CHAPTER SIX
ADAM MEADOWS
LUMAPIT akong lalo para maitutok sa mukha ng lalaking may hawak sa braso ni Jazzlene ang baril ko. Ngayon, nanginginig na siya sa takot habang may butil-butil na pawis sa sentido niya.
"I'm gonna count to three. One... two—"
'Tsaka niya pa lang binitiwan si Jazz. And I took the opportunity to grab Jazzlene's arm para ikubli siya sa likuran ko. I covered her with my body habang sa lalaki pa rin ako nakatingin. Sa lalaking hindi pa nadala sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Ano pa kaya'ng gusto niyang mangyari sa kaniya? Does he want to die now? I can give it to him if he wants.
"A-Adam . . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Jazzlene sa laylayan ng coat ko. "Baka... b-baka maiputok mo 'yan. Ibaba mo."
Without looking back at her, I said firmly, "No. Because I'm gonna kill this man and buried him eight feet under kapag hindi pa siya umalis sa harap ko in three sec—"
Hindi ko pa natatapos ang sentence ko nang bigla itong kumaripas nang takbo palayo. Takot naman pala siyang mamatay.
I turned to her now and motioned to the car. "Get inside. Hurry."
Hindi ko na siya inabala pang pagbuksan at agad na akong humakbang papunta sa driver's seat. Ilang sandali pa, nakasakay na rin siya. Pero ramdam ko ang paninigas ng katawan niya sa upuan at bakas pa rin sa mukha ang takot.
"Bakit ka ba kasi naglalakad pauwi?" sermon ko sa kaniya nang simulan ko nang mag-drive para idaan siya sa kanila. "Hindi ka ba sinundo?"
"S-Si... Si Kuya Zane sana ang susundo sa 'kin dahil may lakad daw si Kuya Zian at Kuya Zero. Ang kaso, nasiraan daw siya kaya pinag-commute niya ako."
"That f*cker," I muttered, my grip tightened on the steering wheel. "Tanga ka na nga, mas tanga pa Kuya Zane mo. No doubt, you're siblings." Hindi siya kumibo kaya sinubukan ko siyang lingunin. Nakababa ang tingin niya sa baril kong nasa pagitan namin, sa cupholder. "What?" I asked.
She looked up at me, nervous. "Bakit... k-ka may baril?"
"For self-defense."
She swallowed, hard. Ngayon ko na-realize na kaya naninigas pa rin siya sa upuan niya ay dahil sa baril ko, hindi dahil sa lalaki kanina. "Are you scared?"
Mabilis siyang nag-iwas sa 'kin ng tingin, 'tsaka siya umiling. Napangisi ako dahil alam kong nagsisinungaling siya.
I sighed. Napailing ako at dumukwang sa backseat para doon na lang ilagay ang baril ko kaysa patuloy siyang manigas sa kinauupuan niya dahil do'n.
Nang makarating sa kanila ay si Mr. Hart ang naabutan naming naghihintay sa gate.
"Adam!" Malapad ang ngiting salubong sa 'min ng Daddy ni Jazz. "Ikaw pala ang nagsabay rito sa anak ko." Nasa tabi na niya si Jazz, nakahawak sa braso ng Daddy niya, tahimik.
Paglapit ko, ini-offer ko muna ang kamay ko for a handshake, 'tsaka ko binanggit ang tungkol sa nangyari kanina. Mukha kasing walang balak si Jazz na magsalita kaya ako na ang gumawa no'n para sa kaniya.
Nasa ganoon kaming tagpo nang sa wakas ay dumating na si Zane. Pagbaba palang niya ng sasakyan ay nakatikim na siya ng sermon ng kanilang ama.
Sasagot pa sana si Zane sa sermon ng Daddy niya when Jazz interrupted him. "Tama na nga! Dad, tara na sa loob." Inakay niya si Mr. Hart sa braso papasok sa gate.
"Ito 'yong sinasabi ko sa 'yo. See? Kailangan talaga ni Jazzlene ng bantay, men. Aalis na kami sa isang araw. Pa'no kung harass-in na naman siya ng lalaking 'yon?" baling sa akin ni Zane nang maiwan kaming dalawa.
I rolled my eyes. "Hindi na mauulit 'yon. Tinakot ko na 'yong lalaki."
"Kahit na. Hindi natin masasabi kung kailan siya no'n babalikan. Jazz needs a protector, at ikaw lang ang naiisip ko na puwede kong pagkatiwalaan kay Jazz."
'Yon ang akala niya. Akala nila santo ako. Ang hindi nila alam, wala akong sinasanto. Kaya kong sumira at kumitil ng buhay sa pamamagitan lang ng isang pitik ng daliri. Lalo na hangga't hindi ko napagbabayad ang mga may sala sa pagkawala ng totoo kong mga magulang ay hindi ako titigil sa pagiging demonyo.
Yeah. That's me. But I doubt Zane would get it. Keeping an eye on his sister? What happens if I say yes? It'll just throw me off my mission. I can't afford to lose focus, especially not to someone like Jazzlene.
If I concede to Zane's wish to watch over his sister, it's like surrendering my life. Because that enchanting, pure-hearted, and spirited woman could be my ultimate downfall.
"Silence means 'f*ck yes', right?" Kumunot ang noo ko nang ngisihan niya ako habang nakatanaw siya sa 'kin mula sa bintana ng sasakyan niya. Hindi ko namalayang nakabalik na siya sa loob ng sasakyan niya, umaandar na 'yon ngayon papasok ng garahe.
"What?" I asked, confused.
"Thanks, man. Pasasalubungan na lang kita ng maraming Snickers at turmeric na kape pag-uwi ko."
"Zane! You f*cker! Come back here! Wala akong sinabing payag ako!"
"Your silence told me so, dude! Thanks!"
F*ck.
Umuwi ako sa bahay na baon ang inis ko kay Zane. I sent him a message na hindi ko responsibilidad ang kapatid nila.
And the f*cker, binulabog ako noong dis-oras ng gabi sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Hindi niya 'ko tinigilan sa katatawag niya para lang mapa-oo ako. Gusto kong i-off ang phone ko para tumigil na siya, pero hindi ko 'yon ugali lalo na at kadalasan, kahit dis-oras ng gabi ay nakatatanggap ako ng business calls.
"F*ck, yes! I'll do it! Happy?" Kahit nakapikit, ramdam kong salubong ang kilay ko at lukot ang noo dahil sa inis.
"You'll do what, buddy?"
"I'll take care of your stupid sister, you moron." I ended the call and slammed my phone beside me.