Part 1

1261 Words
Minsan Pa AiTenshi Nov 25, 2020   ****** January 25, 1965   "Elric Sabriaga, laya kana! Huwag ka na muling magbabalik dito. Ayaw na naming makita ang mukha mo, maliwanag ba? Maganda at maayos ang buhay na naghihintay sa iyo sa labas," ang wika ng taga bantay na naghatid sa akin palabas sa selda ng bangungot na aking kinasadlakan. Noong mga sandaling tumapak ako sa labas nito ay halos masilaw ako sa tindi ng sikat ng araw na tumama sa aking mukha. It ang unang pagkakataon na muli kong nasilayan ang ganda ng mundo sa labas matapos akong patawan ng pitong taong pagkakabilanggo dahil sa pagkakasangkot sa isang krimen. Matagal ko rin itong pinagbayaran kaya naman sa mga sandaling ito ay handa na akong kalimutan ang lahat.   Isang malaming na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakasubit ang aking luma at butas na bag sa aking likuran, nilingon kong mabuti ang piitang aking pinanggalingan at nagbitiw ako ng isang ngiti habang pinagmamasadan ko ito.   Tahimik.   Lumakad ako palayo dala ang pangako sa aking sarili na magbabagong buhay at kakalimutan ang lahat ng masalimuot na kasaysayan ng nakaraan.   Part 1   Tawagin niyo na lamang ako sa pangalang Elric, ngayon ay 23, anyos na ako at kasalukuyang namumuhay ng simple at payapa kasama ang aking ina at bunsong kapatid. 5'7 ang aking taas at ang aking katawan ay batak sa trabaho sa loob ng piitan noon. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit masasabi kong magandang lalaki din naman ako, ang kulay ng aking balat ay kayumanggi dahil sa madalas na pagbibilad sa araw. Ito ang larawan ng aking mahirap na buhay. Hindi kami mayaman, simple lang aming kinagawian, hindi rin kami maluho sa katawan at karaniwan kung ano lang yung pagkain na nakahain sa hapag kainan ay iyon lamang ang aming pinagsasalu-saluhan. Sa ganitong paraan kasi kami pinalaki ni Inay.   Magbuhat noong mamatay ang aking ama, ako na ang tumayo sa kanyang posisyon at kumayod para sa aking pamilya. Wala na rin sa isip ko ang mag-asawa ang magkaroon ng kasintahan dahil mas mahalaga sa akin ang kumita ng barya para may pambili kami ng pagkain sa araw araw. Ang kapatid kong bunso naman ay 15 taong gulang lang at kasalukuyang nagtatrabaho rin sa pamamagitan ng paglalako ng mga basahan at retaso sa kalsada dito sa aming bayan. Hirap sa buhay si Inay at ang aking kapatid noong mga sandaling iyon. Kaya naman noong makalaya ako mula sa taon ng pagkakabilanggo  ay abot hanggang langit ang pasasalamat ng aking ina dahil sa wakas ay makakatulong na rin ako sa kanya sa pagbabanta ng buto.   At dahil wala naman akong napag-aralan at tinuruan lamang akong magbasa ng at magsulat sa loob ng selda ay hindi makakuha ng matinong trabaho bagamat noong taong 1960s ay karamihan naman talaga ay hindi nakakatapos ng pag-aaral, yung ibang mga lalaking ay basta natuli na ay maaari nang mag-asawa at manligaw ng babae.   Sa mga pinapasukan kong trabaho, kadalasan kargador ako o kaya ekstra sa construction site, minsan ay taga linis rin ako ng bakuran o tiga sibak ng kahoy ng mga pamilyang may kaya sa buhay. Sapat na sa akin ang kumita ng 2 pisong hanggang 4 piso. Malaking tulong na ito sa aking pamilya. Malaki na ang halagang ito noon at pumapalo na rin sa 1.25 us dollar. Ang bansa noon ay maunlad at simple lang pamumuhay ng mga tao. Sa hapon ay nakaupo lang sila sa harapan ng kanilang bahay, nagkukwentuhan o kaya ay nagpapatutog ng gitara habang kumakanta o sumasayaw ang mga kadalagahan.   Sa paglabas ko sa kulungan ay pinilit kong magbagong buhay, bagamat noong mga sandaling iyon kapag nalaman nilang ikaw ay galing na sa bilangguan ay nakatanim na sa kanilang isipan na ikaw ay isang maduming tao, iiwasan ka at ipapamukha sa iyo na wala kang karatapatang magbago. Kaya naman ang tungkol dito ay inilihim ko sa lahat. Kahit papaano ay sumuporta naman ang aking mga kakilala na itago rin ang katotohanan sa aking buhay.   Tuluyan kong kinakalimutan ang nakaraan bamagat isa itong mahabang proseso. Wala akong ibang ginawa kundi ituon ang aking isipan sa ang aking sarili sa pagtatrabaho at pagtulong kay inay.   "Bakit nag-iisa ka dito Meg? May problema ba?" tanong ko noong makita ang aking nakababatang kapatid na nakaupo malapit sa bakuran ng aming munting silong. Inabutan ko ito ng tinapay at saka ako tumabi sa kanya.   Malamig ang hapong iyon, ang hangin na nagmumula sa bukid ay may halong patak ng ulan ngunit madalang naman ito kaya hindi na kailan pang sumilong. "Parang nagalit yata sa akin si Inay dahil ibinili ko ng bagong pares ng tsinelas yung kaunting kinita ko kanina sa paglalako ng basahan at retaso," ang malungkot niyang tugon.   "Nakup, tiyak na lagot rin ako kay Inay dahil ibinili ko rin ng tsinelas yung kinita ko kanina. Pero mayroon pa namang natira pambili ng bigas at ulam bukas," ang nakangiti kong sagot. "Umaasa kasi si Inay na mapapalitan ng yero yung bubong natin kasi malapit namaman daw ang tag-ulan kaya tiyak na mahihirapan nanaman tayo."   "Huwag kang mag-alala at gagawa ako ng paraan, alam mo ba yung kaibigan ko doon bayan ay may mga itinitindang mga mura yero. Yung iba kasi may factory defect daw kaya hindi maaaring ibenta sa mga pamilihan, kaya iniipon nila para ilako sa mas mababang halaga. Hayaan mo bago mag tag-ulan ay magiging maayos itong puwid na bubong natin. Saka ipaubaya mo na sa akin iyon, ako ang kuya kaya ako ang gagawa ng paraan," ang sagot ko sabay gusot sa kanyang buhok.   Tahimik.   "Hayaan mo kapag ako ay nagkapera pag-aaralin kita. Importante sa isang lalaki yung may kaalaman. Hindi sapat yung marunong ka lang magbasa at sumulat dahil sa huli ay hindi ka pa rin aasenso. Kaya ang pangarap ko sa ngayon ay mapag-aral ka. Ikaw ang bubuhay sa sarili mong pamilya at balang araw ay magkakaroon ka ng sariling buhay na malayo sa akin o kay inay. Pagdumating ang araw na iyon ay dapat nakahanda kana at marunong na tumayo sa sarili mong mga paa," ang wika ko habang nakatingin sa palubog na araw sa kalangitan.   "Kuya, hindi naman mahalaga ang edukasyon, sabi ni Mang Dado na gumagawa ng mga retasong ibinebenta ko, ang pag-aaral daw ay paglapit lang sa mga espanyol at mga dayuhan. Iyon ang lagi niyang bukambibig kapag naririnig niya sa mga kaibigan ko ang tungkol sa pag-aaral. Saka para lamang daw iyon sa mayayamang tao kaya ayoko na ring mangarap ng mga bagay na imposible. Basta ako kuya dito lang ako kay Inay at babantayan ko siya," ang sagot niya sa akin.   "Walang imposible sa mga taong naniniwala. Iyan ang natutunan ko doon sa malayong lugar na pinuntahan ko. Sabi ko sa sarili ko kapag ako ay nakalaya ay magsusumikap ako para sa inyo ni Inay," ang nakangiti kong tugon bagamat may kung anong kirot ang lumukob sa aking dibdib dahil ganoon na pala ang paniniwala ng aking kapatid. Ngayon ang pag-asa sa kanya at ang pangangarap ng mataas ay itinalikuran na rin niya. Hindi katulad noong mga bata kami, ang pangangarap sa mga bagay na gusto niyang maging ay walang kapagurang tumatakbo sa kanyang imahinasyon.   Iba kasi talaga ang paniniwala ng mga ordinaryong Pilipino noong mga taong 1960s, lalo na yung katulad naming nakatira sa mga liblib na kabundukan. Ang edukasyon para sa kanila ay para lamang sa mga mayayamang kalalakihan. Ang mga babae ay hindi pinag-aaral dahil sila ay nakatalaga para mag-asawa at mag-alaga lamang ng anak. At para naman sa katulad naming mahihirap ang mga bagay na ito ay isang malaking suntok sa buwan.   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD