"Nix? "Tawag ni Josh sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mariing mapapikit habang medyo naka iwas ang ulo ko sa may pwesto niya. Akala ko kasi ay hindi niya ako makikilala. Pero anong magagawa ko? Binanggit na ni Caerus ang pangalan ko kanina kaya malabong hindi niya ako matandaan. Haharap pa lang sana ako sa kanya kaya lang agad na akong hinigit ni Caerus sa tabi niya at agad na inakbayan. Medyo nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko naman kasi namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Lalo akong nakaramdam ng pagka ilang nang mapansin ko na nakatingin si Josh sa saming dalawa habang matalim naman ang mga tingin na binabato ni Caerus sa kanya. At dahil gusto ko nang maputol ang mga tingin na yun kaya naman ay ako na ang unang nagsalita. "Josh. Long time no see. "Sabi