CHAPTER 1: ONLINE SHOPPING ADDICT

1128 Words
Nakatitig ako sa screen ng phone ko habang nakasandig sa headboard ng kama ko. Nanlalaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang mga salitang sale at free shipping sa paborito kong online shopping app. Ito ang isa sa hobbies ko, ang magtitingin at bumili ng mga bagay na gustong-gusto ko sa online shops. Kabisado ko na kung saang shops may big discounts at kung kailan sila madalas mag-sale. Excited ako laging um-order sa online shops. May mga pagkakataong binabayaran ko na ang orders ko using my debit card, minsan ay through cash on delivery, lalo na kung bago pa lang ang shop na nabilhan ko. Ang lahat halos ng sinasahod ko ay napupunta sa mga pinamimili ko, at hindi ko iyon pinagsisisihan. Hindi rin ako nag-iipon dahil wala naman akong sunusuportahang kapatid o magulang. May paupahang units ang mga magulang ko sa baba ng bahay namin, at may ipon mula sa pagtratrabaho noon bilang mga guro nang matagal bago magretiro. Pensyonado na rin sila. Ang Kuya Sunday ko ay isang IT, si Kuya Thursday ay nurse at ang Kuya Friday ko ay nagbabalak magtayo ng negosyo. Si Kuya Monday naman ay nasa Dubai. Nakatapos ako ng kursong Marketing at sa call center ako nagtratrabaho ngayon bilang chat support agent. Tama naman ang sahod para sa akin dahil wala akong ibang pinagkakagastusan kung hindi ang luho ko—ang online shopping. Gusto kong laging maayos ang pananamit ko at maganda ang mga bag ko. Kahit makeup ko ay may tatak naman at sinisiguro kong hindi ako allergic. Ayaw kong nagpapahuli sa uso. Nag-uulit ako ng damit pero sinisiguro kong nakalimutan na ng mga kaibigan at kakilala ko ang damit na sinuot ko bago ko ulit gamitin. Ayoko nang maulit ang nangyari sa akin noong college. "Oh my gosh! Fifty percent off ngayon ang matagal ko nang gustong bilhing dress!" Pinagmasdan ko ang yellow dress na sleeveless at hanggang tuhod ang haba. Balloon ang tabas nito at may makitid na yellow belt. May collar ito at may butones hanggang ibaba ng dibdib. Nasa gilid ang zipper nito. "Bagay na bagay na pamasok sa trabaho! Pagtitinginan ako ng mga inggitera kong ka-team!" In-add to cart ko ang damit at plano na sanang i-check out nang maalalang wala pa pala akong sahod. "Teka, sa Wednesday pa ang sahod namin. Aabot kaya sa sahod ko ang delivery? Huwag sanang mapaaga, please," taimtim na dasal ko. Nanginginig ang daliri sa tapat ng check-out button. Pikit-mata kong idiniin ang hinlalaki rito. Idinilat ko ang isang mata ko at nakita ang confirm button. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling pumikit. "Bahala na!" Muling idiniin ang hinlalaki bago dumilat. Lumabas ang check out successful sa screen. "COD naman kaya okay lang. Sana talaga sa Thursday na i-deliver para may sahod na." Patuloy ako sa pag-browse sa shopping app. Nadaanan ng mata ko ang yellow shoes na kakulay ng shade ng dress na ka-che-check out ko pa lang. May three inch heels ito at plain lang kaya babagay sa damit na na-check out ko kanina. "Ang ganda!" bulalas ko. "Two thousand pesos pero one thousand five hundred na lang. Mahal pa rin pero big discount na siya..." Nag-isip akong muli, at mas napalakas ang pagtatanong sa sarili ko. "Bibilhin ko ba o hindi? May matitira pa ba sa sahod ko? Paano na ang kuwintas na in-order ko noong isang araw? Five thousand pesos din 'yon." Plano kong lagpasan ang sapatos pero tila may magnet ito kaya't muling nagbalik ang tingin ko rito. "Hindi ko talaga maiwan 'to..." Pumikit ako saka in-add to cart ang sapatos. "Bahala na. Titingin pa ko sa shop nito at baka may iba pa siyang magandang gamit, para isang deliver na lang." Nag-scroll ako sa shop na iyon at nakakita ako ng pink na wallet. "I love pink!" Kinikilig pa ako habang pinagmamasdan ang short video ng wallet. "Two hundred fifty lang dahil sale... sige bibilhin din kita. Bahala na ulit!" In-add to cart ko rin ang nagustuhang wallet. Nag-e-enjoy pa ako kakatingin sa items ng seller sa shop nito nang may kumatok sa silid ko. Malakas na katok na halos magpatalon sa akin. "Ay, kabayo!" Muling kumatok ang nasa labas ng silid ko. "Teka sandali! Grabe namang makakatok!" Pinagbuksan ko ng pinto ang istorbo sa pag-o-online shopping ko. Bumungad sa akin si Shane, ang bagong boarder ng Mama ko sa ground floor ng bahay namin. Dalawang buwan pa lang itong nangungupahan sa amin. "Ano na naman ba?" Inis ako rito dahil lagi rin akong iniinis nito. Gwapo sana ito at matangkad pa pero masyadong masungit at suplado. "Masakit ang tuhod ng Mama mo kaya sa akin na rin pinahatid 'to." Inihagis nito sa akin ang parcel ko, mabuti at nasalo ko iyon pero tumama pa rin ito sa dibdib ko. "Aray naman, ano ba?!" daing ko sa pagkakatama ng parcel sa dibdib ko. "Malapit ko nang maging best friend ang delivery boy ng shopping app na 'yan." Tinalikuran ako nito saka padabog na umalis pababa ng hagdan. Nasa third floor ang mga kuwarto naming mag-anak, sa second floor ang sala, dining area at kusina, at nasa ground floor ang apat na silid na may mga nangungupahang boarder. "Nakakainis ka!" Pabalya kong isinara ang pinto ng silid saka padabog na tinungo ang kama. Nakalimutan ko na agad ang inis sa boarder namin nang mabasa ang nakasulat sa package. "Ang in-order kong skirt!" Tuwang-tuwa akong binuksan ang plastic ng parcel. Maingat ko iyong binuksan para ma-recycle ko pa ang plastic. Nakabalot din ng plastic ang palda na binili ko. Binuksan ko ito saka itinaas ng dalawang kamay para sipatin ang ganda ng white skirt na hanggang kalahati ng hita ang haba. "Ang ganda talaga! Masusuot ko 'to bukas!" tili ko. "Sulit ang eight hundred pesos ko. Yes!" Muling hinawakan ang phone ko saka nag-check out ng mga na-add to cart kanina. "One, two, three..." Pinindot ko ang confirm button saka tumingala. "Sahod, please! Huwag ka sanang delayed!" Nagtitingin pa ako ng mga gusto kong bilhin sa mga susunod na sahod pa. "Kung mayaman siguro ang magiging asawa ko balang araw, mabibilhan niya ako ng lahat ng gusto ko," sambit ko habang nakatitig sa branded bag na thirty thousand pesos ang halaga. "Magbenta kaya ako ng kidney para mabili ko 'to?" natatawa kong biro habang pinagmamasdan ang pinapangarap kong bag. "Makabingwit sana ako ng mayaman. Hindi naman siya talo, maganda naman ako kahit kapos ang hinaharap." Sinipat ko ang dibdib kong hindi kalakihan, sakto lang. "Lord, sana naman biniyaaan ako ng mas malaki rito, 'di ba? Paggising ko bukas, sana mayro'n na ulit dagdag parang cocomelon, gano'n, kahit kaunti lang. Amen." Ipinatong ko n ang phone sa side table saka nahiga. Nagmuni-muni pa ako ng mga bagay na pinapangarap ko bago ako dinalaw ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD