KABANATA 7

2140 Words
Rated-18 *********************†************************ ALL I CAN say...I almost knew the entire Douglas Montecilio. Ano pa kayo ang hindi ko alam tungkol sa kanya? He is the kindest man I ever met pero sabi nga nila. Kahit ang isang maamong tupa ay may tinatago rin itong kamandag. I do not know, may side parin sa aking utak na nagsasabing hindi ko pa siya kilala ng maigi. I'm only sexually attracted to him. Pero paano ko iyon mapipigilan? Everytime na makikita ko ang ngiti niya, nagbibigay kilabot iyon sa aking puso! Isa lang ang alam ko sa ngayon. From lust, it turned into attachment! O tamang sabihin nahuhulog na ako sa kanya. "Thanks for helping." Aniya. "Walang problema." Sagot ko. Napapansin ko lang sa lalaking ito ay ang mga sulyap niya ay nagiging titig. Minsan kinikilabutan ako dahil hindi naman ito ganito noon. "By the way, doon ka matutulog sa kwarto ko." Mabilis akong napatingin sa kanya at maging siya ay nakatitig pala sa akin. Ngumiti ito ng matamis sa akin, dahilan para malusaw ang aking pangamba. "Sige, walang problema sa akin." Ani ko kahit kinakabahan. Wala naman sigurong gagawin ito sa akin. Pero kung mayroon man ay dapat wild siya! Gusto kong ma-try kung paano ito maging Christian Grey. "Hey, matutunaw ang mga labi ko." Aniya na ikinagulat ko. "Ha?" Naramdaman kong nagsi-akyatan ang dugo ko sa aking mukha. Nakakahiya na naman itong ginawa ko. Ilang beses niya na ba akong nahuli habang nahihipostismo sa kanya? "Minsan naiisip ko kung magnet ba ako?" Biro niya. Pero alam kung may kabuluhan iyon. "Ang gwapo mo kasi." Walang prenong wika ko. Tipid itong ngumiti, "but sadly, this handsome face will not look for another one again...we are done." Natigilan ako sa sinabi ni Douglas, para akong nasaksak ng kutsilyo nang sampung beses. Pinaparinggan niya ba ako? O nasabi niya lang iyon dahil nagpapakatotoo ito sa kanyang sarili? Ano man ang dahilan niya, nasaktan ako ng sobra! "Tara na, para makapagpahinga ka." "Si-sige." Hinubad ko ang apron at gloves na suot ko. Ibinalik ko ang mga ito sa lugar kung saan ko kinuha. Si Douglas na ang nabukas ng pinto at tahimik akong nakasunod rito. Gusto kong sabihin na sana'y matutunan nitong magparaya. Kalimutan ang mga nakaraan ay maging masaya sa kasalukuyan. Ngunit wala akong lakas ng loob para sabihin ito sa kanya. Umuurong ang dila ko sa kadahilanang wala akong karapatan! Habang binabaybay namin ang daan papunta sa kwarto niya ay may narinig akong mga tawanan. Nagmula ito sa likod ng mansyon at sa tingin ko ay sina Veronica iyon. Gusto ko silang puntahan para makahalobelo sa kanila ngunit nahihiya ako. Mas gusto kong makasama si Douglas sa kwarto nito! Umakyat kami sa ikalawang palapag. Sobrang daming room at ang lawak rin rito. Pumunta kami sa pinakasulok ng ikalawang palapag. And I guess ang pinakadulo na room ang kwarto ni Douglas. Pumasok kami roon at agad kong napansin ang mga gamit namin sa kama. Nandoon na rin ang mga damit na ibinigay ni Veronica. "By the way, sorry kung dito ka matutulog sa kwarto ko, occupied kasi ang lahat ng room dahil dito matutulog ang mga pinsan ko." "Huwag mo akong isipin, walang problema iyon sa akin." Ani ko. Sobra-sobra na nga ang tulong nito sa akin. "Kung gusto mo, sa sahig nalang ako, sa kama ka." "Naku, ayos lang kung sa kama ka." Giit ko na nagpatigil kay Douglas. "Okey lang saiyo na katabi mo akong matulog?" Ngumiti ako, "hindi naman ako maarte, eh kaya okey lang." Sa totoo ay kinakabahan ako. Hindi ako sanay na may katabi pero ang isang Douglas Montecilio na katabi ko ay hindi ko tatanggihan! "Sure?" Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "Oo, wala ka namang gagawin sa akin, diba?" Walang preno ko namang wika. s**t! Ano bang problema ng bibig ko? Nakita kong napalunok ito ng laway. s**t, gumalaw pa ang adams apple niya! "Hahaha! Joke lang." Giit ko pero sana nga ay meron siyang gawin. Uggh! Nagising na naman itong kalibogan ko! "Ahh, hehe." Nahihiya nitong tugon. "Maiwan muna kita rito, ha. Ibibigay ko lang tong pinabili ni Tito Elthon." Aniya. "Sige." Kinuha nito ang pinamili namin kahapon at lumabas siya. Napabagsak ako sa kama at nakatitig sa kisame. I never thought na aabot ako rito. Sa simpleng pagbigay ko ng kakanin kay Douglas ay hindi ko inakalang mas magiging malapit ako sa kanya. "Hay naku Douglas, ang hirap mong abutin." Mapait kong wika. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto. May mga books pero walang mga palatandaan na kay Douglas ang room na ito. Or baka malinis lang talaga ito. May napansin akong isa pang pinto kaya bigla akong na intriga. Bumangon ako at binuksan iyon. Isang shower room. Divided ang sa loob. Sa kabilang side my shower at bathub. Sa kabila naman ay bowl. Sobrang yaman ng pamilya na ito. Isinara ko pabalik ang pinto at humiga sa kama. Muli ay napatitig na naman ako sa kisame. Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon nila Mama na nakauwi ako sa Bohol? Miss na miss ko na si Mama at Papa, pati na ang nag-iisa kong kapatid na lalaki. Natigil ako sa aking pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon at binuksan kung sino man ang kumakatok. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang ginang. "Magandang hapon po." Bati ko, isa ito sa mga kasambahay nila rito. "Magandang hapon din, iha, pinapatawag ka ni Douglas sa kitchen." Ngumiti ito ng matamis. "Sige po." Ani ko at lumabas na. "Ang ganda mo naman, bagay na bagay kayo ni Douglas." "Salamat po, naku hindi ko na po pangangarapin iyan, langit siya lupa ako." Ani ko at isa pa hindi pa ito naka-move on kay Bella. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya kanina. "Naku, habang may buhay may pag-asa ako nga hindi nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakatagpo rin ako." Magiliw na wika nito. Ang akala ko ay may asawa na ito. "By the way ako nga po pala si Angel." Pakilala ko. "Ako naman si Loring...Loring nalang ang itawag mo sa akin dahil single pa ako." Aniya. Napangiti lang ako. Kakaiba rin ang personality ni Loring, sa tantiya ko ay kasing edad lang ito ni Mama. "Dumiritso ka na sa kitchen ha, may aasikasuhin lang ako." Ani ni Loring ng makababa kaming dalawa. Ngumiti ako rito at dumiritso na ako sa kitchen. Walang anumang tao sa pasilyo. Nakakatawa lang dahil ang tahimik. Saan kaya sila? Nang makarating ako sa kitchen ay naabutan ko si Douglas. Nakaupo itong mag-isa at sa mesa ay tatlong klase ng cakes. Napangiti akong lumapit sa kanya, "ang sarap ng mga ito." Bigla kong wika na ikinagulat ni Douglas. Anong problema niya? Hindi niya ako napansin? "Umupo ka." Utos niya at umupo ako paharap sa kanya. "Sino ang nag-bake niyan?" Excited kong tanong. "Si Tita Rosette at Tita Louisa." Ani nito at kumuha ng tig-iisang slice. "Ito ang unahin mo, favorite ko ito." Inilagay niya sa platito ko ang chocolate cake. "Salamat." Kumuha na ako ng tinidor at tinikman ko iyon. Unang kagat ko palang ay lasang-lasa ko na kung gaano kasarap ang cake. "How's the taste?" "Sobrang sarap nito, I mean sakto lang ang tamis at bitterness ng tsokolate." Ani ko. "I'm glad you like it... Kung gusto mo pa kumuha ka lang." "Hindi ako tatanggi." Napabungisngis ako ng tawa at kumain na. Inubos ko muna iyong slice na ibinigay ni Douglas. Nang maubos ko iyon ay kumuha pa ako ng isa. Hindi siya nakakaumay at nagmi-melt ang cake sa loob ng bibig mo. "Tikman mo din itong pandan at milk." Inilapit nito ang dalawa pang cake. Nang maubos ko ang chocolate cake ay kumuha akong isang slice ng milk cake at pandan. Buti nalang nagkasya sa platito ko ang dalawa. Sarap na sarap ako sa pagkain ng maramdaman kong hindi gumagalaw si Douglas. Napahinto ako sa aking pagsubo at tiningnan ito. Doon ko lang napagtanto na nakatitig ang dalawang mata niya sa akin habang nakaawang ang mga labi nito. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko at inabot ko ang tissue para ipunas sa aking bibig. "Wala, nakakatuwa ka lang tingnan. You are very innocent yet dangerous." Napakunot ang noo ko. Ano ang ibig nitong sabihin? Na nasa loob ang kulo ko? "Naku, wala akong tinatago noh...sa hitsura kong ito ay may itatago pa ba ako?" Giit ko. "It's not what I mean." Seryoso nitong wika kaya natigilan na naman ako. "Ano?" "Never mind, forget about it." Aniya. "Okey." Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi ako nauumay sa mga cake na ito. Hindi kasi masiyadong matamis mas nangingibabaw ang flavor ng cake. "By the way, yong dalawang books na ibibigay ko saiyo ay nandoon sa kwarto. At remember my surprise?" "Naku, nakakahiya na saiyo." Ani ko. Sapat na sa akin itong nakilala ko ang pamilya niya, itong cake, ang books at mga damit ni Veronica. Hindi pa ba iyon ang surprise na gusto niyang ibigay sa akin? "Kaibigan na kita kaya huwag kang mahiya. Naghahanap pala sina Mommy ng scholars at isa ka sa mga napili nila." "Talaga? Paano nangyari iyon?" Hindi naman ako nag-apply. "I submitted your name." Aniya Nanglaki ang mga mata ko. Hindi ko mapigilang matuwa sa magandang balita ni Douglas. Sa sobrang saya ko ay napatayo ako at napayakap rito. "Salamat ng marami, Douglas." s**t! ang bango ng leeg niya. "No problem." Aniya. Kumiwala ako sa pagkakayakap sa kanya at bumalik sa aking upuan. I can sense na natigilan siya sa ginawa ko. Pero nadala lang ako sa aking nararamdaman. Masaya ako dahil sa mga tulong niya sa akin. "Ang sarap nito, ha. Hindi ako nakakakain ng ganito kasarap na mga cakes." Ani ko. Pinipilit kong ibalik sa normal ang conversation namin even though si Douglas ay sobrang titig na sa akin. "Hey, are you, okey?" Ako na ang nagtanong rito. Hanggang sa nakahuma na siya mula nong niyakap ko siya. Ngumiti ito ng matamis bilang tugon sa akin. Para mawala ang awkwardness sa amin ay kumuha ako ng cakes at iniligay iyon sa platito niya. "Ubusin na natin." I said. "Si-sige." Medyo nauutal siya habang nakatingin sa akin. What happened to him? Hindi ko rin maiwasang kabahan at mailang rito. "Angel." Sambit niya sa pangalan ko. Tiningnan ko siya, "ano iyon, Douglas?" Titig na titig siya sa aking mga mata. Hinintay ko ang kanyang sasabihin. Ni hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa kanya dahil gustong pakinggan ang sasabihin niya. "Ako ang maghahatid saiyo bukas." Ani niya. "Okey." Pinanatag ko ang aking boses para di to mahalata ang aking pagkadismaya. Ang buong akala ko ay may sasabihin siya na mas higit pa doon. Mukhang masiyado lang talaga akong assuming. Bagay na hindi ko sana ginagawa. "Gusto mong mamasyal pagkatapos natin rito?" Muli ay napatingin ako sa kanya. Seryoso ang boses niya ngayon pati na ang kanyang mga mata. "Sige ba, saan naman?" Di ko mapigilan ang aking sarili. Now, Douglas is smiling. Ang bilis niyang maka-transit ng mood. Hindi naman siya bipolar. Iba kasi ang naramdaman kong mood niya kanina. "Ikaw saan mo gusto." Agad kong naalala ang mga bulaklak sa harap ng mansyon. Gusto kong pumunta roon para amoyin ang mga iyon. Hindi ako mahilig sa bulaklak pero naiintriga ako kung ano ang amoy ng mga bulaklak na iyon. Ang mga naamoy ko lang na bulaklak ay sa patay! Iyong mga inilalagay sa gilid ng kabaong. "Puwede mo ba akong samahan sa harap ng mansyon?" I asked. "You want flowers?" Tumango ako, "yes." Tipid kong sagot at ipinagpatuloy ang pagkain ng cake. Malapit na namin maubos ang tatlo. Hindi ako makapaniwala na nakain namin lahat ni Douglas ang tatlong cake. "May nanligaw na ba saiyo?" Napatigil ako sa pagnguya at tiningnan siya. Napailing lang ako, hindi ko siya kayang magsalita dahil punong-puno ang bibig ko. "Haha." Malutong niyang tawa, "lunukin mo muna iyang cake. I guess nadami ang kain mo, baka hindi kana gaganahan kumain mamaya." Nilunok ko ang cake at inabot ang isang baso ng orange juice. Ininum ko ang kalahati ng juice at lumuwag ang lalamunan ko. "Naku, sigurado akong mapaparami ako ng kain mamaya, mabilis ang metabolism ko." Kinindatan ko siya. Iyon naman ako, matakaw na kung matakaw, pagkain iyon, eh! "Nakakabilib ka." "Mas nakakabilib ka." Giit ko. Kahit patay na si Bella hindi parin nito pinararaya. Haist, kawawang Douglas. Lovelotz??? Next two chapters ay milagro na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD