"Blooming ka ahh. "Biglang bati sa'kin ni Slheighter nang umupo siya sa tabi ko. Naka upo lang ako ngayon dito sa isang bench at katatapos ko lang mag meryenda habang binabasa yung ibang dialogue ko kasi may practice kami mamaya after class-- syempre kailangan kong bumawi para sa tatlong araw na pag liban ko. Tiningnan ko naman siya nang hindi makapaniwala. "Para tong sira. Hindi ah! "Pag tanggi ko at ngumiti na lang. Naalala ko kasi yung mga nangyari kagabi, second best day ever para sa akin yun kasi yung first ay nung kasal ko-- kahit hindi yun totoong kasal ay alam kong pinaghandaan pa rin yun at may effort. :) "Weh? Nawala ka lang ng tatlong araw tapos rosy cheeks ka na agad? "Sabi niya at nag chuckled pa kaya pinalo ko naman siya ng mahina sa balikat. "Baliw, blush on lang