I waited for Lorden in the car. Medyo hindi ako mapakali pero hindi ko na lang pinapahalata dahil kasama ko si Marco sa kotse. Ano kaya ang ginawa ni Lorden? I beamed when I saw Lorden walking his way toward us. Agad namang bumaba ng kotse si Marco at pinagbuksan ang amo. Umupo na lang si Lorden sa tabi ko sa may backseat. I was about to ask him questions but I stopped when I saw his wet hands. Pinupunasan niya ng panyo iyon. Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang naghugas lang pala siya ng mga kamay. "Saan tayo pupunta, Lorden?" tanong ko sa kaniya. "Mall," tipid na sagot niya. Isinandal niya ang likod sa backrest saka ipinikit ang mga mata niya. He touched his knuckles and gently massaged it. Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya. "M-masakit ba ang kamay mo?" tanong ko. "No." Napa