Rosalinda
Mama!
Walang hiya kang lalaki ka!
Pinilit kong tumayo kahit masakit ang katawan ko dahil sa ginawa niya sa akin, Kailangan ko siyang pigilan baka anong gagawin niya kay prince...
S-syopaw...
Nahinto si mama sa pag tangkang pananapak kay prince,Dahil napagtanto niyang hindi normal ito..
Huh?Wag mong sabihin may sayad ito? Hoy, Rosalinda!Hindi ka naman pinalaki para pumatol sa may sayad,Ang daming lalaki jan,Yan pa talagang sinto sinto ang nagustuhan mo!
Sira ulo kaba? Kong ganon lang din naman payag nalang ako sa Suhisyon ng tatay mong ipakasal ka kay Mr.Mendez,Yon mapapakinabangan pa kita,Dahil may kaya yon,Kaya kang buhayon dahil may store siya jan sa uyangguren..
Mama, Please..Ayaw ko po,Mabait naman si prince mama..
Hindi nakakain yang mabait na yan!Lalo na sa sinto sintong katulad niya!Baliw kana talaga.. Makarating sa tatay mo ito bukas na bukas din mamanhikan na si MR.Mendez na yon...
Mama!
Tse!
Nilapitan ko si prince dahil hindi na ito gumalaw sa kinatatayuan niya,Natakot siguro kay mama, Muntik na siyang masapak kanina..
Prince..
Sus,May sayad pala,Sayang naman
Gwapo sana, rinig kong sinabi ng isang babaeng nakiisusira sa nangyari sa amin ni mama..
Oo nga,Akala ko nong pumasok sila normal naman siya, Gwapong gwapo nga ako dahil bagong ligo at green yong mata niya...
Sayang nga..Kahit ako nagwagwapuhan..
Hinila ko na si prince baka masapak ko lang mga tsismosang yon,Kala mo naman ang gaganda..
Bakit mo kasi tinulak si mama prince?Di naman kailangan na ipagtanggol mo ako,Sanay na ako sa panggugilpi ni mama manhid na ako prince,Kaya sa susunod ha wag mo ng gagawin yon,Magagalit ako sayo kasi mama ko parin siya..
Hila hila ko siya habang papalapit sa pwesto ko..
Malapit na kami at nakita ko si lorie busy parin sa pag aayos ng mga bulaklak ko..
Lorie..
Oy!Jan na pala kayo..May binta ako Rosa ha,Nanjan sa arinola mong pangpa swerte..
Salamat Lorie...
Sus, Wala yon.Oh kamusta lafang nyu ni -Turo niya kay prince na malayo ang tingin..
Yon,Busog na busog kami..dahil sayo yan, Salamat talaga Lorie..
Wala yon, Wag mong isipin na utang yon ha,Bigay ko nalang sayo.Oh,Anong nangyari sa siko mo?Bat may sugat?At gas gas naman sa tuhod mo?
Hindi ko na napansin may sugat pala ako sa pagkadapa ko kanina ng sinipa ako ni mama,"
Wala to,Nadapa lang...
Mama mo noh? Nandito yon kanina hinahanap ka e,Sabi ko kumain ka dahil hindi ka naman tinirhan ng pagkain sa inyo.Ayon nanlilisik ang mata sa galit,Hindi ko lang alam paano niya nalaman na kina aling sising ka kumakain..
Wala namang iba na malapit dito sa atin,Kong meron man malayo layo na kong lakarin mula dito,Kaya nga mabinta yang karenderya ni aling sising e,Dahil nagiisa lang siya dito,Banda sa atin.Kaya malamang doon agad ang punta ni mama..
Oo nga noh, Kasalanan ko pala sana di ko nalang sinabi na kumain ka,Sana sinabi ko nalang bumili ka ng pambalot nitong bulaklak mo..
Okay na yon Lorie,Hindi mo kasalanan..
Kahit na..Bobo ko naman e,Sinsya kana freind may pagka chunga chunga itong kaibigan mo..
Wag mong sabihin yan,Hindi ka bobo..Wala kang kasalanan okay..
O siya,Sige aalis na ako ha,Ikaw na bahala dito,Babalik nalang ako mamaya pag matapos na akong maninda..
Nagtitinda din kasi si Lorie ng mga sapatos,Medjas kong ano ano pa,Na mga mura lang tinda niya galing china..Itong uyangguren Ay parang Chinese town,Kong saan halos lahat ng intsik nanjan na harap lang dito ang pwesto Ko ng bulaklak,Kahilera ko dito mga durian,Kaya amoy durian na ako ...
Tamang tama lang maraming turista na dumadayo dito kumakain ng durian,Ang mayor namin na si tatay digong noon laging nandito yon,Bata bata pa siya laging kumain ng durian,Tapos ruronda na naman sa nakakasakupan niya..
Prince upo ka dito,Dito kalang ha..Wag kang makulit, Kailangan ko pang kumita para may ibigay ako kay mama mamaya..
Natapos nga ang panida ko at hapon na ng ala singko,Napag desisyonan ko ng umuwi.Hila hila ko na naman si prince ,Mabuti nga tahimik lang siya buong araw.May Isang libo akong kita dito,Malinis na to nabayaran ko na ang puhunan ang utang ni mama sa bumbay.Kaya ibibigay ko itong five hundred.. Kailangan kong mag tira para may madukot ako pag gipitan..
Prince..
S-syopaw..
Pota,! Nakalimotan kong bilhan siya ng pagkain, Halika muna dito bibili nalang kita ng tinapay at tubig kina estong ha...
Ay,Jan kalang pala baka makita ka ni Estong itsistsismis na naman ako nun..
Wag kang aalis ha!
Malayo layo pa naman yon,Madilim sa parteng ito,Basta wag kang umalis dito..Tatakbo ako..Umalis na ako at nilingon ko si prince hindi talaga umalis, Nakatingin lang ito sa gawi ko kaya tumakbo na ako..
Estong!
Oy,Rosa..Bakit nandito ka?Maggagabe na ah,Saan ka galing?May pasok kaba ngayon?
Daming Tanong,Pabili ako ng isang balot na tinapay at tubig pahingi nalang lagay mo sa bote na hindi nagamit..
Yon lanh ba rosa?
Oo..
Oh ayan!Dalawa na yonh tinapay para mamaya baon mo pag pasok mo..
Salamat..Magkanu?
Libre nalang..Basta pag dating namg araw sisingilin kita pag nakarami kana ...
Tang ina mo! Magkanu nga?
Panay bili mo sa tindahan ko may tindahan ka naman..
Hehehe, Syempre para masilayan kita..Kaya bumubili ako doon...
Bahala ka nga jan!
Dali dali na akong bumalik baka nawala na si prince, Mukang nakikinig naman yon pag sinasabihan ko,Ang problema lang gutom siya kaya posibleng aalis yon kahit sinabi kong wag umalis..
Pag dating ko sa pwesto niya kong saan ko iniwan, Wala nga akong nakita..Pota!Saan na naman yon!
Prince!
Prince!
Prince!Naglalakad ako habang hinahanap si prince..Bit bit ang tinapay niya,Sa di kalayuan may nakita akong bulto ng tao pamilyar sa akin ang likod niya kaya tumakbo ako papunta sa kanya..
Prince, Hinawakan ko ang balikat niya para humarap sa akin,Nagulat ako dahil hawak hawak niya ang tiyan niya at ang mukha niya puno ng pasa,Sugat na parang nabogbog.. Prince sino may gawa niyan sayo?Ha?Diba sabi ko huwag kang umalis doon?
Bakit hindi ka nakikinig? Tingnan mo yang itsura mo!Jusko,Sana sinama ko nalang siya kong alam ko lang magkakaganito siya.. Prince naman kasi...
S-syopaw..
Oo,Ito.. Sorry natagalan..Tayo ka please...
S-syopaw...
Prince, huhuhu hindi ko napigilang umiyak dahil sa itsura niya,Bakit may taong pinapatulan ang katulad niya may kulang sa pagiisip..
Prince!!!!!
©M.A Stories.