"Becka!"
Tuloy-tuloy siya sa pagtakbo palayo sa VIP room kung saan nandoon si Clinton at lalo pang bumilis ang pagtakbo niya nang mapagtantong humahabol ito sa kanya.
Bakit ba siya nito hinahabol?! Ayaw na muna niya itong makaharap! Wala siyang mukhang maihaharap dito matapos niya itong iwan noon at hinayaan itong isipin na pinili niya si Liam kaysa rito.
At paano nga kung hinahabol siya ni Clinton para lang sumbatan siya? Hindi niya yata makakaya ang kahihiyan na matatamo niya.
"Becka, wait!"
Hindi niya pinansin ang mga sigaw na pagtawag ni Clinton sa kanya haggang sa wakas ay makalabas na siya sa bar na iyon.
Dumiretso siya sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi na paparating pero bigla na lamang may pumigil sa braso niya at paglingon niya ay si Clinton na pala agad iyon!
"Let's talk.." anas nito pero umiling siya rito.
Bigla namang dumating si Axell na nakasunod din pala sa kanila ni Clinton.
"Pare, what's happening? Becka, are you alright? Bakit nagmamadali kang umalis?" may pag-aalala nitong baling sa kanya. Nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Clinton.
"Sorry, Axell... Ano... sumama lang ang pakiramdam ko. Pasensiya na, uuwi na lang ako." saktong may namataan siyang paparating na taxi at agad niyang pinara iyon.
"Ako na'ng bahalang maghatid sa kanya. Don't worry about her. You can now go back to your girlfriend, bro. And please tell our friends that we'll just reschedule our party but feel free to consume the drinks and foods I have prepared for tonight."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Clinton. Mukhang may balak pa yata itong bumuntot sa kanya.
Mabuti na lang at saktong nasa tapat na niya ang taxi na pinara niya at akmang bubuksan na niya ang pinto niyon pero agad naman iyong pinigilan ni Clinton.
Natanaw naman niyang nagmamadali nang makabalik si Axell sa loob ng bar.
"Ano ba?! Uuwi na ako! Masama nga ang pakiramdam ko! Natatae na ako!" nabuksan niya ang pinto pero muli lang iyong itinulak pasara ni Clinton.
"Ako na ang maghahatid sa iyo."
"Hindi, ayaw ko! Kaya please lang hayaan mo na ako."
"No! I won't let you go again this time. I will not let you escape from me again!" mariin namang sagot sa kanya ni Clinton.
"Kung mag-aaway lang naman kayo, wag niyo na akong idamay sa LQ niyo! Nakakaabala na kayo sa pamamasada ko! Ano, sasakay ba kayo o hindi? Baka masira niyo pa ang pinto ng taxi ko!" bigla ay naiinip at tila galit namang singit ng taxi driver habang nakasilip ito sa kanila ni Clinton mula sa nakababang windshield sa tabi ng driver's seat. Bahagya na rin ulit bukas ang pinto ng backseat pero hindi niya iyon mabuksan ng maayos dahil itinutulak lang iyon pasara ni Clinton.
"Opo, sasakay po!"
"Hindi po kami sasakay!"
Magkasabay pa nilang sagot ni Clinton at tila lalo lang nainis ang taxi driver.
Pinukol niya ng masamang tingin si Clinton at sinubukang buksan ulit ang taxi pero bigo pa rin siya.
"Ano ba talaga? Nakakaabala na kayo!" saad muli ng driver.
"Pasensiya na po. Ito po, kunin niyo." mabilis lang nahugot ni Clinton mula sa bulsa ng pantalon nito ang wallet nito at agad itong kumuha ng isang libo roon at iniabot sa taxi driver.
Dahil doon ay nabuksan na niya ng maayos ang pinto ng taxi pero nang akmang papasok na siya roon ay bigla namang pumulupot sa baywang niya ang mga braso ni Clinton at walang kahirap-hirap na hinila siya palayo sa taxi.
"Clinton! Ano ba? Bitiwan mo ako!"
"Sige na po, Manong! Pasensiya na po!" muli nitong saad sa taxi driver na napapailing na lang habang hawak na ang isang libo. The f**k!
"Mga kabataan talaga sa panahon ngayon. Kaunting di pagkakaintindihan, mag-aaway." malakas pang sabi ng driver bago sinipa ni Clinton pasara ang pinto ng taxi nito.
"Clinton, ano ba!" Pilit siyang kumawala mula sa pagkakahawak nito pero lalo lang humigpit iyon hanggang sa bigla siya nitong binuhat na parang bagong kasal. Nagpumiglas siya pero lalo pa siyang niyakap ni Clinton. Tsk!
Di nagtagal ay ibinaba rin siya nito sa tapat ng isang kotse. Binuksan nito ang pinto niyon sa harap, sa tabi ng driver's seat at imunuwestra sa kanya. Sinamaan naman niya ito ng tingin.
Sa totoo lang, dapat nga ay si Clinton pa ang umaastang galit sa kanya. Pero parang baliktad yata. Ah basta! Hindi naman siya nag-iinarte. Siguro paraan lang din niya iyon para makaiwas kay Clinton. Pero bakit kasi lumalapit pa ito sa kanya? Hindi pa ba ito nakakamove-on sa kanya? Parang siya naman ay oo na, di ba? Tsk!
Sumakay na lang din siya sa kotse nito dahil alam niyang this time ay hindi na siya makakaiwas dito unlike noong nasa teritoryo siya ni Liam. Agad na rin naman itong sumakay sa driver's seat. Binuksan nito ang makina, ilaw at aircon ng kotse nito pero hindi naman nito pinaandar iyon.
Muli siyang kinabahan at lumakas ang kabog ng dibdib niya. Mukhang hindi na siya makakaiwas sa komprontaston ni Clinton sa kanya.
Pero ngayon pa ba siya talaga iiwas kung kailan 5 years na ang nakalipas? Ngayon pa ba siya magtatapat kay Clinton sa lahat ng sinabi ng Mommy nito sa kanya noon?
Kung sakali bang this time ay ilalaban na niya si Clinton kung may laban pa siya, magiging sila na kaya at makakaya na kaya niyang salungatin ang Mommy ni Clinton?
"How are you? I see that you're not yet married." Maya-maya ay malumanay nitong kausap sa kanya.
"A-Ano?" taka siyang napalingon kay Clinton. Hindi ba dapat ay siya ang magtatanong tungkol sa bagay na iyon? Kung kasal na ba ito kay Devine at bakit kailangan nito ng date ngayon?
Pero sa pagkakasabi nito ay hindi naman ito nagtatanong.
Bigla naman itong napangiti.
For 5 years, hindi niya nakita ang ngiting iyon. At ngayong nakita na niya ulit iyon ay parang bahagyang gumaan at umaliwalas ang pakiramdam niya.
"You're still single, right? You're not wearing any ring." anito kaya napatunghay siyang bigla sa mga daliri niya sa magkabilang kamay niya. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Clinton.
"And if you're not single anymore, you wouldn't be my date tonight."
Muli siyang napatingin sa mukha nito. Date? Eh malay ba niyang kaya siya niyaya doon ni Axell ay para maging date ni Clinton? O baka sinadya lang hindi sabihin sa kanya ni Rona. Tsk! Pahamak talaga ang babaeng iyon! At ano ba ang ini-expect ni Clinton na gagawin nila ng 'date' nito ngayon?
Huminga siya ng malalim para sa matinong pakikipag-usap kay Clinton. Panahon na talaga siguro para harapin ito at magkausap silang dalawa nang maayos.
Umayos siya ng upo saka tumingin sa harap ng sasakyan.
"Uhm. Hindi ko alam na... na may magiging date ako ngayong gabi. Akala ko pupunta lang kami sa isang birthday celebration at.... Look, Clinton, this is just a misunderstanding. Uuwi na lang ako–"
"No! Fine, let's not talk about tonight. Hindi ko rin naman inasahang seseryosohin ni Bruce ang sinabi niya. Hindi naman sana ako interesado pero... Anyway, kumusta ka na ba? I thought... You're already married now and have your own kids..."
Napabuntong-hininga siya at nanatiling nakatingin sa harap kahit ramdam niyang nakatitig ito sa kanya. Malamang ay inisip nito noon na ikinasal na siya kay Liam at hindi naman niya ito masisisi roon.
"Friends lang naman kami ni Liam, kung 'yon ang ibig mong sabihin."
"Hmm... But... Do you still live together?"
Doon na siya ulit napalingon dito. Akala ba nito ay friends with benefits sila ni Liam?
"Hindi 'noh.. Matagal na. Nong huli tayong nagkita umalis din ako agad sa bahay niya."
"Why?" Puno ng pagtatakang tanong nito.
"Kasi hindi ako sumama sa business trip niya papuntang—"
"I mean, why did you leave me then? I thought you chose him over me? I... thought you loved him more. Why did you need to let go of me then?" Magkakasunod nitong tanong kaya napaiwas na naman tuloy siya ng tingin dito. Sasabihin ba niya ang lahat ng sinabi ng Mommy nito sa kanya? Pero para saan pa? 5 years na ang lumipas at napagdaanan naman na yon nila. Kailangan ba talagang ibalik pa nila ang nakaraan?
"Eh ikaw... Kumusta ka na? K-Kasal ka na ba?" pag-iiba na lang niya ng usapan at ito naman ang napabuntong-hininga at tumingin sa harap nila.
"No, I never married anyone. I told you before that I won't marry Devine. I also told you na ikaw lang ang pakakasalan ko." Muli itong tumingin sa kanya at matamang tumitig sa mga mata niya.
"C-Clinton..."
Bigla naman nitong hinawakan ang kaliwang kamay niya.
"Can we give us another chance this time? It's still you, Becka. After all these years, it's still you I want to spend the rest of my life with."
Napatitig naman siya rito at hindi niya alam ang isasagot niya.
Another chance para sa kanilang dalawa?
Pero paano kung muling humadlang ang Mommy nito at mas malala na ang gawin nito para paglayuin sila?