"Ang ganda-ganda mo talaga Ms. Mendrez! Ikaw sigurado tatanghaling Ms. HU ngayong taong ito!" talak ng bading na siyang make-up artist ko. Kanina pa ko naririndi sa kanya dahil ang daldal at pakiramdam ko punung-puno na ng talsik ng laway ang mukha kong minemake-up niya. Dalangin kong hwag naman sana akong magmukhang geisha o sadako sa kapal ng make-up. "At alam mo ba lahat ng inayusan ko lahat nananalo." tuloy na kwento nito habang nilalagyan ng eye shadow ang talukap ng mga mata ko. Ano na kaya itsura ko??? Nakatalikod kasi ako sa salamin para daw surprise! Takte! Kapag ako nagmukhang bakla, bibigwasan ko siya. lol Hindi naman na dapat ako mag-aayos kasi maganda naman na ako. chos! "Galingan mo Ms. Mendrez mamaya ha." Tumango nalang ako. Ang tagal naman mag-umpisa ng pageant par