kaibigan. Dude, be nice to her. Promise mag-eenjoy ka! She's on her way. Basa sa text ng kaibigan na nagpailing na lamang sa kaniya. Dalawang linggo na rin silang wala ni Felicity at dalawang buwan na rin siyang tingga kaya kahit papaano ay nanabik siya pero isa sa kabilin-bilinan kay Craig na kung magbibigay ito ng babae ay dapat ay malinis. Craig is a doctor too kaya very precautious din ito. Nang maibaba ang phone ay agad na pumasok sa kaniyang banyo upang maligo at makapag-ahit na rin. Napapasipol pa siya habang naliligo dahil kahit papaano ay nanabik siyang muling may makasamang babae. Nang matapos mag-imis ay nagtapis na siya ng tuwalya saka lumabas ng saktong papasok naman ang isang babae. Kapwa sila nabigla. Saka niya nabawi ang pagkabigla dahil alam niyang ito ang babaeng tinutukoy ng kaibigan. 'Not bad!' aniya sa isip ng makita ang kabuuhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD