TUESDAY "Good morning," bati ko ni Shane s akin. Nakaupo siya sa sala naminhabang hinihintay ako at masayang nakikipagkuwentuhan kay Mama. Pansin ko talaga na magaan ang loob ni Mama sa kaniya. Kahit si Papa ay gusto rin siyang kausap. "Good morning din. Ang aga mo, saka sinundo mo pa talaga ako eh nasa baba ka lang naman," natatawang sambit ko. Naka-white blouse ako at skinny jeans na black. tinernuhan ko ng sneakers na may heels para komportable sa paglalakad sa Ocean Park. "Ipinagpaalam kita sa Mama mo para alam niyang ako ang kasama mo," tugon niya. Ang bait naman nito. Wala naman kaming relasyon pero pinagpaalam pa talaga ako kay Mama. Pakiramdam ko'y may bumarang kung ano sa lalamunan ko. "Wow, thank you," sambit ko na lang para magtakpan ang nerbyos ko. Tumingin ako kay Mama