Chapter 26
(JR's POV)
PINAGKRUS ko yung mga braso ko sa ilalim ng dibdib ko habang hawak ng isang kamay ko yung pouch bago sumandal ng bahagya sa sink habang pinagmamasdan sya.
Pinakiramdaman ko yung sarili ko.
Now this is strange, my heart is racing pero hindi katulad ng dati. Mabilis na tumitibok yung puso ko pero hindi dahil sa excitement.
I'm more than nervous, angry and confused rather than excited that made me frowned.
Just like before, literal na maganda sya sa kulay na itim, actually sa kahit anong kulay naman ay maganda sya pero mas lamang lang talaga kapag naka-itim o pula sya. She's tall and beautiful, just like how models should be, though hindi naman sya isang model.
Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang bumuntong hininga bago pinag-krus yung mga braso ko sa ilalim ng dibdib ko habang matamang pinagmamasdan yung gulat nyang ekspresyon.
"Anim na taon na din, Irene." Napapabuntong hiningang panimula ko, "Anim na taon."
Tila balisa syang tumango-tango habang magkahawak ang dalawang kamay nya, bagay na ginagawa nya kapag hindi nya alam ang sasabihin nya.
Ramdam ko yung inis at galit na matagal kong kinimkim pero hindi ko magawang maipakita, ewan ko, pero kalmado pa rin ako.
"How do you do?" I asked calmly but she's still dumbfounded, "Are you doing okay?"
She shook her head as if that sums everything up kaya huminga ako ng malalim at napakagat sa labi ko.
"I see."
"I..." She managed to clear her throat but I can sense that she's going to tremble anytime, "I didn't e-expect to s-see you here..." Naiiling na anya na para bang hindi pa rin sya makapaniwala kaya tumango-tango ako dahil sang-ayon ako sa sinabi nyang yon.
"Ako din naman." Sinubukan kong ngumiti, hindi ko lang alam kung nangiti nga ba ako, "You're beautiful anyway."
"And you look..." Umawang ng bahagya yung labi nya tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa tsaka tila namamanghang kinagat ang ibabang labi, "...gorgeous..." Suminghap sya ng hangin tsaka napahawi sa mahaba nyang buhok, "You've changed."
Nagkibit nalang ako ng balikat sa kanya, "I don't know, pero parang wala namang nagbago---"
My sentence was stopped mid air when she took a stepped forward and did an unexpected move.
Dama ko kung paano ako nabato sa kinatatayuan ko dahil sa loob lang ng isang segundo ay nagawa nyang hakbangin yung espasyo sa pagitan namin at sinapo yung mukha ko tsaka dinampian ako ng halik.
I can't move, especially when her tongue started moving inside my mouth that made me tightly shut my eyes and savor that familiar kiss.
Wala sa sariling napahawak ako sa magkabilang bewang nya nang bigla nalang lumitaw sa isip ko yung nakangiting mukha ni Eren kaya napadilat ako at walang ano-ano ko syang itinulak palayo.
"What the f**k, Irene!?" Inis kong sigaw matapos kong mapatayo tsaka inilibot yung tingin ko sa paligid.
Fuck, lalo akong ninerbyos! What if someone saw us!? Kingina.
Napahagod ako sa buhok ko tsaka inis syang tinignan pero nakahawak lang sya sa labi nya. Good thing at walang ibang tao bukod sa amin kundi malaking eskandalo tong eksenang toh panigurado.
"J-jhayrein..."
Sinamaan ko sya ng tingin, "Baliw ka? Nakita mong nasa women's CR tayo! Paano kung may biglang pumasok dito at nakita tayo!?"
"Do you think I care?" Naiinis din nyang sambit at tsaka umiling, "This is the first time that we've seen each other again after six years, JR! Sa tingin mo may pakielam pa ko kung may makakita man saten o wala!?"
Hindi makapaniwala ko syang tinignan. Aba't isa't kalahating abnoy na pala toh eh!
"Hindi ako interesado kung may pake ka o wala dahil mas iniintindi ko yung eskandalo kapag may nakakita sateng ginawa yon, okay!?" Sabay tinalikuran ko sya.
Ngayon nag-uumpisa na talaga akong mabadtrip.
Sunod-sunod akong napamura. Ang daming eksenang nagpe-play sa utak ko, mga posibleng mangyare kung saka-sakaling may pumasok bigla at nakakita ng ginawa namen.
Masisira na yung party, magkakabukingan pa. Kingina.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko habang nanggigigil na maglalakad sana palabas pero hinabol nya ko at tsaka humarang sa mismong harap ko.
"Tabe."
"Jhayrein..."
"Tumabe ka."
"D-did you came here for m-me?"
"Hinde." I hissed.
Kitang-kita ko yung luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata nya kaya iniwas ko nalang yung tingin ko.
Ayokong makita syang umiiyak dahil baka magbago pa ang isip ko, matatabunan non yung inis ko at ayokong mangyare yon. Mahina ako sa ganon.
"Did you came here for me?"
"Hinde nga."
"JR, did you came here for me?" Pag-uulit pa nya kaya don ako inis na lumingon sa kanya.
"Nang-aasar ka? I already said no, fuckin no, okay!?"
"You came here for me." She stated, hindi na pagtatanong kundi isang kompirmasyon na naging dahilan ng pagtawa ko ng pagak.
"Hanep." Iiling-iling kong sabi bago pinag-ekis yung mga braso ko.
"Stop denying it!" She screamed na inignora ko naman at akmang lalagpasan ulit sya pero sadyang makulit talaga at hinaltak pa yung braso ko para muli kaming magkaharap, "Tell me, you're here for me, diba? You want to see me. You're excited to see me already! Kaya nagpunta ka dito even though you're not invited!" Her eyes started to water as she stare at me, "Maybe Charlotte and Vasselisa told you already that I'm here in the Philippines, that's why you're here, right? Ako ang ipinunta mo dito, right? Right JR? Tell me, JR. Tell me!" Puno ng pag-asang anya pero lalo lang akong nainis kaya asar kong binawi yung braso ko mula sa kanya na ikinagitla nya.
"Anong ginawa mo sa anim na taong lumipas at naging sobrang tanga ka naman yata? Simpleng hinde, di mo maunawaan!?"
She frozed, "W-what?"
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang hinde na kailangan ko pang ulit-ulitin ang sagot ko sayo!?"
"Because you're denying it! You are so damn obvious but you kept on denying it kaya lalong gumugulo!" Sigaw nya na ikinangiti ko ng sarkastiko.
"Naiwan mo ba yung utak mo sa United Kingdom? Gusto mong kunin ko para sayo?"
"JR!"
"Ano!" Sigaw ko pabalik, "Punyeta, magsabi ka lang, Irene, magsabi ka lang! Kayang-kaya kong lumipad papuntang UK ngayon mismo para lang kunin yung sentido kumon na naiwan mo doon!"
"K-kausapin mo kasi ako ng maayos." Napapahiyang saad nya tsaka suminghap pa ng hangin para bumwelong magpatuloy sa pagsasalita, "N-nahihirapan na kong magsalita, I-I don't know w-what to say anymore k-kaya please k-kausapin mo naman ako ng maayos."
"Kingina, kanina pa kita kinakausap ng maayos pero ikaw tong magulo!?"
"Kasi nga tumatanggi ka!" Lumapit sya saken at humawak pa sa magkabilang braso ko.
"Hindi ka talaga makaintindi, ano?"
"Then what? Tell me! Kung hindi ako, anong ipinunta mo dito!? Sabihin mo dahil alam kong wala kang ibang dahilan para magpunta dito bukod saken!" Hindi naman ako nakasagot nang magsimulang lumamlam yung mga mata nya kaya napaungol ako sa inis, "I k-know that you're h-here for me, why d-do you keep on denying it? T-tayo lang namang dalawa ang n-nandito, JR. We can talk to p-private if you want, o-okay? Just tell me." Anya na sa malumanay na tono.
I glared at her but that didn't last, nagsimula na kasing tumulo yung mga luhang alam kong kanina pa nya pinipigilan kaya muli akong nag-iwas ng tingin.
Di ako kumibo nang unti-unti syang dumikit saken at yumakap. I didn't hugged her back but my right hand is on her back, gently caressing it.
I still don't want to see her crying... just like before.
"Y-you don't know how long I've been waiting f-for this..." She whispered as she tighten her hug, "I missed you so much, Jhayrein, I missed you so much."
Nanatili akong tahimik habang parang tangang nakatayo lang at yakap-yakap nya, pinakikiramdaman ko yung sarili ko pero tulad kanina ay ganon pa rin yung nararamdaman ko.
I'm still angry and confused pero hindi ko magawang sigawan sya ulit, I don't want to see her crying.
"Let's talk s-somewhere else, JR. P-please? Not here, l-let's go somewhere p-private so we can talk freely."
Bumuntong hininga ako, "Hindi pwede."
"Please, Jhayrein... M-mag-usap tayo ng tayong d-dalawa lang, please hear m-me out, okay? Please?"
Wala akong naisagot. Hinayaan ko lang syang nakayakap saken hanggang sa lumipas ang ilang minuto bago ko sya marahang itinulak palayo saken.
Pinakatitigan ko sya. Her cheeks are now wet because of her tears that's why I cupped her face and wiped her wet cheeks by the use of my fingers.
"Ayusin mo yung sarili mo, baka hinahanap ka na ng asawa mo." Mahina kong bulong.
Lalong lumamlam yung mga mata nya habang umiiling-iling pa.
"J-jhayrein..."
"Mag-usap nalang tayo sa susunod, Irene." Kumunot yung noo ko, "Mag-usap tayo kapag mas kalmado ka na."
"JR, please!"
"Irene, pakiusap den." Nauubusan na ng pasensyang sabi ko tsaka hinawi yung kamay nyang yayakap dapat ulit saken, "This is not the right time to talk about 'us'. Hinihintay ka ng asawa mo sa labas---"
"He can wait! I'm sure that he can wait!" She assured.
"Irene..."
Umiling-iling sya habang nagbabagsakan yung mga luha nya, "Jhayrein, h-hindi pwedeng ganito. P-pag-usapan na natin yung nangyare, I w-want to explain now. Please..."
Humawak nanaman sya sa kamay ko kaya pilit kong binawi yon at seryoso syang tinitigan sa mga mata nya.
"I'm not ready to hear your explanations." My lips turned into a thin line as I heaved a heavy sigh, "And I don't know when will I be ready to hear it."
Hindi ko na sya hinayaan pang magsalita dahil agad na kong naglakad palayo sa kanya.
Humawak ako sa dibdib kong panay ang kabog ng malakas, para kasing tinatambol iyon sa lakas at bilis ng pagtibok. Tae, bakit ba ganito? Para akong aatakihin sa puso.
Namutla ako nang makaharap ko si Eren pagkalabas na pagkalabas ko ng CR. Nakapamulsa sya habang ngiting-ngiting nakatayo sa mismong harap ko.
Yung ngiting yon ang mas nagpadagdag sa dibdib kong dinadaga na sa sobrang kaba.
His smile says something, parang may sinasabi iyon na isang bagay na dapat kong ikabahala.
"E-eren." Hirap na hirap akong lumunok habang pilit na kinakalma yung sarili ko, "K-kanina ka pa ba dyan?"
Imbes na sumagot ay inilang hakbang nya yung pagitan namin hanggang sa huminto sya ilang sentimetro ang layo saken. Nag-iwas ako ng tingin nang marahan nyang hawiin yung buhok na nasa pisngi ko hanggang sa sapuin nya iyon at dahan-dahang dumausdos pababa sa labi ko. I'm confused when he wiped something in the side of my lips kaya sinalubong ko yung tingin nya, now he's looking at me straight but his smile is now gone.
"What happened to your lipstick?"
I don't know what to say, pero ramdam kong natigilan ako lalo sa sinabi nyang yon.
Then I suddenly remember Irene, she kissed me earlier. She fuckin kissed me! Ang tanga ko, malamang nag-smudge yung lipstick!
"I..." Hindi ko alam kung paano ako sasagot, "E-eren I---"
"Hindi ka marunong mag-lipstick?"
Ilang beses akong kumurap-kurap nang bumalik yung ngiti nya sa labi tsaka natatawang kinuha mula saken yung pouch.
He took the lipstick from it and removed the cap before gently holding my chin and started applying it to my lips.
"Magli-lipstick ka nalang lagpas-lagpas pa." Natatawa nyang anya bago ibinalik yon sa pouch ko at muling tumitig saken, "There. Gorgeous as usual."
Hindi na ko nakapagsalita nang bigla nya kong akbayan at halikan sa noo bago marahang hinila para maglakad na.
"Tara sa table natin." Yaya nya.
Wala sa wisyong tumango nalang ako habang humihigpit yung pagkakahawak ko sa pouch ko.
Di ko alam pero hindi pa rin nawawala yung kaba sa dibdib ko.
Instead, mas nadagdagan pa yon.
(Third Person's POV)
Sumalubong ang malakas na tugtugan sa kanila at ang medyo dim na mga ilaw, nagkakasiyahan na ang lahat pero meron din namang nagse-stay lang sa sa kanya-kanyang mesa. Yun nga lang at lamang ang mga nagsasayaw sa dancefloor na akala mo nasa isang high end bar ang mga ito.
Tila lumulutang sa ere yung diwa ni JR habang akay-akay sya ni Eren patungo sa table na sinasabi neto, napukaw lang yung atensyon nya nang makita nyang kasama nila sa iisang table ang asawa ni Irene kaya malamang ay kasama din mismo ang babae.
'Shit.' Mura nya sa isip nya habang nakatingin sa lalakeng iyon.
Gusto nyang umiling-iling pero baka magtaka si Eren kaya hindi nalang sya kumibo.
"Eren!" Bati neto sa kanya tsaka nakipagkamay sa lalake, "Its nice to finally see you again! How are you?"
"I'm fine, Drake. How about you?"
"I'm doing great!"
Kinagat ni JR ang ibabang labi nya habang nakikinig sa lalake na ipakilala isa-isa yung mga taong nasa mesa nila, nawawalan na talaga sya ng interes sa party na toh, mas gusto nalang nyang umuwi dahil pakiramdam nya ay wala pa man din ay nadrained na agad yung energy nya matapos kausapin si Irene.
"Well, this is Jhayrein Arriane Herrera." Pakilala naman ni Eren sa kanya, bahagya nitong hinahaplos yung likuran nya, "JR, meet my friend Irene, she's Drake's wife."
Her bored eyes landed on Irene whose expertly faking a smile on her, wala naman syang choice kundi ang makipagngitian.
"Hello, nice to meet you." Kunwaring anya ni Iren na inilahad pa ang kamay sa kanya.
Kumikibot-kibot yung nakangiting labi ni JR na tinanggap yon sabay plaster nanaman ng fake smile.
"Nice to meet you too."
Bumaling si Irene kay Eren, "Is she your acquiantance that you're talking about, Eren?"
He frowned, "Not just an acquaintance." Sinundan ng tingin ni Irene yung braso ni Eren na mula sa likod ay tuluyang pumulupot sa bewang ni JR, "She's my date."
"Oh, date." Sabat ng isang lalaking kadarating lang kasama ang singkit na nagpabigay ng drinks sa kanila kanina, "Anong nangyare sa 'No dating policy' ng company nyo?"
JR grimaced while Eren smiled, "Highly implemented pa rin naman."
The chinky eyed guy smiled widely, "Are you not afraid to be sue by your company because of breach of contract?" Sabay sulyap kay JR pero agad ding bumalik ang tingin kay Eren.
"Nah," Eren confidently said, "I'd rather breach my contract than lose this kind of woman." Anya na ikinalingon ni JR at ikinaiwas ni Irene ng tingin.
Austin chuckled, "I have no doubt." Sinulyapan nya si JR nang may naniningkit na tingin bago ngumiti nang pagkalawak-lawak, "You have such a beautiful date, Mr. Gonzales."
"Yes, I know."
"Dude, sya din yung kasama ni Eren sa cover ng magazine na ilo-launch tomorrow morning." Siko ni Daniel sa singkit na ikinatawa naman neto.
"My, my, now you just poked my interest." Namamanghang anya habang nakatingin kay JR na ngayo'y naka-ismid ng bahagya.
"Save your interest to yourself." He smiled and kissed her cheek in front of them, "This woman is taken by me."
Muli nanaman silang nagtawanan matapos yon pwera kay JR na pilit na ngiti lang ang nagawa habang namumula ang mga pisngi, ganon din si Irene na awkward na nag-iwas ng tingin.
"I'm Daniel Suther, by the way." The guy said and shake both of their hands, "And this is Austin Sanders."
"Nice to meet you both," Ngiti ni Eren, "And thanks for the drinks, Austin."
"No problem."
Bumuntong hininga nalang si JR para kalmahin yung puso nyang muntik ng kumawala sa ribcage matapos nung matamis pa sa asukal na litanya ni Eren, pero hindi nya maitatangging kinakabahan pa rin sya sa nangyare kanina. Sa tingin nya ay dadalhin nya yon hanggang sa kinabukasan, non lang sya nakaramdam ng ganong klase ng kaba na para bang kapag nalaman ni Eren ang tungkol sa ginawang paghalik ni Irene sa kanya ay talagang pagsisisihan nya, hindi katulad noon na kahit lantaran syang mambabae ay ayos lang. Wala ni isang guilt syang nararamdaman, pero iba na ngayon.
Sa sobrang occupied nya ay ni hindi nya napansin kung paanong saglit na kumunot yung noo ni Eren matapos makipagkamay sa dalawang lalake lalo na kay Austin. Basta nalang din syang naupo habang okupado ang isip.
'I think I've seen him somewhere before.' Nakangiti naman si Eren pero yung kilay nya malapit ng magsalubong dahil sa paulit-ulit na tumatakbo sa utak nya.
Nag-umpisang magdatingan ang mga waiters at nilapagan sila ng light foods at alcoholic drinks, since tila wild party naman ito at hindi isang formal party kaya hindi din nakakabusog na mga pagkain ang nakahanda, bagay na ikinaiirita ni JR dahil nagugutom sya.
Hindi din sya makarelate sa kung ano mang pinag-uusapan ng mga kalalakihan sa table nila, hindi sya sumasabat, ganon din si Irene na alam nyang sinisipat-sipat sya. Nararamdaman nya ang panaka-nakang sulyap neto sa kanya na hindi naman na nya iniintindi pa, baka masira na ng tuluyan yung sistema nya kung hindi sya titigil kakaisip sa eksena nila kanina sa CR. Kabado bente pa rin sya.
Panay nalang ang dampot nya sa mga pagkaing nasa mesa, parang appetizers lang kasi ang mga iyon kaya pasimple nyang sinosolo yung ibang nasa platito. Hindi sya nabubusog sa paumit-umit lang, especially sa nginunguya nyang strawberry ngayon na nakatusok sa isang toothpick at isinasawsaw sa tsokolateng nasa mangkok.
Kumuha ulit sya ng strawberry pero agad syang natigilan nang may nakasabay syang humawak sa toothpick na nakatusok doon, ilang segundong nagtagal yung tingin nya sa kaliwang kamay na nakapatong sa kamay nya tsaka dahan-dahang nag-angat ng tingin kung saan tumambad sa kanya yung nakangiting singkit na nagpakilalang Austin.
"Sorry, you can have that one." Masaya netong anya tsaka tinanggal yung pagkakapatong ng kamay sa kanya.
Naniningkit syang ngumiti ng peke bago isinubo yon. Hindi nya alam kung bakit pero bigla nalang napukaw ng singkit na toh yung atensyon nya nang dahil lang sa nagkadikit yung kamay nila.
Ewan ba nya, pero parang pamilyar sa kanya ang lalaking toh.
Dumako yung tingin ni JR sa kasama netong nagpakilalang Daniel at ngayon nya lang napagtanto na isa ito sa mga taong 'suspect' bilang leader ng sindikatong hinahanap nya.
Nabasa nya ang profile neto, isang model at rising actor na din, may mga minor roles sa ibang teleserye, minsan guest din sa mga talkshow pero mas madalas ang pagiging model sa ibang bansa. Umaabot sa 6ft mahigit ang tangkad neto, medyo malaki ang katawan, kaliwete pero hindi nya alam kung pala-yosi din ba ito. Nalilink din ito sa iba't ibang babaeng modelo at kilalang artista, bali-balita ding marami itong fling sa bawat bansang pimupuntahan neto. So far, ito ang may pinakamalapit na traits sa taong hinahanap nya.
Pero mas duda sya sa singkit na toh kaysa sa Daniel sa hindi nya malamang dahilan, wala naman ito sa profiles na ibinigay sa kanya ni Chryseis pero ewan nya ba. Hindi din naman ito modelo o artista kundi isang photographer. Kasing tangkad neto yung Daniel, maputi at payat pero hindi naman yung tipong liliparin na ng hangin, payat ito na may sinasabi naman ang katawan kahit papano. Kanan ang nakikita nyang dominanteng kamay neto, malay ba nya kung nagyo-yosi ito. Wala sa itsura nito ang babaero pero mukhang natural sunshine ang tema neto sa buhay dahil konting ngiti ay sumasabay yung mga mata nitong singkit sa manipis nitong labi.
Parehong walang tattoo ang mga lalake na tatsulok sa leeg kaya hindi nya magawang mapagsuspetyahan ng tuluyan tong dalawang toh.
Umiling sya sa utak nya at ngumisi, hindi naman na nya trabaho ang hanapin yung lider na yon pero gusto pa din nyang makasiguro kaya walang ano-ano nyang itinaas ang kamay sa ere kaya naagaw nya yung atensyon ng ibang naroon.
"What are you doing?" Takang sambit ni Eren na bumaba ang kanang palad sa lantad nyang hita pero nginitian nya lang ito.
"Yes, ma'am?"
"Do you have Dunhill fine cut black?" Ngiti nya sa lumapit na waiter mula sa likuran nya.
Gulat namang kumurap-kurap yung waiter sa kanya habang si Eren naman ay nakikinig lang habang matamang nakatitig sa kanya.
"Cigarette m-ma'am?" Tumango si JR kaya dali-daling tumango din ang waiter, "O-okay ma'am, how many stick do you want me to serve you, ma'am?"
"A whole pack. Thank you."
Mabilis na umibis paalis ang waiter kaya nakangiting bumaling si JR kay Eren, kinakabahan pa rin sa dala ng kanina pero nginitian nya nalang ito.
"So your date is fond of smoking." Pagtikhim ni Daniel, "Dunhill, huh? Nice brand."
"Bibihira ang Dunhill na brand dito, mabuti nalang at meron sila." Singit pa ng asawa ni Irene habang ang babae ay tahimik na sumisimsim ng alak sa sariling baso.
"It's a brand from United Kingdom, right?" Austin asked while smiling from cheek to cheek na sinagot nya naman ng tango.
Now she'll get the answer that she wants to hear.
"Do you smoke?" Tanong nya pero umiling si Austin.
"I do not smoke but Daniel does." Sabay turo sa kaibigan na ngumiti pa.
Gustong ngumiwi ni JR pero hindi nya magawa, 'Daniel do smoke, pero bakit parang hindi ako kumbinsido?' Ngayon mas nadagdagan yung isipin nya.
Tumango-tango lang si JR bago muling ibinalik sa asawa ang tingin na ngayo'y seryoso syang pinakatitigan.
Then Eren slowly leaned on her ear, "Magyo-yosi ka?" He uttered in a low voice where she answered by a nod, "Bakit?"
"Wala naman."
Hinawakan nya yung kaliwang kamay netong nasa hita nya habang ang isang kamay naman ay naka-patong sa mismong sinasandalan ni JR kaya mukha itong naka-akbay sa kanya, bahagya itong nakanguso na tila batang nagmamaktol dahil hindi ito sang-ayon sa gagawin nya.
Ni hindi man lang nila napansin yung kunot noong tingin ni Irene na kaharap lang nila pati na din ang nakangiting titig ni Austin.
"Ngayon lang naman."
"Kahit na." Simpleng ismid ni Eren.
Hindi naman kasi sya pala-yosi, si Morgan lang ang ganon sa kanilang magkakaibigan pero emeng props nya lang naman yung pagbili ng yosi dahil may gusto lang kasi syang malaman, awkward naman kasi kung bigla syang magtatanong kung naninigarilyo ba ang mga ito.
Agad na nakabalik yung waiter bitbit yung hiningi nya, binigyan nya naman ito ng bayad tsaka kinuha yon at binuksan.
Eksperto nyang inipit yon sa labi at akmang kukunin ang laging baon na lighter sa pouch nya nang maunahan sya ni Eren.
He lit up her cigarette by the lighter that he got from JR's pouch. Dumako yung tingin ni Eren sa mapupulang labi ng asawa na may nakaipit na stick ng sigarilyo habang si JR naman ay nakatitig sa mga mata ng lalake.
Ilang segundo pa silang nagkatitigan bago naputol yon nang malakas na umalingawngaw ang masiglang tugtugin kasabay ng pagpatay ng ilaw, ngayon ay ang malilikot na disco lights at colorful spotlights nalang ang nagliliwanag sa paligid.
Inipit nya sa pagitan ng dalawang daliri ang stick at binuga yung usok na nahigop nya mula doon.
Sandaling nalibang si JR lalo na ng maghiyawan sa saya ang mga tao habang sumasayaw sa gitna ng dancefloor, but her husband quickly got her attention when Eren started nuzzling her neck.
He's sniffing and gently planting small kisses on her neck while his hand resting on her lap started caressing it back and forth. Dahil don ay tila silang dalawa nalang ang nandoon, wala na silang ibang pakielam sa mga kasama nilang may kakaibang tingin sa kanilang dalawa.
Humigpit yung hawak nya sa kamay ni Eren na nasa hita nya at ang isang kamay naman ay hawak-hawak yung sigarilyo bago impit na tinawag yung pangalan neto.
"Eren..."
"Hmn?" He hummed before trailing his kisses unto her cheek, "What is it?" Malumanay nyang tanong sa asawa.
"Wanna go home?" Bulong nya pabalik dito na ikinangiti ni Eren.
"Why, are you tired?"
She shook her head, "No." She gave him a smack on his lips and smirked, "Shall we get tired together?"
He pinched the tip of her nose and smirk, "I'm in."
Agad na tumayo si Eren habang hawak-hawak ang kamay ni JR tsaka nag-excuse sa mga kasama na aalis na.
Ismid na pinanood nalang sila ni Irene habang si Austin ay iiling-iling na sumimsim sa basong iniinuman nya.
(Eren's POV)
Tahimik ang naging byahe namin pauwi, mabuti nalang at hindi na din kami nagtagal doon dahil hindi ko talaga kayang magtagal sa kahit anong party. Hindi ako kumportable lalo na noong nangyare six years ago, pakiramdam ko may mga armadong lalake ang bigla nalang papasok at aatake tulad ng dati kung saan kami unang nagkakilala ni JR.
Napatingin ako sa likuran nya habang nauuna syang maglakad saken.
She's very stunning tonight, even though she's stunning in my eyes everyday and in any clothes that she wears. Para sakin, sya lang ang pinakamaganda.
Then my eyes went to our hands that is both intertwined to each other while she's gently pulling me towards the pastel pink themed mansion that she bought.
Her hand, I love holding her hand. Small things like this makes my heart flutter in happiness, pakiramdam ko ako na ang pinakamaswerteng lalake sa tuwing nahahawakan ko yung kamay nya.
Lumapit ako at niyakap sya mula sa likuran dahilan para bumagal yung lakad nya dahil nagkakasabay na kami sa paglalakad.
Now she's holding my arms that is wrapped around her waist while I'm gently kissing her cheek.
"Jhayrein..." I whispered.
"Hmn?"
"Alam mo na ba?"
"Huh?" Taka syang lumingon saken, "Alam ang alen?"
"Alam mo na bang gustong-gusto kita?"
Bahagya syang natigilan tsaka nagsimulang matawa kaya napangiti ako.
Ewan ko ba pero yung tawa nya yung pinakamagandang boses na naririnig ko. Hindi ako magsasawang pakinggan yung tawa, sinsero man o sarkastiko. Hindi nakakasawa.
Kumalas sya sa pagkakayakap ko at humarap, nandon pa rin sa bewang nya yung kamay ko. Lumawak yung ngiti ko nang sapuin at kurutin nya yung magkabilang pisngi ko.
"Sobrang saya mo naman yata."
"Masaya lang." Nginitian ko sya, "Ayokong maging masaya ng sobra."
She frowned, "Bat naman?"
"Naniniwala kasi ako na ang sobrang kasiyahan ay mabilis na pinapawi ng kalungkutan." Ngumuso ako ng konti nang makita yung pagseryoso nya, "Masaya ako kasi alam ko ng hindi ka galit o umiiwas saken nang dahil lang sa sinabi kong gusto kita." Sambit ko na naging dahilan ng mayabang nyang pagngisi.
"Hanep sa litanya, ang bigat. Hindi ko kinaya."
"Syempre, tokwa nalang ang magaan sa panahon ngayon ano!?"
Umismid sya at pinitik yung tungki ng ilong ko, "Korni mo." Sabay tawa kaya natawa din ako.
Pero unti-unting humupa yung tawa ko habang pinagmamasdan yung naniningkit nyang malapusang mga mata sa masayang pagtawa nya.
Hindi ko inasahang marinig mula sa kanya kanina na talagang gusto nya din ako at ang nakakatuwa pa ay sinabi nya yon habang nasa party kaharap si Jayson at ang iba pang kaibigan neto.
Ang kaso ay hindi ko din inasahan yung mga narinig ko mula sa kanila ni Irene.
Lalong-lalo na yung nakita kong pagdampi ng labi nila sa isa't isa.
She kissed and bedded a lot of women before but none of them pained my heart as it is but that kiss. Just because of that one kiss.
Just a kiss from her ex-girlfriend made me worried that my likeness is not enough to remove her feelings from her beloved past.