Stay Safe sa COVID-19 guys...
Rated-18
********************†***********************
NAIPIKIT KO ang aking mga mata nang nilinis muna ni Veronica ang mukha ko. Amoy na amoy ko ang chemical na ginamit niya. Malakas ang amoy niyon ngunit mabango naman.
"Ganito yon." Pagsisimula nito, "si Bella ay nakilala ni Kuya Douglas sa University sa Cebu, nursing din ang gaga tapos ayon naging sila. End of story."
"Ha?" Bigla kong naimulat ang mga mata ko. "Yon lang?"
Ngumiti ito at bumuntong hininga, "pikit mo ulit ang mga mata mo." Sinunod ko siya, mukhang magpapatuloy ito sa pagku-kwento, "ayon pinakilala ni Kuya sa amin, excited pa ako dahil mahilig rin iyon sa mga beauty products but one time naaksidente ito sa pangangabayo, sa galit niya ay ako ang pinagbintangan. Nagalit nga sa akin si Kuya, pati mga pinsan ko. Si Homer lang ang kakampi ko non."
"Gaga pala ang Bella na iyon." Wika ko. Kung ako ang nasa kalagayan noon nito ay gagantihan ko iyon! Bruha siya!
"Sinabi mo pa, iwan ko ba kung bakit inggit na inggit sa akin iyon, palibhasa retokada."
Bigla ko na naman naimulat ang mga mata ko. Chismosa rin itong si Veronica. Pero seryoso? Ang magandang mukha ni Bella ay retoki lang?
"Seryoso?" Hindi ako mapakaniwala. Kaya ang perfect ng mukha nito. Ang ilong ay sobrang ganda.
"Oo, kasi iyong doktora ni Bella ay Mommy ng kaklase ko."
"Tapos anong ginawa mo?"
Narinig kong napabuntong hininga ito, "ayon hindi ko sinabi sa kanila, kaya siguro galit sa akin si Bella dahil alam kong retoki ang mukha non. Iwan ko ba bakit minahal iyon ni Kuya Douglas."
"Love is blind." Giit ko, sana ay makita rin ako ni Douglas.
"Sinabi mo pa, kaya ang gaga, nagkasakit! Naghiwalay sila ni Kuya bago paman namin nabalitaang patay na ito...pero alam mo kung ano ang nakaka-weird?"
"Ano?"
"Ayaw sabihin ng pamilya ni Bella kung saan ito nilibing."
Napaisip ako. Baka naman private o ayaw lang nila malaman ng iba.
"Malakas ang kutob ko na hindi pa patay ang babaeng iyon, haler, masamang damo kaya iyon."
Hindi ko mapigilang matawa. Kakaiba rin itong magsalita. Ito lang ang kilala kong chismoa sa na napaka-classy at ubod ng bait.
"Ano raw ang sakit?"
"Iyon ang hindi namin alam, ang alam ko lang ay si Bella ang dahilan kung bakit kinuha ni Kuya Douglas ang pagiging doktor sa utak ba iyon or ulo? Basta may thought na iyon. Baka gustong iuntog ni Kuya ang ulo ni Bella."
Patango-tango lang ako. Si Bella ang dahilan kung bakit ganoon nalang ang kinuha ni Douglas. Sobrang mahal na mahal siguro ito ng lalaki. Nakakainggit isipin na haggang sa dulo ay ginawa ni Douglas ang pangarap nila.
Sana'y matutunan rin niyang i-let go ang isang bagay.
"Kaya noong nakita ka namin ni Homer kahapon, sobrang saya at gulat ko. Kasi naman, simula noong nawala si Bella hindi na nagi-entertain si Kuya ng mga babae. You must be very special to him."
Gusto ko mang isipin na espesyal ako kay Douglas ngunit malabo iyong mangyari.
"Alam mo may sasabihin ako saiyo." Giit ko. Tutal marami na itong nasabi sa akin oras na para ako naman.
"Ano iyon?"
"Kaya ko na-meet si Douglas kasi ang gwapo niya, tapos araw-araw ko na siyang binibigyan ng kakanin." Nahihiyang wika ko.
"Kakaiba rin ang trip mo ano, pero maganda ang ginawa mo, nadali mo si Kuya sa power kakanin."
Sabay kaming nagtawanan ni Veronica. Sobrang gaan na ng loob ko sa babaeng ito.
"Ilalagay ko lang ito, ha." Kumuha ng cream siya ng cream at inilagay iyon sa mukha ko. Malamig sa pakiramdam.
Nakapikit ang dalawa kong mga mata nang may idinagdag pa itong cream sa mukha ko. Hindi ko na alam kung ano ang mga iyon pero ang sarap sa lang pakiramdam. Ang lamig ng mukha ko.
"Ayan tapos na."
Naimulat ko ang aking mga mata, "yon na lahat?" Sobrang bilis. Ang buong akala ko ay aabot kami ng isang oras sa pag-aayos ng mukha ko.
"Oo, ito salamin."
Inabot nito ang bilugang salamin. Kinakabahan akong tiningnan ang mukha ko. Nagulat ako dahil ang kinis at tumingkad ang kulay ng mukha ko.
"Alam mo maganda ka pa kay Bella, di hamak na maputi ka at sobrang ganda ng hubog ng mukha mo. Need mo lang pangalagaan ang balat mo at konting ayos lang para ka naring modelo tingnan." Nakangiting compliment ni Veronica.
First time kong marinig sa isang kagaya niya ang puriin ako. Wala naman kasi akong tiwala sa sarili ko.
"Dito ka lang muna, ha. May kukunin ako." Tumayo siya at iniwan na naman ako.
Bumalik ang tingin ko sa salamin. Hindi parin ako makapniwala na may ganito akong kutis. At mukhang tama nga si Veronica, ang ganda ng pagkahubog ng aking mukha. Bakit ngayon ko lang ito na-appreciate? Nahihiwagaan akong hinaplos ang mukha ko. Kung mayaman lang ako, siguro ay mas lalo ko pa itong napangalagaan.
"Ibibigay ko na saiyo ang mga to." Biglang wika ni Veronica ng bumalik ito. May dala itong dalawang malaking paper bag.
"Binili ko ang mga ito last month, hindi ko pa magawang isuot dahil ang dami ko pang mga damit."
"Sigurado ka? Nahihiya na ako." Ani ko. Sobra-sobra na ito.
"Ay sos, masamang tumanggi sa grasya at isa pa masisira ang quality ng mga iyan kapag hindi sinusuot." Aniya.
"Sige na nga, hindi ko na ito tatanggihan pero promise na ito na ang una at huli mong ibibigay sa akin."
Ngumiti siya sa akin at itinaas ang kanang kamay, "I promise, for now." Napabungisngis ito.
"Ito, ilagay mo na rin iyan sa paper bag, gamitin mo ang mga products na ito. Marami pa ako niyan, libre kasi sa amin iyan dahil si Tito Alvin ang nagmamay-ari kasama ang business partner nitong si Nicholas."
Hindi ko napigilan ang sobrang saya kaya napayakap ako kay Veronica. Paano ko ba masusuklian ang babaeng ito?
"Thank you." Ani ko.
"Wala iyon. Maghanda ka na dahil babalik na tayo sa mansyon." Kumiwala ako sa pagkakayakap sa kanya at napatayo ako.
Nalagay ko na ang mga beauty products. At ready na ako para makaalis sa bahay.
"Lets go... Alam mo mas lalo kang magugustuhan ni Kuya niyan. Look at you, may tinatago ka palang ganda."
"Naku, gumanda lang ako dahil sa nilagay mo." Giit ko.
"Hindi, ah. Enhancer lang ang nilagay ko. Kaya nga madali lang tayo natapos. Ganito ang gawin mo, huwag kang masiyadong magbabad ng araw. Nakakasama iyon sa balat kapag sumobra."
"Sige, susundin ko iyang sinabi mo."
Paglabas namin sa bahay ay lumapit na kami sa kabayo. Nauna itong sumakay at sumunod ako.
Pumasok na naman kami sa makitid at masukal na daan ngunit sandali lang iyon.
Nakarating na kami sa hascienda at natatanaw ko ang mansyon sa hindi kalayuan.
Dahan-dahan lang na ipinatakbo ni Veronica ang kabayo dahil hindi ako makahawak sa kanya ng masiyado. Isang kamay ko lang ang nakakapit sa bewang niya. Ang isa ay ginamit ko para hawakan ang ibinigay niya sa aking mga damit.
Nang makalapit kami sa rancho kung saan nandoon ang mga kabayo ay agad naagaw ni Douglas ang atensyon ko. Naka-costume ito ng pang-cow boy at maging ang dalawang binatilyo na si Peter at Eskel.
Lumapit ang kabayo na sinakyan namin sa tatlong lalaki. Kaya napatingin ang mga ito sa amin.
"They are staring at you." Mahinang wika ni Veronica kaya napatitig ako, pero ang mga mata ko ay dumiritso iyon kay Douglas na siyang nakatitig rin sa akin. Pero ito na rin ang nagkusang naglayo ng tingin. Sa tingin ko'y mahal pa talaga ni Douglas si Bella. Ni hindi nito magawang tumingin sa akin ng tuwid.
"I'm ready!"
Napatingin ako sa papalapit na si Homer. Bihis na bihis rin ito ng pang cow boy at gaya ng tatlong lalaki, sobrang gwapo rin nito.
"Gusto mong sumali ate Veronica?" Tanong ni Peter.
"No, sobrang daya ninyo."
Napatingin lang ako sa kanila. Mukhang magkakaroon ng karera sa kabayo. Nakakatuwa silang tingnan, magandang bonding ito for them.
"Dito lang tayo Angel, manonood tayo sa kanila. Promise masaya ito."
Napatango lang ako. Mukhang totoo naman dahil sa nakikita ko ay mukhang exciting ang gagawin nila!
Ilang saglit matapos ang kanilang preparation ay kinuha na nila ang kanya-kanyang kabayo. Hindi ko mapigilang huwag tingnan si Douglas. Sobrang bumagay sa kanya ang suot. Dagdagan pa ng kanyang maskuladong katawan.
Sumakay sila sa kanya-kanyang kabayo at gumawa sila ng line paharap sa malawak na hascienda.
"Sa tingin mo sino ang mananalo?" Hindi ko mapigilang tanungin si Veronica.
"Noon, si Kuya Douglas ang palaging nananalo. Pero iwan ko this time, magaling na ang tatlo, eh."
Alam kong si Homer, Peter at Eskel ang ibig nitong sabihin. Kinakabahan ako para kay Douglas, gusto ko siya ang mananalo sa paligsahan nilang ito.
"On your mark, ready, get set go!" Sigaw ni Veronica.
Agad namang nagsitakbuhan ang kani-kanilang kabayo. s**t, sobrang bilis nilang apat. Wala pang isang minuto ay nagmistula na silang maliit na tuldok sa paningin ko.
"Kung sino ang unang makakabalik rito siya ang mananalo." Si Veronica.
Nakatingin lang ako sa malayuan at pinapanalangin ko na si Douglas ang mauuna sa apat.
"They're here." Sambit ni Veronica. Paparating na sila. Pero hindi ko maaninag kung sino ang leading dahil sobrang liit nila.
Naghintay pa ako ng ilang segundo para makita ko kung sino ang nauna. At nang masiguro kong sino ang nangunguna at napalawak ang ngiti ko.
"Well, no one beats the hot stallion." Wika ni Veronica.
Napangiti ako nang sobrang layo na ng agwat nila. Kasunod ni Douglas ay si Homer. Si Peter at Eskel naman ay makasing bilis lang sila.
Hanggang sa tuluyan na ngang nakarating sila sa amin. Nauna si Douglas at sobrang saya nito. Hindi ko rin mapigilang matuwa.
"Wooh!" Masayang sigaw nito at napatingin siya sa akin. Bigla namang lumakas ang t***k ng aking puso. Ang saya sa kanyang mukha ay tila isang pag-asa. Pag-asa na pinapangarap ko. Pag-asa na matagal kong inasam-asam na makita sa kanya iyon!
Noong una ko siyang nakita sa University sobrang loner niya. Hindi nito makuhang ngumiti noon. Ni hindi ko makitang nakikipag-usap sa ibang tao. Ngayon ay ibang-iba na siya. Ito yata ang totoong Douglas Montecilio, the hottest stallion!
"Señorito, Douglas, ready na ang mga pinggan." Biglang may sumigaw sa bungad ng pinto ng mansyon. Napatingin kami lahat rito. Isa ito sa mga nagserve ng pagkain kanina.
"Well, may price kaagad." Biro ni Homer.
Napakamot naman ng batok si Douglas at napatingin sa akin. Lumapit siya palapit sa amin ni Veronica ngunit hindi niya inalis ang mga mata sa akin. Akala siguro nito ay susuko ako sa pakikipagtitigan.
"Come with me, may ipapakita ako." Aniya sa akin. Bumaba ito sa kanyang kabayo. Pagkatapos ay inilalayan niya akong makababa. Kinuha nito ang dala-dala kong paper bag.
"Veronica, puwede mo ba itong ilagay sa kwarto ko?"
"Sure kuya." Mabilis na pumayag si Veronica at kinuha nito ang paper bag, "hhmm, Angel." Tawag niya sa akin.
"Yes?"
"Huwag mong tulungan si Kuya Douglas." Pilyang ngumiti si Veronica.
"Kakainis ka." Si Douglas at tinapik nito ang puwet ng kabayo kaya bigla itong nagulat at napatayo.
"Kakainis ka kuya!" Ang buong akala ko ay mahuhulog si Veronica ngunit napigilan niya ito.
"Tara na?" Si Douglas.
Nauna itong humakbang at sumunod naman ako. Pagpasok namin sa mansyon ay nilakihan ko ang aking hakbang para masabayan siya sa paglakad.
"Magluluto ka ba?" Hindi ko mapigilang tanong. Kasi pinggan raw eh, baka gagamitin niya iyon sa pagluluto.
"I can cook but not for now." Kalmado nitong sagot.
"Eh, anong gagawin mo?"
"You'll see." Aniya.
Hindi na ako nagtanong kasi makikita ko raw. Pagdating namin sa table kung saan kami nag-lunch ay wala ng mga tao.
Dumiritso kami sa isang silid kung saan sobrang daming cooking utensils at sa pagkain. Sa dulo ay sobrang daming huhugasang pinggan.
May kinuhang apron at gloves si Douglas at isinuot ang mga iyon. Ngayon ko lang na-realize na maghuhugas siya ng pinggan!
"Seryoso, huhugasan mo ang lahat ng iyan?" Hindi parin ako makapaniwala. Sobrang dami at may mga kaldero pa.
"Assignment ko ito."
"Ha?" Diko ma-gets.
"Lahat kami ay naghuhugas ng pinggan, let's just say na schedule ko ngayon."
Napanganga lang ako. Sobrang kakaiba ang pamilya na ito!
Nag-umpisa na itong magtrabah at halatang bihasa na siya sa paghuhugas.
"Tutulungan na kita." Ani ko. Kawawa naman, baka matagalan ito kung hindi ko tutulungan.
"Huwag ba, pagagalitan ako."
"Wala namang makakakita, eh." Giit ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, "just lock the door." Aniya at kumindat pa sa akin.
Bigla akong kinabahan ngunit sumunod na rin rito!
Lovelotz???