Nandito lang kami sa isang napaka sosyal na restaurant. Kaharap ko si Pikolo na seryoso lang na naka poker face at cross arms pa. Mukhang may malalim siyang iniisip ehhh.
Habang ako naman-- heto at nag o-order ako nang makakain ko. Gutom na gutom na kasi ako ehhh.
Di naman kasi ako nag breakfast kanina, kinain ko lang nga yung tira kong snack na binili kagabi bago pumunta sa kompanya ng lalaking toh. At dahil alam kong libre naman niya ito kaya mas okay kung lulubus-lubusin ko na.
MUHAHAHAHA. >:)
"One smoked beef stake-- LARGE. Ahmm Hawaiian pizza, yung walang pineapple huh."sabi ko.
"Tsaka----"
"Hawaiian pizza na walang pineapple? The heck is your promblem?"interrupt niya sa sasabihin ko pa.
Tiningnan ko naman siya at ngayon ay kunot na kunot na yung noo niya.
Ehh pake ba ng lalaking toh?
"Ehh sa allergic ako sa pineapple ehh. Pake mo ba? Pwede umorder ka na lang ng sarili mo.
Tsaka customer ako noh.
And customer is always---"
"Crazy-- Specifically like YOU!
Tssskk. Shut up! Just order!"sabi niya at bumalik na naman sa pag ka poker face at cross arms.
Sasagutin ko pa sana yung sinabi niya na crazy ako pero binigyan na niya ako ng 'wala- akong - pakialam- look' kaya hindi ko na lang siya pinatulan at inismaran ko na lang siya.
Hmp!
Yabang.
.
.
CAERUS's POV
THE HECK!
Ang daldal ng babaeng toh tsaka patay gutom pa. Tssssk. -_-
If she's not crazy then she should not order Hawaiian pizza kung allergic siya sa pineapple. That is so damn!
San ka ba makaka kita ng Hawaiian pizza na walang pineapple. F*ck!
"Bigyan mo rin ako ng Carbonara, tsaka mukang masarap tong bake mac niyo kaya isa din non.
Hmmm. And banana split for dessert tsaka, a glass of Ice tea. Yun lang."sabi niya sa waiter.
Yun lang?
See that?
Ilang buwan ba siyang hindi nakakain to order those hell foods?
Maya maya pa ay biglang humarap naman sa'kin si-- si-- ano nga ulit pangalan neto? I forgot. Tsssk. -_-
"Ikaw? Anong kakainin mo?
Oorder ka ba? Mag order ka na-- bawal maki share huh."sabi niya.
I just rolled my eyes at her.
Talking about sharing?
Nasa mukha ko ba ang makikipag share ng food sa kanya? -_-
"Just give me a cup of coffee."tipid kong sabi dun sa waiter.
"Copy that Sir."sabi nung waiter at umalis na.
"A cup of coffee? Diet ka ba? Wala ka ba sa mood na kumain? O wala ka ng pera kaya yun lang ang inorder mo?
Uyyy... Wala akong ipa pang abono dun sa mga inord----"
"Can you please shut up? You're talking nonsense."inis na sabi ko.
Ang ayaw ko sa lahat ay yung madaldal.
-_-
I think, I need to prepare myself to this nagger girl. Kasi for sure, mahaba habang buwan ang pag sasamahan namin. Grabe, mas malala pa toh mag ingay kay Alexander and Hanz ehhh.
But there's another problem to think.
Hindi niya pa kasi alam na hindi lang pag papanggap bilang girlfriend ko ang gagawin niya-- kundi a f*cking wife.
Pero for sure, papayag naman siya ehhh. Ngayon pa na may problema siya financially.
Nakaka inis naman kasi ehhh. Bakit kung kelan hindi ko kailangan si Mama sa opisina tapos bigla siyang dadating?
Tssskkk.
So thats why she thought na girlfriend ko tong baliw na babae na toh. Mukha bang pumapatol ako sa mga baliw na babae?
-_-
"Alam mo---"
"I dont know and I dont care."wala pa ring ganang sabi ko. Nahalata ko naman na medyo inis na siya sa paulit ulit na pag puputol ko sa mga salita niya.
*smirk*
Mag sasalita pa sana siya pero dumating na yung mga inorder namin-- I mean, inorder niya pala.
"HUWAW. Biglang nagwala ang mga alaga ko sa tiyan ahhh."she said while having a perfectly O-shape in her eyes when she saw the foods.
-__-
Patay gutom!
.
.
NIXIE's POV
Yummm
Yummm
Yummmmmm
Grabe. The best talaga ang pagkain kapag libre. Naranasan niyo na ba yun guys?
Promise! Nag iiba ang lasa ng mga pagkain kapag libre-- LALONG SUMASARAP.
*_*
Hahahaha.
"Nga pwala papushok.. Bashit kai---"
"Dont speak when your mouth is full. Di mo ba napag aralan ang TABLE MANNERS."pang babara na naman niya sa akin.
Punong puno na talaga ako sa lalaking toh ehhh. Kaya naman dali dali kong nilumod yung laman ng bibig ko at agad kong itinutok sa kanya yung small knife na pang hiwa ko sa steak ko.
"HOY LALAKI-- I HAVE MY OWN WORDS. KAYA KUNG PWEDE WAG MO NGANG BINABARA-BARA ANG MGA SINASABI KO.
IKAW ATA ANG WALANG MANNERS EHHH."galit na sabi ko with matching palo pa sa lamesa.
I saw him smirking at hindi ko naman alam kung bakit.
"You made yourself an actress this time. Bravo."sabi niya at ngumisi na naman.
Huh?
Dahan dahan akong napa tingin sa paligid ko at parang napahiya naman ako nang makita ko na halos lahat ng customers sa paligid ay nakatingin sa direksyon namin, este sa direksyon KO pala.
Kaya naman agad kong naibaba yung kutsilyo na hawak ko at umayos sa pagkakaupo.
Tang-inesss!
Nakaka hiyaaaaa!
Huhuhu T___T
Pinapahiya mo ang sarili mo Nixie. Ano na lang sasabihin ng mga ninuno ng ninuno ng ninuno mo sayo.
Kaya ka laging napapahamak ehh dahil diyan sa pagka taklesa mo.
Grabe!
Tsssk. Nakaka inis kasi ang paputok na toh ehh. Bakit ba kasi sa tuwing maguusap kami ay hindi ko mapigilang highbloodin sa kanya.
"If I where you, just shut up when you are around with me--PUBLICLY! Im very well known person in this country, so dont make stupid things especially infront of me. Youre just making yourself funny to others."walang emosyon pa rin na sabi niya at uminom na lang ulit ng kape niya.
Parang napahiya naman ako dun kaya napa yuko ako at tinuloy na ang pagkain ko.
T___T
.
.
Tahimik lang na nag mamaneho si Pikolo sa tabi ko. Wag na kayong ma bigla kung bakit tahimik din ako-- hayaan niyo na ko, nag iisip ako ehhh.
Iniisip ko kung pano ko sasabihin sa Pikolo na toh, na kailangan kong mag cash advance sa kanya.
Alam kong nakaka hiya pero may hiya pa ba ako? Gipit na gipit na ko noh.
Baka any moment kasi ay sipain na lang ako sa tinitirhan ko, grabe di ko ma c-carry yun noh.
"Kanina pa tayo ikot ng ikot dito. Dont you have plan to tell me kung saan ka nakatira? Im not a fortune teller."walang emosyon na naman na sabi niya. Napataas naman ang kilay ko dahil dun.
"Bakit? Nag tatanong ka ba? Huh?!"sabi ko sa kanya.
"If you are not stupid. Even Im not asking, you need to volunteer to say kung saan ka nakatira.
Bakit? Close ba tayo para malaman ko kung saan ka nakatira?"sarcastic na sabi niya.
Grrrrrrrrrr! Sumosobra na talaga ang pang iinsulto ng lalaking toh sa'kin ahhh.
"Ahh. So sinasabi mo na stupid ako? Ganon ba? HUH?!!"inis na sabi ko.
Waaaahhhhh..
Nakaka kulo talaga ng dugo ang lalaking toh. >_____<
Sinundan ko na lang siya papasok sa loob. At parang wala lang nangyari kung paano niya ako kausapin.
"San ba room mo dito?"he asked.
"Sunod ka na lang."sabi ko din at nilampasan ko siya.
Hello? Nahihiya kaya ako noh.
Ang awkward!
Hindi ko na siya nililingon habang naglalakad kasi alam ko naman na sumusunod siya ehhh.
Medyo malapit na kami sa mismong unit ko nang makita ko na yung landlord ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko
Hala, patay!
Maniningil na ata si MAGA-- as in MATANDANG DALAGA!!!
Kaya naman napabilis ang lakad ko at hindi ko na hinintay pa si Pikolo para mabilis akong maka lapit.
"Magandang Hapon po."agad kong bati.
"Hooyy babae! Hindi ampunan ang condo ko para tirahan mo ng libre huh! Nandito ako para personal kang palayasin kung hindi ka pa makakapag bayad!"sigaw nitong matandang babae na toh with matching pa sway sway pa nung dala niyang pamaypay.
"Halos ilang buwan ka ng hindi nag babayad AHH Aba! Masyado ka naman atang pa VIP!!"sabi pa niya.
Napansin ko din yung mga ibang boarders na nag silipan at naglabasan sa mga pinto ng unit nila para maki chismis.
Waahhhh.
Dahil napapahiya na ko kaya diko maiwasang mapa yuko.
Parang gusto ko na atang mag pa lamon sa lupa ngayon. T_T
"Mag babayad kami."nabigla ako sa pagsulpot ni Pikolo sa tabi ko.
"You dont have to put the shame into her. I can double her credit and pay it.
Now, kung ikaw ang sisingilin ko sa pag papahiya mo sa kanya? I think your all assets is not enough to pay it all."seryosong sabi pa ni Pikolo na nag palaglag sa panga ko.
Te--teka?
Pinag tatanggol niya ba ako?
Attorney ba siya?
.
.
Hindi ko alam kung gaano nako katagal na naka tingala sa kanya at nakatitig. Ang tagal kasing mag sink in sa utak ko ang katotohanan na pinag tatanggol niya ako sa landlord ko.
And speaking of my landlord.
I saw her gulping kasi mukhang natakot siya sa sinabi ni Pikolo.
"And now, if you will excuse us, mag iimpake pa ng gamit niya itong boarder mo.
Compute her bills, Ill pay it later."sabi pa niya at hinigit na niya ang wrist ko papasok sa unit ko.
Pag ka pasok namin ay siya yung nag sara nung pinto.
"Pack your things."emotionless na sabi na naman niya.
Huh?
Pack my things?
"Bakit?"i asked.
"Youre going with me."sabi pa niya.
Huh?
Going with him?
"Bakit?"i asked again.
Mukhang nairita na naman siya sa tanong ko.
"Just..do..it."may pag babanta sa boses niya. At dahil takot si Ako, kaya naman nag madali akong pumasok sa kwarto ko para mag impake.
.
.
CAERUS's POV
She turned around to walk inside of her room thats why I was left behind.
Tsssskkk.
I cant imagine, sobrang tapang niya and daldal niya all the time na magkasama kami but when that landlord comfront her and said those shitty lines-- natitiklop siya.
At mukhang matatagalan naman siya sa pag iimpake kaya naman nilibot ko muna ang paningin ko sa kabuoan ng unit niya.
Its not that typical condo , it's more like an apartment. Its not too big, but its not too small. Pero para sa'kin, maliit pa toh.
Medyo makalat siya sa gamit and I hate it. Kababae niyang tao..grabe!
I walk towards to a room and found out na nasa kitchen na pala akoh.
Hmmmm.
Infairness may ref siya.
Lumapit ako dun at binuksan ko yun, I bit chuckled nang makita ko na wala palang laman yun.
Puro bottled water.
'How poor.'diko maiwasang sabihin sa isip ko. Isinara ko na lang ulit yung ref at lalakad na sana ako palabas ng biglang mag ring ang cellphone ko.
ZEID d**k calling--
Bakit naman tumatawag tong mokong na toh? Aishh -_-
I press the answer button.
"What?"
[May problema ako.]
"Ano ba yun?"
[Si Heillie kasi ehh. Mukhang pinopormahan siya ni Vince. ]
"Oo nga. Balita ko liligawan niya si Heillie, may problema ba dun?"
[MALAKI!! Girlfriend ko yun ehhh.]
"Tssskkk. Problema mo yan! Bakuran mo kung ayaw mong makuha sayo.
Sige na. Bye! Im busy."yun na lang ang sinabi ko at pinatay na yung tawag.
By the way, thats Zeidhon Callycx Imperial-- one of my college bestfriend. He has a girlfriend-- si Heillie Sandoval, but just in contract. [SINFUL NIGHTS: He's a f*****g Good Kisser Series 1]
.
.
"Hey.. Ready na ko."
Napa balik naman ako sa reality when this nagger girl appeared infront of me. She was holding a small bag.
I frowned.
"I said..pack your things.
THINGS, with the 'S'."pag tatama ko kasi ang liit talaga ng dala niyang bag, shoulder bag to be exact.
Ano bang malalaman dun?
A purse and cellphone? Yun lang? F*CK. Asan na yung mga damit niya? Shoes? And others? Ano siya, mag huhubad? Geezz -_-
"Things ko nga toh.
Hello, ayoko ngang mag dala ng madaming gamit noh.
As if naman na ipagbubuhat mo ko. At tsaka, I made a plan na ehhh, like Ive said mag ca-cash advance ako then mag sha-shopping na lang ako to buy new clothes.
Mas okay na yun para di hassle.
So tara na."sabi niya pa at nauna na siyang lumabas sa unit niya.
Napa iling na lang ako.
See that?
Ang daldal noh.
How funny! -_-
Mahirap na nga.
Madaldal na.
Reklamadora na.
At higit sa lahat TAMAD PA!
Shit! I want to back out now but I know that I cant. -_-
.
.
NIXIE's POV
Nakikinig lang ako ng music sa earphone ko habang hinihintay si Pikolo na bumalik. Im just here inside of her car.
Iniwan ko na kasi siya dun sa counter para bayaran yung landlord ko.
Napa isip din ako kanina.
Di naman pala siya ganon kasamang tao diba? Look, hindi kami nagkakasundo everytime we talked pero tinulungan niya pa rin ako.
And that's a good thing.
Diba?
Maya maya pa ay nakabalik na siya at padabog siyang umupo sa tabi ko. Pinatay ko naman yung music sa cellphone ko at hinarap siya.
Hala, bad mood ata siya?
Bakit kaya?
"Uyyy, okay ka lang? May nangyari ba? Bakit parang bad---"
"Ilang months ka bang hindi naka bayad sa landlord mo huh?"putol niya sa sinasabi ko. Hindi siya tumitingin sa'kin kasi iniistart na niya yung engine nung kotse pero kitang kita ko pa rin yung naka kunot niyang noo.
"Ahmm. Mga 5 months na."sabi ko.
"Well, technically speaking, she had all the rights para magalit sayo kasi almost 5 months ka palang hindi nag babayad ng renta.
To think na hindi lang basta bastang condo yung tinirhan mo.
Tell me the truth.
Mayaman ka ba?"tanong niya na nag patigil sa'kin.
Hala.
Should I tell him the truth? Pero, bakit ko naman sasabihin?
Like he have said, DI KAMI CLOSE.
But in my other thought.
Bakit naman hindi? Ehh mag ta-trabaho na ko sa kanya and to be obvious, siya na yung amo ko so may karapatan siyang malaman.
Kaya naman-- I just cleared my throat first before I start to speak.
"Nag layas kasi ako samin."sabi ko at iniiwas ko na yung paningin ko sa kanya.
Sa labas na lang ako ng kotse tumingin.
"Why?"he asked.
I breathed heavily.
"Di kami close ng Dad ko. Pinipilit niya akong pumunta sa America para dun mag take ng business ads, pero ayoko. Nandun din kasi ang kapatid ko at hindi kami mag ka sundo non.
I want to be an artist.
I want to pursue my dreams.
At hindi niya yun maintindihan. Ayoko kasi yung minamanipula ako like what he did to my sister, because we all know na may sarili tayong isip para gawin kung ano man ang dinidikta nito.
Kaya I escaped.
Umalis ako sa bahay with out anything to bring. Almost 6 months na kong hindi bumabalik sa bahay-- the first month, okay pa naman kasi may sarili akong pera galing sa mga nabenta kong artworks ko kaya nakapag bayad ako sa landlord ko nung unang buwan.
Pero sa mga sumunod na buwan, wala na."sabi ko at hindi maitatago ang lungkot sa mga sinambit kong salita.
"You said, na ibebenta mo ang mga artworks mo. Then bakit di ka na lang gumawa ulit and sell it...in that way, you'll earn money again."sabi niya.
"I dont have enough materials. Mahal din kasi ang mga materials ehhh, kaya yun ang nangyari."sabi ko.
Haayyyssss. :(
Actually, namimiss ko na rin mag drawing.
Akala ko may itatanong pa siya pero di na siya ulit nagsalita. Habang tumatagal yung pananahimik ng paligid ko, ay lalong pag bigat naman ng mata ko hanggang sa diko na namalayan ang pag kaka himbing ko.