Nagmamadali ako sa pagtakbo nang umagang iyon. Pansin ko lang lagi akong natakbo, may future ata akong maging Lydia de Vega. Anak ng alien naman oh, wala na akong naging matinong pasok. Late akong papasok sa first subject ko ngayon, napuyat ako kagabi dahil late na rin kasi ako nakatulog. Pagkatulog ko kasi ng mga alas diyes ba 'yon? Basta alas diyes ata, nagising ako ng mga bandang alas tres ng madaling araw para kumain kasi kung maaalala ninyo 'di ko natapos 'yong pagkain namin ni LuHan sa may Gothic dahil sinira nga ni Halimaw 'yong appetite ko. Pag-uwi ko naman ng bahay galing doon ay tumuloy na ko sa kwarto ko at nagmukmok dahil sa sobrang inis ko samahan pa ng bahagyang pagkirot ng braso at labi ko. At...ahhhhh...nevermind. So, ayun nga ang dahilan kung bakit late akong pumasok.