Pag uwi ko sa bahay si papa agad naabutan ko,'
Oh rosa kakauwi mo lang?
Opo,"
Mag saing kana at malapit ng mag gabe darating na yong mama mo at kapatid mo wala pang sinaing ang kalat pa ng kusina sa dami ng hugasin doon."
Hindi man lang pinansin ang sinabi ko utos agad,"
Napailing ako ng pumunta sa kusina,totoo nga nagkalat lang ang hugasin tsura ng lamesa namin parang kainan ng manok sa dami ng kanin nagkalat,Simula umaga pa ata to ,"
Grabe parang walang ibang tao dito sa bahay na ito kundi ako lang kasi ako lang inaantay nila maglinis dito,Minsan nakakasawa na pero dahil pamilya mo sila bawal kang sumuko.'
Kong pagod ka magpahinga ka nalang sigurado naman ako kinabukasan niyan panibagong problema na naman bubungad sayo,Ang siste hindi na nga nalutas lutaa yong problema mo kahapon. Ito na naman,So patong patong nalang yon.
Gaya ng pamilya ko walang pinagbago araw araw nalang parang birnes santo mga mukha pag nakikita ako.Pero pag ang kapatid ko ang laki ng ngiti,Parang walang problema ,kong anong gusto binibigay kahit wala ng pangbigay."
Sinimulan ko ng maglinis,Inuna ko muna ang lamesa namin na parang kaininan ng manok,Nilagay ko lahat ng plato sa
hugasan,At pinunasan ang lamesa,Nagwalis narin dahil sa dami ng kanin nahulog sa sahig,Hindi ko talaga alam anong klase tong pamilya ko aso ba o manok?ang kalat kahit saan nalang may kanin..
Natapos na ako nagsaing muna ako,bago maghugas,Ng nakapagsaing naghugas na ako ng mga plato na daig ko pang nag trabaho sa restaurant sa daming ng hugasin,Buong araw tong hugasin ko daiz," Ang tindi nga!
At dahil sa basa nga sahig nag mop narin ako,Para mag muka namang bahay tao ang bahay namin.Hindi bahay ng hayop.
At dahil sa pagod nagpag pasyahan ko ng umakakyat sa kwarto ko, Pagpasok ko palang nanlalata na ako sa pagod kaya pag upo ko sa kama diretso higa na wala pang limang minuto nakatulog na ako."
Napaligwas ako ng bangon ng narinig kong ingay sa labas ng kwarto ko,'
Rosa!
Rosa!
Walang hiya kang bata ka bakit sunog tong sinaing natin?E halos wala na kaming makain dahil sa totong na ata to lahat, Wala pang ulam hindi mo man lang naisipan mag luto."
Dali dali naman akong pumunta sa pinto para buksan si mama,Pagbukas ko palang katakot takot na sermon na ang bumungad sa akin,'
Peste ka talaga kahit kaylan kang bata ka,Ano ngayon kakainin ng kapatid mo?ha?E puro totong yan!
Ma sorry po,Sa dami ng ginawa ko kanina nakalimotan ko nagsaing pala ako ,"Totoo naman dahil sa paglilinis ko nawala sa isip kong may sinaing ako pabalik balik ako sa labas para labhan at pigain ang mop ko,"kaya ayon sunog nag sinaing ko.
Mama..
O Rossi anak kanina kapa? kamusta pag aaral mo?ayos ba grades mo?
Ayos naman po,ano po ang ulam,?
Ah kakain nalang tayo jan sa labas may delihinsya ako kanina,halikana.'
Ma gutom din po ako,"
Tumigil ka jan,Kainin mo yang totong na Sinaing mo, Gutom na si Rossi hihirit kapa jan.".
Oo nga pala si Rossi lang ang anak nila,Kaylan ba ako tinuring na anak ng magulang ko wala na ata silang ibang nakita kundi ang si Rossi.
Halika na Rossi nangangayayat kana ngayon,kulang ba ang baon mo araw araw ?
Opo,
O sige bukas dag dagan ko yan.
Berting labas na jan kakain tayo sa labas !
Aba bakit?Nag saing si Rosa kanina , inutusan ko yan!
Ay hindi mo nakita puros totong ang sinaing niya,!Hala kainin mo magsama kayo ng anak mo walang silbe.
Ayaw ko kakain din ako gutom din ako..
Sandali lang Angie..Nagbibihis lang ako!
Bilisan mo kupad!
Oh ito na,tayo na mahal kong Angie...
Letse, Huwag mo akong mabola bola jan!
Napabuntong hininga nalang ako.At pumunta sa kusina kakainin ko nalang tong sunog na kanin,Makakain pa naman ah.Arte nila..Hmm sarap habang sinasabi ko yon hindi ko napagilang tumulo ang luha ko,Mapait ang totong sing pait ng buhay na Meron ako."
Kaylan ko kaya maranasan ang mahalin din ng magulang ko?Kaylan kaya darating ang araw na yon?
Matapos akong kumain niligpit kona rin ang pinagkainan ko at matulog nalang ulit panibagong bukas na naman bukas.
Kinabukasan Rosa!
Ma..Bakit bumungad kaagad ang akin ang nakabusangot na pag mumuka ng nanay ko,"
Pahingi limang daan pang baon ni Rossi,
Ma wala po akong pera ubos na ho ang allowance ko araw araw pamasahe palang sa jep ubos na.
Aba Rosa kakasahod mulang noong isang lingo naubos agad?
Ma alam mo naman marami tayong utang wala na pong natira,
letse ka talaga,!Paano na yang kapatid mo?
Ma hindi ba siya makakapsok ng walang baon?nilalakad lang naman po ang university niya.
At papasukin mo ang anak ko na walang baon?wala ka talagang kwenta!
Berting!
Bertinggggggg!!
Mahal...Bakit?
Pahingi ng baon ni Rossi...
Oh singkwenta nalang Meron ako.
Akin na!Pwedi na yan!
Hoy ikaw Rosa bumali ka sa amo mo wala ka kamo makain.Gamitin mo yang utak mo,mamatay tayo sa gutom!
Ako na naman?
May sinabi ka Rosa?
Wala ma.Hindi ako sure kong makakabali ako kay sir ngayon,Kakasahod lang kasi.
Ah Wala akong pakialam anong diskarting gawin mo basta bumali ka!
Bwesit na buhay to oh!May anak nga na may trabaho wala namang kwenta!
Lumingon si papa sa akin at umiling iling,Gawan mo ng paraan kong ayaw mong mabungangaan ng mama mo mamaya,Bigyan mo ako pangtaya ko sa last two ha?Malay mo mananalo na ako,E di balatuhan na kita Rosa.
Tandaan mo gumawa ka ng paraan.
Bitbit ang bag umalis na ako sa bahay namin na walang bintana,Sa lahat ng bahay ito ang kakaiba dahil may pinto pero walang bintana, Yawa!Saan kaya utak ng ama ko Noong ni renovate niya
ito?
Habang naglalakad sa labasan nakasulobong ko si Estong isa sa masugid kong manliligaw.
Rosa akoang gihigugma,"Ikaw ang pinakagwapa sa tanan,Gwapa ka pa sa diwata sa baliti."
Rosa aking minamahal,"Ikaw ang pinakamaganda sa lahat,Maganda kapa sa diwata sa baliti."
Naka dr*gs kana naman ba estong?sinisira mo araw ko!
Kaylan mo ba ako bibigyan ng pagkakataon na mahalin ka Rosa?
Tiger!!!!!
Aw aww aww.!
Rosa naman!Hindi na mabiro!
Ayon si Estong tangay tangay na ang paanan niya ni tiger.
Maliit lang aso namin Pero malakas,Kaya tiger ang pangalan niya."
Patuloy na sana ako sa paglalakad ng malala ko si prince..Ang taong pinagkamalan lng naman na siopao tong ded* ko."Mapuntahan nga,"
Prince,My prince...Nagulat ako bukas ang pintuan at wala talaga si prince..
Prince!!!!
©M.A Stories