Tahimik lang akong umiinom dito sa may bar ng aming mansyon. Wala akong mapaglilibangan kaya ito nalang ginawa ko. Tulog naman na ata sila dahil walang maiingay ng dumating ako. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko, pagkatapos kong maihatid sa bahay nila si tisay. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil malapit na siyang maging akin. Nasa akin na ang mga impormasyong kailangan ko...para tuluyan na siyang mapasaakin. *smirked* I missed her already... Nakapagkit na ata sa isipan ko ang alaala ng pinagsaluhan naming halik kanina. Hindi na naman ako mapapanatag nito pag hindi ko muling matitikman ang mga labi niya. Nakakaadik na talaga siya... Matindi ang ginawa kong pagpipigil para hindi kami umabot sa kasukdulan kahit na gustung-gusto ko na siya angkinin. Ewan ko ba bakit nakapa