Chapter 27

6098 Words
Chapter 27 (JR's POV) ISANG malambot na kung ano yung panay dampi sa pisngi ko na dahilan kung bakit naalimpungatan ako, idagdag na din yung mainit na palad na pabalik-balik ng himas sa lantad kong braso. "The best thing 'bout tonight's that we're not fighting Could it be that we have been this way before?" Pinilit kong dumilat at inaninag yung orasan na nakasabit sa pader ng kwarto namen tsaka mahinang napamura. Dyahe, ala una palang ng madaling araw. "I know you don't think that I am trying I know you're wearing thin down to the core..." Gusto kong magsalita pero mas natuon yung atensyon ko sa banayad na boses nyang mahinang kumakanta habang nasa gilid ko. "...But hold your breath Because tonight will be the night That I will fall for you over again Don't make me change my mind Or I won't live to see another day I swear it's true Because a girl like you is impossible to find..." His soft voice really sounds great on my ear. "You're impossible to find..." I felt his warm breathe on my cheek and ear that made me shut my eyes. Talented talaga, maganda na nga yung pagmumukha, maganda pa yung boses. I pulled the comforter even more to cover my arms, tinulungan nya naman agad ako na hilahin yon. Medyo nilalamig ako sa lamig ng simoy ng aircon, mabuti nalang at nagbibigay init yung malambot na kama, comforter tsaka syempre yun katawan nya. "Did I wake you up?" He whispered huskily on my ear that made me groan as a yes, nasundan naman yon ng mahina nyang tawa, "Nagising nga kita." "Bakit gising ka pa?" Mahina kong tanong habang nakapikit at mas sinisiksik yung katawan ko sa kanya, habang sya naman eh patuloy na hinahalik-halikan yung pisngi at panga ko. "I can't sleep." Doon ako dumilat ng tuluyan. Dahan-dahan akong kumilos para humarap sa kanya kung saan sinalubong ko yung tingin nya. Now I'm facing him. Nakaunan yung ulo ko sa braso nya habang magkaharap na kami ngayon, I can now completely see his pretty face. He's staring at me with his sleepy eyes, halatang inaantok na sya pero hindi nga makatulog. "Anong nangyare? Bat di ka makatulog?" "I don't know." "Eh pano yan? Baka may lakad ka bukas." Ngumuso sya tsaka pinagmukhang nakakaawa yung mukha nya, "Baby, make me sleep." I felt myself stopped breathing for a second and unbelievably looked at him, he chuckled as he pulled me closer to him. Gagi, iba talaga epekto kapag tinatawag nya kong baby! Nakakahinto. "Bakit napapatigil ka kapag tinatawag kitang 'baby'?" Biglang tanong nya na nagpainit sa magkabilang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. "Sira." "Luh, tokwa oo nga." "Imahinasyon mo lang yon." Ismid ko. "Weh? Huminto ka nga bigla eh." Anya kaya inirapan ko sya. "Ang dami mong alam, Eren. Matulog ka na nga." "Baby!" Parang batang sigaw nya bigla kaya ayon, nag-init yung mga pisngi ko. "Tsk. Matulog ka na." "Baby!" "Eren." "Baby!" "Eren, isa." "Babyyy!" I tsked, "Hindi ka titigil?" Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya na ikinalunok ko. Nakakakilabot talaga mga ngisi neto. "Hey, baby." He said that in his sexiest tone, yung tipong pati straight na lalake kikiligin. Taeng Eren toh, mang-aakit nalang sobra-sobra pa. Kainis! Nangingiti akong umiling tsaka pumikit na ko at sinubukang matulog pero hindi ko na magawa, panay kasi halik nanaman nya kaya inis ko syang sinimangutan. "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka---Hoy! Yung comforter nahihila!" Sira ulo toh! Bigla ba namang bahagyang bumangon tsaka lumipat sa taas ko!? Ang lamig-lamig na nga eh! Nahihila yung comforter, wala kameng suot na damit! Imbes na sumagot eh ngumisi lang sya na bibihira ko lang makita kaya napalunok nanaman ako. Binabangungot ako sa ngisi nyang yan. Malademonyo eh. "Akala ko ba magpapakapagod tayo?" Sambit nya na tila nang-aasar na nagpaawang sa labi ko. The. f**k. "H-hindi ka pa ba p-pagod?" Sunod-sunod syang umiling sabay hinawi yung buhok ko habang ang siko nya'y nakatukod sa magkabilang gilid ko, "I'll never get tired of you." Pakiramdam ko tumalon yung puso ko sa sinabi nyang yon, diretsong-diretso kasi tsaka titig na titig yung paningin nya saken. I can't help but to feel that familiar sensation because of him. Kingina, magmula nang makauwi kami inumpisahan na nya, ngayong madaling araw na ayaw pa ding tumigil. Wala bang kapaguran ang isang toh? Hindi na ko umalma nang yumuko yung ulo nya at sinimulan akong halikan. His soft lips are kissing me gently, I kept on moaning everytime that his tongue explores inside my mouth, especially when he's softly biting my lower lip. Wala sa sariling napahabol ako sa labi nya nang bigla syang bumitaw at lumayo ng bahagya ang mukha sa akin kaya taka ko syang tinignan. "What?" Lalo akong nagtaka nang kumunot yung noo nya habang ang mata ay nasa akin, "May problema?" Ilang segundo lang syang nanahimik bago nakangiting idinagan ang bigat sa katawan ko at yumakap sa bewang ko, yung ulo naman nya ang nakasandal sa dibdib ko. Hindi naman ako nahihirapan sa posisyong iyon, nakadagan sya pero hindi ko din maramdaman yun buong bigat nya. His elbows are supporting his weight, all that I can feel is the warm feeling of his naked body brushing on mine under the thick comforter. "Jhayrein..." "Oh?" "Let's stay like this for a while." I smiled and began twirling some of his soft and silky hair. Tsk. Dinaig pa nya yung babaeng model ng shampoo sa ganda ng buhok nya, ganon din yung sa balat nyang malambot at makinis dahil alagang lotion. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, si Eren ang pinaka-banidoso. Magmula sa paggising hanggang sa pagtulog hindi sya nakakalimot sa 'skin routine' nya, bukod sa paghihilamos ng sabon eh may kung anek-anek pa syang mga cream at mask na nilalagay sa mukha, meron din sa katawan, naglalagay sya ng sunblock kada aalis, lotion kada matutulog, kapag hapon naman na at nasa labas pa sya ay naglalagay sya ng anti-mosquito body lotion. Hindi ko din maintindihan kung bakit kailangan maglagay sya ng face powder kung minsan, nagli-lipbalm din sya at minsan may pa-liptint pa lalo na kapag may shoot sya pero hindi yung sobrang kapal, parang dampi lang. Masyado na syang gwapo, lalo pang nagpapagwapo. Tsk. "May bigla akong naalala." I c****d an eyebrow at him, "What?" I asked then he made a childish pout. "I suddenly remember the first time that we saw each other, it was so epic." I grinned because of his cute facial expression, "I was like, what the tofu? I looked like a 'prince in distress' imbes na damsel? " We both chuckled because of that, napa-flashback tuloy ako ng wala sa oras dahil sa biglaan nya ding pag-ungkat ng nakaraan. "Nakakatawa na nakakainis yung itsura mo non." Pag-amin ko habang inaalala yung unang beses na nakita ko sya, "Konting-konti nalang kakulay mo na yung tokwa sa sobrang putla mo, tapos kung ano-ano pa pinagsasabi mo saken." I scoffed, "Ibebenta kita, kamo? Tae, hindi mo alam kung paano ko minotivate yung sarili ko na gumapang sa pesteng vent na yon para lang makapasok tapos---pagbibintangan mo lang ako na kasabwat ng mga yon? Kalokohan. Kalalaking tao, takot." Dinig na dinig ko yung lalakeng-lalake nyang tawa, masarap sa pandinig, masarap din kasi sya eh. "Because I was really scared that time, aaminin kong natakot talaga ako ng sobra-sobra. What do you expect? I heard them talking in front of me, bilyones daw yung halaga ko, sinong hindi mamumutla don? Dinaga ako ng sobra, iniisip ko kung anong gagawin nila saken once na maibenta na ko, kung kukunin ba nila yung organs ko or what. Tapos binaril pa ako nung lider-lideran nila." "Mga sindikato yon." Sambit ko dahilan para lingunin nya ko, "Yung grupong yon, inuutusan sila para pumatay, mangidnap, magnakaw at kung ano-ano pa pero mas nagfo-focus sila sa pagkuha ng mga taong pwede nilang mapakinabangan." He pouted, "At ano namang mapapakinabangan nila saken? Lalake kaya ako." "So? Men can be slaves too, Eren." Nanlaki bigla yung mata nya sa gulat at takot kaya natawa ako, nag-imagine na yata sya ng kung anong posibleng nangyare sa kanya kung saka-sakaling nakuha sya at naibenta, "Maraming cases ng mga batang lalaking binebenta sa black market at mga pedophile ang kadalasang bumibili sa kanila." "You mean... m-may gustong kumuha saken?" I shrugged while laughing at his scared face, "Malay mo may mga taong nagdemand para sayo, yung mga stalker at die hard fans mong pinagpapantasyan ka mula sa malayo dahil sobrang gwapo mo." Ngumuso lang sya lalo kaya hinuli ko yun gamit yung mga daliri ko, "Magpasalamat ka at dumating ako." Then I smirked, "Dahil kung hindi, baka malamang, laspag ka na ngayon." Ayon, lalo lang tumulis yung nguso nya kaya tinawanan ko din sya lalo. Abnoy eh. Pinagmasdan ko yung cute na cute na ekspresyon ng mukha nya. Di ko napigilang hindi lamukusin yung magkabilang pisngi nya. He has this not chubby yet fluffy cheeks. Ngayon bumalik nanaman yung kuryusidad ko sa kung anong itsura nya noong estudyante pa sya, he said he's chubby, right? I bet he's the fluffiest and the chubbiest. "Bakit mo pala biglang naalala?" "Wala lang, bigla nalang sumagi sa isip ko eh." Sabay nguso nanaman, "Nga pala, may sasabihin ako." Biglang anya. "What? What is it?" "Alam mo ba kung gaano ako katanga?" Makailang beses akong kukurap-kurap dahil sa sinabi nyang yon. Sobrang seryoso kasi nya na isang bagay na napakabihira ding mangyare bukod sa pangisi-ngisi nya. But that left me baffled. "Ano bang sinasabi mo dyan?" He just let out a smiled before holding my right hand, he intertwined our fingers before kissing the back of my hand. "I just thought that I have never, ever in my life liked someone, ni hindi pumasok sa isip ko ang magka-crush o magkagusto sa iba. I thought I'll just live my whole life being single since no one catches my interest, but then you came." Ngumiti sya at sinundot yung pisngi ko gamit ang isang daliri nya habang hawak pa din yon. "I was so dumb that I didn't notice how much I have fallen for you for the past years. Ang tanga ko." He innocently planted kisses on my hand that he's holding and now on my wrist, "I was dumb, I really was dumb. Kung gaano ako kabilis nahulog sayo, ganon naman katagal bago ko napagtanto na hindi lang kita basta gusto. Ang tanga ano?" "Eren..." "Akala ko talaga mababaw lang yung pagkakagusto ko sayo, yun pala sobrang lalim." Tumawa sya pero hindi iyon umabot sa mata, "Sa sobrang lalim, hindi ko na kayang umahon." I don't know what to say pero alam kong sobrang pula na ng mga pisngi ko sa sinabi nya. Tae. This is not the first time that I got blushed because of him, pero ito yung unang pagkakataon na ramdam ko sa sarili kong may tama saken yung mga sinasabi nya. Nalilito ko syang tinitigan while his eyes are solely focus on me. Wala talaga akong masabi sa mga pinagsasabi nya, gusto kong sumagot pero wala akong maisip na dapat kong isagot dahil pakiramdam ko magiging malaki ang epekto ng kahit anumang isagot ko sa kanya. "I'm dumb and willing to be dumber than before, kung ikaw lang rin naman ang dahilan kung bakit natatanga ako, why not diba?" 'Eren, ako ang natatanga sa mga pinagsasasabi mo.' I want to say that, but no words came out of my mouth. I was drowning in my thoughts on how should I answer him but then he slowly leaned upwards and kissed my forehead. "My heart is yours to own, Jhayrein but I have a favor..." I saw worried and confidence flickered in his eyes as he place his forehead on mine, "Please..." Then he cupped my face, "I'm begging you..." He plead. Then what he said next made me shocked but when a tear suddenly fell from his left eye made me pale and guilty, making me like I was the baddest person on earth. "Please, do not break it." (Eren's POV) Inilapag ko yung natitirang plato na hawak ko sa pwesto kung saan kumakain si JR bago ipinatong doon yung kubyertos at inilagay naman sa tabi non ang isang babasaging baso tsaka ako naglakad patungo sa refrigerator. Kasalukuyan kong kinukuha yung pitsel nang marinig ko yung mga yabag ng paa ni JR na akala mo nagdadabog sa lakas kaya napalingon ako sa direksyon nya. Ayon, kitang-kita ko syang nagkakamot ng ulo habang ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng pantalon nya. "Hi." Tumango lang sya sa bati kong yon habang nakakunot ang noong naupo sa upuan nya. Agad naman akong nagtungo sa katapat nyang upuan at pinatong ang pitsel sa mesa, nagsimula naman syang magsandok ng kanin. Pinagmamasdan ko lang sya sa mga ikinikilos nya at base sa mga asta nya eh batid kong naiirita sya, hula ko eh dahil yun sa mahaba nyang buhok na tumatabing sa mukha nya o baka naman magkakaron sya. Ganyan kasi sya madalas kapag hindi nya maitali yung buhok nya, o di naman kaya ay naitali nya nga pero hindi sya kuntento kaya ang ending eh nilugay nalang nya ulit. Pwede din namang badmood talaga sya,ganon din sya madalas kapag malapit na syang datnan. Umiling-iling ako. "Oh? Saan ka pupunta?" Nginitian ko lang sya sa tanong nyang yon bago ako mabilis na naglakad patungo sa kwarto namin at naghanap ng suklay at gomang panali. Matapos non ay bumalik agad ako sa kanya kung saan naabutan ko syang nakalingon sa nilakaran ko kanina na para bang hinihintay nya ko. "Anong gagawin mo?" "I'll tie your hair first." Hinawi ko patalikod yung buhok nya tsaka sinimulang suklayin yon para matanggal sa pagkakabuhol, "Mukhang may importanteng lakad ka today, titirintasan kita para hindi maging sagabal yung buhok mo." "Hmn." Tipid nyang sagot kaya napangiti nalang ako at inumpisahang ayusin yung buhok nya, habang sya naman ay nag-umpisa ng kumain. I want to heaved a heavy sigh but I can't. Ayokong mag-isip sya ng kung ano sa mga iniaasta ko, tama na yung mga kalokohang pinagsasabi ko kaninang madaling araw sa kanya. I don't want her to feel uneasy just because of that. "Are you not going to ask?" I blinked, "Ask what?" Tanong ko pabalik sa kanya, she asked that in the middle of her breakfast, sakto at natapos ko naman agad yung kaliwang buhok nya. Huminto sya sa pagkain at nilingon ako kaya nabitawan ko yung buhok nyang katatapos ko lang buhulan ng goma. Tumambad saken yung nakakunot nyang noo---teka, galit ba sya? I can't help but to pout, "B-bakit ganyan ka makatingin?" She stared at me for a couple of minutes before shaking her head. Sumenyas-senyas pa sya na tila sinasabing ipagpatuloy ko na yung ginagawa ko bago sya tuluyang tumalikod. Nagkibit nalang ako ng balikat. I'm okay with this, yung nag-uusap kami kahit papano. Sinisikap kong bawasan yung pagiging vocal ko sa nararamdaman ko sa kanya para hindi sya makaramdam ng ilang sakin. Tulad nga ng sinabi ni Jace, de baleng gusto nya ko o hindi, ang importante ay nasabi ko kung anong nararamdaman ko. Ang totoo ay naduduwag ako. Takot ako, takot akong maiwan nya sa ere, kaya naisip kong bawasan kahit papano yung pagiging vocal. Ayokong magsawa sya bigla saken. I'm also doing my best to forget everything that I've seen and heard about her past relationship with Irene. Sa tuwing naaalala ko kasi yon, wala sa sariling naiisip ko yung mga eksenang pwedeng mangyare kung sakaling ma-sort na ni JR yung feelings nya. Ayokong isipin na... basta nalang nya akong iitchapwera. *** "Goodmorning!" Masiglang bati ko sa mga nakakasalubong ko na staffs and other employees na nasa hallway. Binati din naman nila ako pabalik, yung iba may kasama pang apir at yakap kaya talaga namang nakakaganda ng araw. Ipinagpatuloy ko yung paglalakad hanggang sa makarating ako sa office ng CEO ng entertainment company na pinagtatrabahuhan ko. Ipinatawag kasi ako ni tatang para sa isang meeting, hindi ko pa alam kung ano pero mukhang importante yon. "Eren!" Nahinto ako sa paglalakad nang marinig yung pamilyar na boses ni Yvette kaya nakangiti ko syang nilingon, yun nga lang at nagitla ako nang salubungin nya ko ng yakap. "A-ano, goodmorning." Bati ko na may halong pagtataka at gulat sa asta nya. Ilang segundo muna ang lumipas bago sya bumitaw sa pagkakayakap saken at ngiting-ngiting humarap saken. "Goodmorning!" Napako yung tingin ko sa mestisa nyang mukha na ngayo'y pulang-pula na, "Uhm, p-pasensya na." Hingi nya ng tawad, mukhang nagulat din sa asta nya. Medyo natawa ako sa kinilos nyang yon kaya wala sa sariling ipinatong ko yung kamay ko sa tuktok ng ulo nya at ginulo yung buhok nya. "It's okay." Saad ko tsaka kinurot pa yung pisngi nya, "Tara na?" She's stunned for a second before letting out a sweet smile and began to walk beside me. Lumitaw tuloy yung dimples nya sa magkabilang pisngi tsaka bahagyang lumobo yon. She looks so cute whenever she smiles like that, para kasing nagliliwanag lagi yung ngiti nya kasabay ng mga mata nya. Nakaka-goodvibes. "Mag-isa ka lang yata?" I nodded, "Hindi kami magkasabay ni tatang na nagpunta dito and hindi din naman sumama si July. May lakad sya." "How about your bodyguard?" "She's... busy." Tokwa, it almost sounded so bitter. Muntik pa kong mapangiwi dahil doon. "Oh." She chuckled, "Ang daming naghahanap sayo kagabi sa party, kinukulit nila ako. Panay tanong kung nasaan ka daw." "Ah, I left early." "Huh? Bakit?" She looks so baffled, nakalingon sya saken habang naglakakad sa tabi ko, "Hindi ka ba nag-enjoy?" "Well, nag-enjoy naman." "Eh bakit umuwi ka agad?" Saktong huminto kami sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng office ng CEO, kaya imbes na sagutin yung tanong nya ay nginitian ko lang sya at pinagbuksan ng pinto para mauna syang maglakad papasok. Naabutan namin sa loob si tatang, si Mr. Howard na syang CEO ng entertainment company at nagulat ako nang nandoon din si Austin at Daniel. Nakangiti nila kaming kinawayan at binati kaya ganon din ang ginawa namin. Yun nga lang at medyo pilit yung saken. "Take your seat." Utos ng CEO. Agad kaming tumalima sa utos nya kaya tumabi agad ako kay tatang. "Nasaan yung babaeng militar?" Bulong nya saken na umisod pa ng konti para lang maibulong yon ng maayos. "Ah, hehehe may lakad ho si JR tatang." Umismid sya tsaka humalukipkip, "Kung kailan kailangan tsaka sya wala. Tsk!" Ang sungit talaga. Hehehehe. "Oh, yung pusa mo!" I was shocked when he suddenly handed Tofu to me, hindi naman nya ibinato pero padabog nyang iniabot saken kaya ako nagulat. "Dahan-dahan naman po." Paalala ko pero inismiran nya lang ako. "Tsk! Ilayo mo na yan saken at hindi ako natutuwa sa isang yan!" "Sorry na po sabi ni baby Tofu," Nigalaw-galaw ko yung maliit na paw ni Tofu, "Sorry lolo daw sabi ni Tofu oh." Sinamaan nya ko ng tingin, "Tigil-tigilan mo yan, Eren." "Pero humihingi na ng sorry si baby Tofu, tatang." Pagnguso ko pero hindi tumalab, lalo lang sumama yung tingin nya saken. "May hang over ka pa ba!? Hah!? Na-abnoy ka nanaman!" "Tatang naman?" "Wag mo ng ipilit dahil inihian nyan yung unan ko kagabe!" Impit nyang singhal at akmang kokotongan pa si baby kaya inilayo ko yun ng konti sa kanya, "Sa susunod na iwan mo yan sa bahay ko ay talagang a-adobohin ko yan!" Hala sya, ang harsh na ang sungit pa. I just pouted even more and started caressing my baby's soft fur while he's resting on my palm, "My baby sweetcake!" Iniangat ko sya habang nakahawak ang magkabilang kamay ko sa katawan nya, "Did you miss me? Namiss mo si daddy? Huh?" Isang ngiyaw lang ang natanggap ko sa kanya kaya natatawa ko syang inilapag sa mesa katapat ko. "What a cute little kitten you have there, Eren." I looked towards Austin's direction. Ang parehong siko ay nakapatong sa mahabang mesa katapat ng pwesto ko habang ang baba ay nakapatong sa dalawang palad nya. Bahagya syang nakangiti habang ang mata ay na kay Tofu. "Yeah, he's cute." I said. "A white munchkin, huh?" I nodded, "Yup." "I see, looks like you're fond of cats." Tinanguan ko sya at ginantihan naman nya ko ng isang napakagandang ngiti, "I'm collecting some kittens too." "Really?" "Yeah." "What kind of kittens?" "Hmn..." Umakto syang tila nag-iisip, "I like those kittens with fierce cat eyes, the one who can glare yet can caught my interest at the same time by being seductive, the kind of kitten that looks dangerously attractive." Then his smiled got even wider as he tilted his head, as if he thought of something very exciting, then his eyes slowly went directly to me, "Especially the wild and feisty ones." Medyo natigilan ako doon, hindi lang dahil sa sinabi nya ngunit sa paraan ng pagngiti nya. He's smiling yet his eyes are telling something that I can't explained. I even felt some goosebumps and a chill run down from my spine. Why do I have this feeling that he's pertaining to a person instead of a real kittens? It's as if... he's pertaining to my wife? I want to frown but I stopped myself because I don't want to make myself suspecting him of something. Pasimple nalang akong tumikhim at hilaw na ngumiti, "That's good to hear." Tumango-tango sya pero hindi na naalis saken yung tingin nya. And I don't know if I'm just being paranoid or what but I swear, I saw him smirked for a split of second. (Third Person's POV) SAGLIT na nagpaalam si Eren para magtungo sa CR, hindi talaga sya makapag-isip ng maayos kaya lumabas muna sya para magbanyo. Hindi naman talaga sya naiihi, gusto lang nyang huminga saglit dahil pakiramdam nya nasasakal sya sa tuwing nagtatama yung tingin nila ni Austin. Kada ngiti nito ay parang merong ibig sabihin kaya nagpasya syang lumabas. Kaya ayon, heto sya, binibilang nya yung minutong lumilipas sa loob ng CR habang nakaharap sya sa salamin. "Tokwa, baka nasisiraan lang ako." Bumuga sya ng hangin tsaka hinawi yung buhok, "Epekto siguro ng puyat." Ilang beses syang umiling bago nagpasyang lumabas na ng CR. Sakto namang paglabas nya ay nagtama ang mga tingin nila ni Irene, nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pader katapat ng pinto. Base sa itsura neto ay mukhang kanina pa talaga sya inaabangan ng babae. Umayos ng tayo si Irene tsaka nakangiting lumapit sa kanya, "Hi." Sabay kumaway ito gami ang isang kamay. Hilaw syang ngumiti dito, "Hello." Bahagyang tumabingi yung ulo nya, "Wag mo nalang akong ngitian, just please don't fake your smile." Nag-iwas ng tingin si Eren tsaka bumuntong hininga, "Do you need something from me, Irene?" "I'm just here to clarify some things." Ipinasok ni Eren ang parehong kamay sa bulsa ng pantalon at diretsong tumingin sa kaibigan. Irene looks so serious kaya alam nyang mahalaga ang kung ano mang sasabihin neto sa kanya. "I know that you're there." Ulo naman nya ang tumabingi, "Saan?" "Yesterday, in the party, outside the comfort room." She cleared her throat, "Alam kong nandon ka sa labas ng CR, you heard and saw us." "Ah, yun ba?" He nodded, "Yes, nandon ako." "Yeah, well, I just want to tell you that I'm the one who initiated the kiss and not my Jhayrein. I kissed her first. Period." Saglit syang tinitigan ni Eren habang unti-unting kumunot ang noo. He's confused and a little bit irritated dahil hindi nya alam kung anong pinupunto ng babae. 'My Jhayrein?' Umismid sya ng konti, 'Jhayrein is not hers anymore, why is she claiming my wife? Tsk.' Bumakas naman yung pagtataka sa mukha ni Irene, "Aren't you going to say something?" "Anong gusto mong sabihin ko?" "Hindi ka ba affected sa sinabi ko?" Inis syang umirap at humalukipkip, "I kissed your date, Eren and hindi ka man lang nagpapakita ng kahit na anong interes." "Dahil hindi naman talaga ako interesado, Irene." "You're not interested on Jhayrein?" "Correction." His lips turned into a thin line, "I'm not interested on the kiss between the two of you." Irene frowned and nodded in disbelief, "You're not affected, aren't you?" "I am. Apektado ako, Irene. Sobrang apektado, yung tipong hindi na nawala sa isip ko yung nakita ko na hanggang ngayon nasa utak ko pa din." "Then why are you saying na hindi ka interesado!?" "Dahil hindi naman talaga." "What?" Mahina nyang bulong tsaka natatawang sinuklay ang blonde na buhok, "You're confusing me." "Wala namang kaconfu-confuse don." "Ang sabi mo hindi ka interesado pero affected ka? What the hell, Eren?" "There's a big difference between not being interested and being affected, what's so confusing about it?" "Ang gulo mo." Eren shrugged, "Kanina pa kita kinakausap ng maayos pero ikaw tong magulo." Sandaling natigilan si Irene matapos madinig yon, daglian nyang naalala yung sinabi ni Jhayrein sa kanya kahapon. Parehong-pareho iyon sa sinabi ni Eren ngayon. "Kingina, kanina pa kita kinakausap ng maayos pero ikaw tong magulo!?" She bit her lip and pursed her lips, 'Are they together for too long? Parang nakukuha ni Eren yung ugali ni JR, he even said the exact same words with JR.' Saad nya sa isip nya. Huminga ng malalim si Eren pero hindi na nawala yung gatla nya sa noo kakakunot habang pinagmamasdan si Irene na nakatitig din sa kanya. Hindi na nya alam kung anong dapat nyang maramdaman. Irene is one of his closest friends, sya ang unang-unang naging kaibigan nya sa entertainment industry. Isa ito sa iilang tao na nakakakilala ng totoong Eren, mabait ito at talaga namang tunay na kaibigan dahil sa mga worst situations nya ay kinakamusta at kinakausap pa rin sya ng babae kahit na nasa ibang bansa pa ito. Yun nga lang, hindi sya papayag na ibigay si JR dito. "Hindi ako interesado sa halikan nyo, pero inaamin kong apektado ako sa mga nakita't narinig ko." Panimula nya, "I've been questioning myself eversince I saw that, I'm questioning my worth, my patience and understanding." His hands turned into a closed fist while his jaws are clenching. His emotions are written on his face, napakadaling basahin at intindihin. "You don't have any idea on how hurt I am just by seeing the woman that I love kissing another woman behind my back and the fact that she's acting as if nothing happened hurts me even more." Nangibabaw ang sandaling katahimikan matapos sabihin ni Eren yon. They are still staring directly on each other, wala ni isang kumukurap. "Then why didn't you say anything?" Putol ni Irene, she said that in a lowtone voice. Eren let out a weak smile, "Because I love her." "What do you mean?" "I'm an actor, hindi mahirap saken ang magpanggap. Kayang-kaya kong umarteng walang nakita at narinig, wala din akong ibang pagsasabihan. I'm doing this because I love her, I love Jhayrein Arriane so much at ayoko syang bigyan ng dahilan para iwan ako nang dahil lang sa nasasaktan ako." He sighed, "I'm willing to be blind, deaf and mute on everything that she does that hurts me, because I love her." "I..." Bahagyang yumuko si Irene at marahang umiling, "I don't get it." 'Wala ka talagang maiintindihan dahil hindi ka naman nagmamahal.' Eren wants to sigh in his thought, pero imbes na sagutin si Irene ay nakangiti nalang syang umiling. "I need to go, may meeting pa ko sa uncle mo." Humakbang na sya palagpas sa babae, "Excuse me." Tumabi si Irene para makadaan si Eren, nakapamulsa naman syang nilagpasan ni Eren kaya sinundan nalang nya ng tingin ang likod ng papalayong bulto ng lalake. But Eren suddenly stopped in the middle of the empty hallway that made Irene baffled. "One more thing..." Anya na kahit hindi ganon kalakas ay dinig pa din ni Irene. Then he turned his head and looked at her with a death glare that Irene saw for the first time. "Sa akin lang ang asawa ko." *** Natapos yung meeting ng hindi masyadong makapag-focus si Eren dahil iniisip pa rin nya yung tungkol sa mga pinagsasabi ni Austin at mas nagulo pa yon ng dahil kay Irene pero mas lamang yung iniisip nya tungkol sa lalake. Nararamdaman nyang may iba pang ibig sabihin ang lalake pero ayaw nyang maghinala ng sobra, baka mamaya ay praning lang sya o ano. Kaya naman nang matapos agad ang meeting ay mabilis na syang nagpaalam sa mga ito at nauna ng maglakad palabas. Wala namang humahabol sa kanya pero binilisan nya ang lakad patungo sa elevator, ginugulo talaga ng mga sinabi ng lalakeng yon yung isip nya. "Hoy teka nga, bakit ba nagmamadali ka dyan!?" Oo nga pala, hinatak nya din pala si tatang kasabay nya habang bitbit nya si baby Tofu. "Tara na tatang, mag-shopping tayo, libre kita." Pagdadahilan nya sabay mabilis na pinindot yung button para sa ground floor. Nakangiwing bumitaw naman ang ama sa kanya tsaka nameywang, "Shopping ka dyan? Ginawa mo pa akong babae." "Hindi lang naman pambabae ang shopping ah!" "Pero babae ang madalas na gumagawa." Umangkla si Eren sa braso ni tatang habang nasa isang kamay si baby Tofu. "Sige na tatang, shopping tayo!" "Wag kang makulet!" "Dali naaa!" "Eren, isa." "Tatang!" "Dalawa!" "Tataaang!" Inis na nagkamot ng ulo si tatang, "Ano ba talagang nangyayare sayong bata ka!?" "Shopping." Tatang groaned in defeat, "Oo na, oo na. Shopping kung shopping." Ngumuso lang si Eren bago yumuko at itinuon ang atensyon sa baby Tofu nyang nakatingala din sa kanya. Ewan nya pero napa-praning talaga sya, bonus nalang yung inis na nararamdaman nya dahil kay Irene. *** PANAY ang tapik ng paa ni JR sa sahig habang inililibot ang paningin sa paligid. Isang oras na syang nakatambay sa labas ng airport pero yung hinihintay nya wala pa din. Medyo naiinis na sya dahil sumasakit yung ulo nya, as in literal na masakit. Actually, bonus nalang yung sakit ng ulo nya. Yung puson nya talaga ang sobrang makirot, parang pinipilit yung puson nya sa sobrang sakit pero hindi nalang nya masyadong iniinda dahil normal lang naman nyang maranasan yon kada buwan. Ang hindi nya lang talaga maintindihan minsan ay yung masamang pakiramdam sa tuwing sasapit ang araw na toh, damay yung ulo at balakang nya. Kung hindi lang importanteng tao yung susunduin nya eh maghapon nalang syang hihilata sa kama at magmumuni-muni sa lahat ng mga bagay na dapat nyang alalahanin. Humugot sya ng malalim na hininga bago sinuklay ang buhok gamit ang sariling mga daliri habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon nyang may malalaking tastas sa hita. Napapapikit sya dahil nasisilaw sya sa tirik na sinag ng araw kahit na makapal ang itim na lente ng sunglasses na suot nya. Dumadagdag sa kirot ng ulo nya yung pagkakasilaw nya. Kumunot yung noo nya nang maramdamang may tumabi sa kanya at akmang hahawak sa balikat nya kaya hinuli nya ang kamay ng taong yun at binalak pilipitin nang swabe nong hinila ang sariling kamay. Kaya imbes na ang lalake ang mahila ay si JR mismo ang nahila neto at napasubsob sa dibdib ng lalake. "What the f**k!?" Isang mahinang tapik ang tumama sa noo nya kaya napa-angat sya ng tingin at nawala ang masamang tingin nang makita kung sino yon. Her eyes glittered in joy and excitement as she looked at the same cat eye shaped pair of eyes that she inherited and enveloped her arms around the old man's waist. "Papa!" She called out of glee, "I miss you!" Natawa ang papa nya at mahigpit na niyakap pabalik ang anak, marahan netong hinalikan sa tuktok ng ulo si JR habang ang mga kamay ay banayad na sinusuklay ang mahaba nitong buhok na nasa likuran. "I miss you too." He whispered before letting out a chuckle, "My princess is so aggresive today, muntik mo ng pilipitin yung kamay ko." "Because I thought you're someone else!" She pouted, isang bagay na ginagawa nya lang kapag kaharap ang ama, "Akala ko kasi kung sino na, bakit kasi hindi mo ko tinawag? You should've called me para aware ako." "I want to surprise you." Tumingala sya sa ama nang may nagniningning na mga mata, "Yeah, you surprised me!" "I'm happy to surprise you then." "I'm happier than you are!" Sinilip ng papa nya ang likuran nya, tapos sa kaliwa, then sa kanan na ikinataka naman ni JR. Nang hindi mahanap ng papa nya ang kung ano mang hinahanap ay agad na nagsalubong ang mga kilay neto tsaka sya tinignan. "Where's your husband?" Bahagya syang natigilan pero agad ding nakabawi at nagkamot pa ng ulo, hilaw syang natawa. "Ah, busy sya." She smiled, "M-may... may trabaho sya today." "Oh. Is that so?" "Y-yeah." Pinakatitigan sya ng ama na halatang di naniniwala sa kanya kaya luminga-linga si JR sa paligid na tila may hinahanap din kaya sinundot ng papa nya yung pisngi nya. "My princess, what are you looking for?" "Where are they?" "Ah." He scratched his nape and also began to look around, "Nandyan lang sila, they are just handling some monkey business---oh! Here they are." Umikot si JR para tignan yung direksyon kung saan nakatingin ang ama nya. She smiled so wide after seeing her three older brothers walking towards their direction, nabura lang yung ngiti nya at napalitan ng pagsasalubong ng kilay nang makita yung pamilyar na limang kwatog na na parang batang nakasunod sa mga kuya nya. 'f**k!' Mura nya sa isip nya habang hindi na maipinta ang mukha, 'Bakit nandito nanaman tong mga anak-anakan ni Eren!?' "My baby girl!" Lancelot, her eldest brother run towards her place exaggeratedly and hugged her tight, "I miss you! I miss you! I miss you! HMN! Namiss ka ni kuya baby girl! Muah! Muah! Muah!" Tila batang anya ng panganay na sinundan pa ng sunod-sunod na halik sa pisngi nya. Di nya maiwasang di mapangiwi, "Uh, kuya, namiss din kita but please." "Tsk. Step aside." Masungit na sambit ng pangalawa na si Anthony sabay hawi sa pinakamatanda nilang kapatid, humalik din ito sa magkabilang pisngi ng bunso bago ginulo ang buhok neto, "How's my beloved Arriane doing?" "I'm fine." Sagot nya pero ang paningin ay nandoon sa limang kalalakihang nagtatago sa likuran ng pangatlo sa mga kuya nya. They are hiding behind Joshua's back, parang tangang nakapila sa mismong likuran ng lalaking napapakamot nalang sa ulo. "My love, come here, give your kuya a hug." Naglalambing netong request. Masama ang loob na naglakad si JR sa pwesto ni Josh at niyakap nga ang kuya na humalik din sa tuktok ng ulo nya. Pero yung masamang tingin nya ay nanatili talaga sa likuran neto, particularly sa limang lalaking takot na takot sa masamang tingin nya. "Don't look at them like that, my princess." Natatawang awat ng papa nya na tinapik pa ang balikat nya, "You're scaring them." "Dapat lang." Mahina nyang bulong na sinagot lang ng tawa ng papa't mga kuya nya kaya napairap sya, "What are they doing here!?" "Pinasama sila ni Colonel Smith dito, suspended din sila dahil sayo." Inis nyang nilingon si Josh, "What!? Why me!?" They all shrugged kaya mas lalo syang nainis. She crossed her arms while still glaring at them, "Then where are they gonna stay!?" "In your house, of course." Her eyes widen in shock, "Papa naman!" "What? Nandoon naman kami. We'll be here for about two or three weeks, it depends on my mood, my princess." "But they are men!?" Malakas na humalakhak ang papa nya, napangisi naman ang mga kuya nya dahil sa sinabi nyang yon. "Sayo palang nga ay takot na yang mga yan, sa amin pa kaya?" He then smiled, "You've been fighting a lot of guys before, you don't have to worry about these men. Uuwi lang din sila kapag umuwi ka na din, that's the condition that your Colonel gave to them." Sunod-sunod na tumango ang mga lalake sa sinabi ng papa nya kaya mahinang napamura nalang si JR bago umangkla sa braso ng ama. "Fine!" Pagpayag nya pero nandon pa din ang masamang tingin, "Pero don kayo sasakay sa likuran ng Jeep ko!" Sabay hatak sa ama papalayo sa kanila. Nagkatinginan silang lima tsaka dumako sa mga kuya neto ang tingin, JR's brothers just shrugged before hurriedly followed them.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD